Sa layuning muling mapasigla ang implementasyon ng mga palatuntunang may kaugnayan sa pangangasiwa sa populasyon sa Lalawigan ng Cavite, isinagawa sa Bacoor kamakailan para sa District I ng lalawigan. Ang pagsasanay ay nilahukan ng pitong (7) population program workers mula sa mga Bayan ng Bacoor, Noveleta, Imus, at Rosario, kasama sina District Population Officer Conchitina Valledor at dalawang tanging kalahok.
Bilang hepe ng Technical Service Division ng Commission on Population-Region IV, ipinaliwanag ni Bb. Luisa B. Nartatez ang nilalaman ng Seksyon 37 ng Batas Republika Bilang 7279 na may kaugnayan sa epekto ng Migration, at layunin ng Migration Information Center (MIC). Ang tinalakay ni Project Evaluation Officer Arlene S. Soriano ay ang nilalaman ng DILG Memorandum Circular No. 2001-132, ang kabutihan ng MIC data na tinipon sa antas ng mga barangay, at ang tungkulin at pananagutan ng mga migration officer. Tinalakay din ang mga tamang pag-uulat.
Nilinaw din sa talakayan ang makatotohanang kahulugan ng “migrant” o kung kailan ang isang naninirahan o tumitigil sa isang barangay ay dayuhan, at kung kailan ito ay isang residente, at upang ito ay ganap na maunawaan, iminumungkahi ni Bb. Nartatez ang pagpili ng pilot barangay sa bawa’t distrito ng lalawigan, na isasagawa na may pakikipag-ugnayan sa kinauukulang municipal planning and development coordinator, na batay sa apat (4) na pamantayang iminumungkahi para sa ganitong pag-aaral.
Ipinaalaala nina Nartatez at Soriano na matapos na makatipon ng mga datus sa mapipiling pilot barangay ay magkakaroong muli ng pagsasanay upang mataya at mapagtalakayan ito para maging gabay sa pagbalangkas ng mga palatuntunang magtataas ng kalalagayan ng tao. (POPCOM-IV)

Comments
Post a Comment