Sa opisyal na pahayag ni Education Secretary Jesli Lapus na nakalathala sa website ng Department of Education na www.Deped.gov.ph noong nakaraang Sabado, Hunyo 2, 2007, ay malinaw na kanyang itinatagubilin sa lahat ng mga nangangasiwa o nagpapakilos ng mga paaralang publiko sa bansa na ang hindi pagbabayad ng mga may kapahintulutang kontribusyon ay hindi dapat na maging dahilan upang ang isang mag-aaral ay huwag itala at tanggapin.
Ang ipinahihintulot na kontribusyon ay para lamang sa boy scouts, girl scouts, Philippine National Red Cross, at Anti-TB Campaign, gayon pa man, ipinaaalaala ni Kalihim Lapus na nananatiling ito ay kusangloob na tulong
Sa mga paaralang naglalathala ng sariling pahayagan, ipinaaalaala ni Lapus na ang kontribusyon para rito ay hindi dapat humigit sa P55 para sa mga mag-aaral sa elementarya, at P80 para sa mga nagsisipag-aral sa sekondarya. Kung may awtorisadong samahan o organisasyon sa loob ng paaralan, ang kontribusyon dito ay hindi rin dapat humigit sa P55 bawa’t mag-aaral sa loob ng isang taon.
Halos ay paulit-ulit na ipinaaalaala ni Lapus na nakadambana sa umiiral na Saligangbatas ng Pilipinas na ang bawa’t kabataang Pilipino ay may karapatang makapagtamo ng pangunahing karunungan, at ito ay hindi dapat na ipagkait ng pamahalaan, kaya kanyang hinihikayat ang pakikipagtulungan ng lahat ng mga pinunong pampaaralan sa bansa, kasama na ang sa samahan ng mga guro at magulang na makipagtulungan sa ikatutupad ng makabuluhang layuning ito. (BENETA News)

Comments
Post a Comment