Ngayong muling nagbukas ang mga paaralan, nabanggit ni City Administrator Loreto S. Amante na ipagpapatuloy ang palatuntunan sa pagtatanim ng mga punong kahoy sa bakuran ng paaralan na pinasimulan ng Tanggapan ng Punonglunsod at ng Sangay ng Lunsod ng San Pablo noong nakaraang Buwan ng Hulyo ng 2006 o sa pagsisimula ng Taong Panuruan 2006-2007. Ang palatuntunang ito ay tumatanggap ng tulong mula sa lahat ng tanggapan at ahensya ng pangasiwaang lunsod, sa pangunguna ng Office of the City Agriculturist, ng City Envrionment and Natural Resources Office, at ng City Solid Waste Management Office.
Ayon kay Amben Amante, ang pagtatanim ng mga puno ay isinasagawang may kalakip na pagpapaunawa sa mga kabataang lumalahok sa palatuntunan sa halaga ng bawa’t punong matatanim at mabubuhay, hindi lamang para mapangalagaan ang kanyang kalusugan, kundi ang pagtatanim ng puno ay isang pagtiyak para ang kapaligiran ng lunsod ay maging matatag sa mga taong hinaharap.
Ang mga kabataan ay tinuturuan din ng wastong pagtatanim ng puno at tamang pangangasiwa ng pataniman.
Ang mga punlang itinatanim ay rambutan, lansones, longkong, nangka na isang mabuting shade tree, at mga kauri nito. (BENETA News)

Comments
Post a Comment