April 19, 2010

Liberal Party Proclamation Rally (San Pablo City)

Pinatunayan ng malaking bilang ng mga mamamayang naghintay upang salubungin ang Noynoy Aquino-Mar Roxas Team sa Proclamation Rally ng Liberal Party na ginanap sa San Pablo City Plaza noong Biyernes ng gabi, Abril 16, 2010, na sina Congresswoman Ivy Arago, at mga Senador Noynoy Aquino at Mar Roxas (inset) ay hindi nag-iisa sa kanilang hangaring maipagpatuloy ang paglilingkod sa bayan sa ilalim ng kaisipang “kung walang corruption ay walang mahirap”. (Ruben E. Taningco)   

Alaminos Public Market

Ang harapan ng papatapos na Public Market Building ng Alaminos na ang isang bahagi ay sinimulan ng gamitin ng mga napili ng stallholder na nakapagbayad na ng goodwill money.  (Ruben E. Taningco)  

Hindi wastong paglalagay ng tinplate

Ang pangit na halimbawa ng hindi wastong paglalagay ng tinplate sa isang buhay na punong kahoy sa kahabaan ng CALABARZON Road sa Barangay San Agustin ng isinagawa ng mga tauhan ng isang reeleksyonistang konsehal na nagkataon pang tagapangulo ng Komite sa Pagkain at Agrikultura, Komite sa Karapatang Pangtao, Komite sa Turismo at Kultura, at Komite sa Suliraning Panglabas at Pakikipag-ugnayang Internasyonal. (Ruben E. Taningco

Sign Up Now!!!!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Disqus for Balitang San Pablo : Online