December 29, 2008

San Pablo City’s Call Center Is Now An Institution

Being managed by MSC Institute of Technology, the San Pablo City Cyberlink Call Center which was formally opened at 3rd Floor of El Coco Building along Artemio B. Fule Street in San Pablo City in November 6, 2007, is now an established center servicing the tourism industry in the United States, making the City of Seven Lakes belonging to the prestigious global call center industry, according to President Virgilio Y. Prudente.

A call center is a centralized office used for the purpose of receiving and transmitting a large volume of request by telephone on behalf of a large corporation.

The opening of a locally owned and home-grown call center have proven that San Pablo City has a pool of world class talents according to Past President Ed de la Cruz of the Philippine Chamber of Commerce and Industry, Inc. –San Pablo City Chapter. San Pablo City Cyberlink Call Center now provide employment opportunities to young people and spur economic development in the city for the Province of Laguna. A good number of its pioneer employees, such as customer service representatives, technical support representatives, and information technologists have transferred to bigger agencies paving the way for other youth gain entry in the call center industry.

Aside from Prudente, who is the Immediate Past President of PCCII-San Pablo City Chapter, other local business leaders behind the San Pablo City Call Center are Ed de la Cruz, owner of Collete’s chain of buko pie stores; Atty. Ken Javaluyas, Vice President of Seven Lakes International; Apolo A. Dayan, General manager of Kash Care Lending Corporation and past president of PCCII-San Pablo; Gary Joven, owner of LG General Merchandise; Danny Banayo, coconut farmer/ agribusinessman; Dr. Rolando A. Inciong, international communications consultant and co-founder of Academia de San Ignacio de Loyola; City Councilor Angelo L. Adriano; Romy Race, owner of R. V. Race Marketing, and Efren de Castro, managing owner of Platinum Hotel and incumbent president of PCCII-San Pablo. (Ruben Taningco)

BEER PLAZA NA KAUGNAY NG 14TH COCOFEST

Gaya ng nakaugalian, itatampok sa 14th Coconut Festival and Street Dancing Competition o Mardi Gras 2009 sa darating na Enero 9 - 15, na iniuugnay sa pagdiriwang ng ika-413 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Parokya ni San Pablo, Ang Unang Ermitanyo, ang gabi-gabing beer plaza sa kahabaan ng Avenida Rizal na maituturing ng isang institusyon na nagtatampok sa mga produkto ng San Miguel Brewery, Inc., lalo na ang San Miguel Pale Pilsen sang-ayon kay City Administrator Loreto S. Amante, over-all chairman ng Cocofest 2009 Executive Committee.

Hindi na maiiwasan ang pagtatampok sa beer plaza, sapagka’t ito ay bahagi na ng kulturang umiiral sa noon ay Munisipyo ng San Pablo bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan pag may ginugunitang kapistahan ay nagtatayo ng maliliit na tindahan na nag-aalok ng inuming cerveza, at pulutang “kinilaw na hipong Palakpakin” Tinatawag noon ang mga maliit ng inuman na “pundahan.” Kung kapistahan ni San Pablo, Unang Ermitanyo, ang mga pundahan at cidera ay itinatayo sa harapan ng simbahan sa kapaligiran ng kilala ngayong liwasang lunsod., na noon ay karaniwang tinatawag na Plaza Rizal sang-ayon sa isang aklat ukol sa kasaysayan ng lunsod na sinulat ni Dr. Juan B. Hernandez.

Ang beer plaza na isinasagawa sa Lunsod ng San Pablo ay maihahambing sa pagsasayang Oktoberfest na taunang isinasagawa sa Alemanya, na unang itinanghal sa Munich noong Oktobre 12, 1810 upang magbigay saya sa paggunita ng anibersaryo ng kasal nina King Ludwig at Princess Therese na ang pinakatampok ay ang pagpapainum ng cerveza na ang pulutan ay longganisa.at litsong baka batay sa pananaliksik ni Researcher Pedrito D. Bigueras ng City Information Office.
Napag-alaman ni Bigueras na noong bago magkadigma, ang paboritong pulutang inihahain sa mga pundahan ay ginataang hipong Palakpakin na may pako, gulay na (uod ng) laywan na ang paasim ay tinuyong kalamyas, at lunganisang gawang bahay na tinuyo sa sikat ng araw..
Naniniwala si Admin Amben Amante na ang tradisyon ng Oktoberfest, na karaniwan tinatawag sa lunsod na beer plaza, gaya ng naging karanasan ng marami nang itaguyod ng Rotary Club of Silangang San Pablo may dalawang taon na ang nakalipas sa PAMANA Hall, ay dapat pasiglahin dahilan sa ito ay lumilikha sa mga magkakapalagayang-loob na maging mga tunay na magkakaibigan, lalo at iisiping ang pag-inum ng San Miguel Pale Pilsen ay bahagi na ng kultura at pagpapahalaga ng mga Pilipino, at katunayan nito, sa palagay ng marami, simula pa noong 1890 ay kinikilala na itong isang “health tonic,” o nakakapagpasigla sa diwa at damdamin ng mga umiinum nito. (
Ruben Taningco)

PAGAMUTANG PANLALAWIGAN, NAGHAHANDA SA BAGONG TAON

SAN PABLO CITY - Gaya sa mga nakaraang taon, ang Pagamutang Panlalawigan ng Laguna (PPL) sa lunsod na ito sa pamamatnugot ni Dr. Jose F. Guia ay magpapatupad ng isang sistema ng pagkakaloob ng tulong sa mga maaari ay magiging biktima ng pagsabog ng rebentador at iba pang uri ng paputok, at tama ng bala ng baril, ang karaniwang dulot na kasakunaan ng tradisyonal na pagsasaya para salubungin ang pagsapit ng bagong taon Marami rin sa nakalipas na mga pagsalubong sa bagong taon ang nagiging biktima ng aksidente sa sasakyan dahil sa marami ang nagmamaneho ng nakainum ng alak.

Ang itinatag na grupo ay isang multi-disciplinary team sa pamumunuan ng isang siruhano at may kasangguning psychologist dahil sa may mga naging karanasan sa mga pagamutan ng pamahalan sa ibang rehiyon na bagama’t ang biktimang inihahatid sa ospital ay sinasabing biktima ng paputok, ay napatutunayan na ang kapansanan ay bunga ng alitan, at dahil sa pagtatangka sa sariling buhay ng biktima, pag-uulat ni Dr. Guia. Ito ay magsisimulang gumanap bilang special team simula sa tanghaling tapat ng Miyerkoles, Disyembre 31, 2008 hanggang sa umaga ng Huwebes o Enero 1, 2009.

Gayon pa man, naniniwala si Chief of Hospital Jose Guia na hindi na magiging marami ang magiging biktima kung ihahambing sa naaabot na bilang ng biktima apat o limang taon na ang nakalilipas, kung saan batay sa ulat ng pagamutan ay maraming kinakailangang putulan ng kamay dahil sa natatamong malubhang kasiraan nito. Marami rin noon ang nagtatamo ng gunshot wound na sanhi ng pumapatak na bala na hindi na naman matunton kung sino ang nagpaputok. Ito ay dahil sa mga patuluyang kampanya na isinasagawa ng Department of Health, ng Department of the Interior and Local Government, at maging ng mga yunit ng pamahalaang lokal.

Makatutulong din upang mabawasan ang bilang ng nagpapaputok ang mataas na halaga ng paputok sa pamilihan, dahil sa umiiral na kahirapan sa pamumuhay na nadarama ng mga karaniwang mamamayan. (Ruben E. Taningco)

PEBRERO, BUWAN NG PHILHEALTH

Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1400 na pinagtibay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Oktubre 7, 2007, sa layuning maikintal sa kaisipan ng mga mamamayan ang halaga ng papel na ginagampanan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) , na isang palatuntunang panglipunan, ang Buwan ng Pebrero ng bawa’t taon, na nagsimula sa Taong 2008, ay ipinahahayag na “National Health Insurance Month”, paalaala ni OIC Dr. Edwin M. Oriña ng PhilHealth-Region IV-A.

Ang PhilHealth na isang Government Owned and Controlled Corporation upang magpatupad ng Pambansang Palatuntunan sa Kaseguruhang Pangkalausugan o National Health Insurance Program ay natatag sa bisa ng Batas Republika Bilang 7875 na napagtibay noong Pebrero 14, 1995, at nagsimulang akuin ang pananagutan sa pagpapatupad ng dating Medicare Program para sa sektor ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan simula noong Oktubre ng 1997 ng ilipat ng Government Service Insurance System (GSIS) sa PhilHealth ang pondo ukol dito, at ang para sa pribadong sektor ay noong April ng 1998 matapos na ang pondo ay ilipat ng Social Security System (SSS).

Ang batas na nagtatag sa PhilHealth ay itinaguyod sa Malaking Kapulungan ni Kinatawan Wilfrido L. Enverga at sa Senado ni Senador Edgardo J. Angara. Samantala, si dating Senador Juan M. Flavier ay naging masugid na tapagtaguyod sa pagpapaunlad ng Medicare Program sa bansa. Siya ngayon ay isang Board Member ng Philippine Health Insurance Corporation.

Ayon kay Dr. Edwin M. Oriña, officer-in-charge ng Office of the Assistant Vice President for Region IV-A, ang limang (5) pangunahing palatuntunang ipinatutupad ng PhilHealth ay ang pagkakaloob ng kaseguruhang pangkalusugan sa mga may palagiang gawain o employed sector; mga may sariling gawain at pinagkakakitaan o informal sector; mga manggagawa sa labas ng bansa o overseas worker; mga hindi na nagsisipagbayad na miyembro o mga retiradong kawani at manggagawa; at mga tinatangkilik o sponsored members para sa mga sadyang mahihirap at ganap na nagdadalita, o sakbibi ng lubhang karalitaan..

Idinagdag pa ni Dr. Oriña na ang PhilHealth ay nagkakaloob ng nagkakaisang mataas ang uring paglilingkod na pangangalagang pangkalusugan sa lahat ng sakop nito, tulad ng tulong para sa pagtigil sa pagamutan, tulong na pambili ng gamut, at kaupahan sa mga manggagamot at laboratory examination. Ang PhilHealth ay mayroon ding mga tanging palatuntunan para sa mga manganganak, pangangalaga at pangangasiwa sa mga kasisilang pa lamang na sanggol o newborn care, at pagpapagamot sa mga dinapuan ng tuberkolusis na tinatawag na TB-DOTS Packages.

Simula noong Taong 2002, ay taunang ipinahahayag ng Pangulo ang pagdiriwang ng PhilHealth Week o PhilHealth Month, at sa bias ng Proclamation No. 1400, ang pagdiriwang sa Buwan ng Pebrero bilang Buwan ng Pambansang Kaseguruahang Pangkalususgan ay naging palagian na o naging isa ng institusyong pambansa, paglilinaw ni AVP Edwin C. Oriña. (Ruben E. Taningco)

December 17, 2008

Palatuntunang IVY-ELADIO Taniman sa Barangay

ALAMINOS, Laguna – Inilunsad nina Congresswoman Ma. Evita R. Arago at Mayor Eladio M. Magampon na pinasiglang Palatuntunang Taniman sa Barangay sa bayang ito na pinaglaanan ng pondong P1-milyon mula sa pondo ng tanggapan ng kongresista para mapagkunan ng ipagkakaloob na cash prizes sa mga magsisipagwaging kalahok na barangay, organisasyon ng magsasaka, at indibidwal na magtatanim ay napagwagian ng Barangay San Agustin sa pangunguna ni Punong Barangay Rustico D. Danta, na ang natamong gantimpala ay umabot sa kabuuang P400,000.


Ang tinanggap na cash prize ay inilaan na ng Sangguniang Barangay ng San Agustin para sa pagpapaunlad ng kalinisan ng kapaligiran ng pamayanan at pagpapatupad ng mga palatuntunang pangkalusugan ng mga mahihirap na taga-nayon.


Ayon kay Punong Barangay Rustico D. Danta ng Barangay San Agustin, ang IVY-ELADIO ay acronym para sa “In View of the Youth, and Enhance Local Agricultural Development with Integrated Opportunities” na ipatutupad na may pakikipag-ugnayan sa FAITH Food Program ni Gobernador Teresita S. Lazaro, at ang paligsahan sa pagtatanim ay itinuon sa produksyon ng 15 uri ng gulay na ang cut-off date para sa paghatol ay hanggang noong nakaraang Setyembre 30.

Ang Barangay San Agustin ang nanguna sa first at sa second evaluation na may gantimpalang P100,000, na nagbigay daan upang matamo ng pangasiwaang barangay ang grand prize na P300,000-worth of barangay project.


Ang isa ring magsasakang taga-Barangay San Agustin ang nagwagi sa Paligsahang Pinaka ay pagkakalooban ng cash prize na P1,000 bawa’t ikategoriya o uri ng gulay na inilahok.,. (Ben Taningco)

PATULUYANG KAMPANYA KONTRA DROGA


SAN PABLO CITY –Ang huling araw ng 5th Annuwal Anti-Drug Campaign na isinusulong ng Tanggapan ni Vice Mayor Frederick Martin A. Ilagan ay tinampukan noong Lunes ng gabi ng isang La-Band Sa Droga, isang Rock Against Drug Concert, isang Battle of the Bank, na nilahukan ng 30 banda na ginanap sa Doña Leonila Park, na sinaksihan ng maraming kabataan mula sa iba’t ibang brangay ng lunsod.


Magugunita na simula ng manungkulan si Vice Mayor Martin Ilagan bilang konsehal noong Taong 2004, ay inilunsad niya kaagad ang isang patuluyang palatuntunan ng pagpapalaganap ng kamalayan ukol sa masamang epekto ng paggamit ng mga mapanganib at ipinagbabawal na gamot.


Noong unang apat na taon, ang pinagtuunan ng pansin ng training group ng kaniyang tanggapan ay ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga in-campus training seminar para sa mga high school student sa pampubliko at pampribadong paaralan sa lunsod. Sa taong ito, ang isinagawa ay ang pagtataguyod ng mga papulong at talakayan sa mga barangay, na na inaanyayahan din na dumalo ang mga magulang ng kabataang inaanyayahan nilang lumahok sa palatuntunan, upang ang mga magulang ay magkaroon din ng kamalayan ukol sa droga, para sila ay maging epektibong tagasubaybay sa kanilang mga anak.


Ayon kay Vice Mayor Marting Frederick Martin A. Ilagan, ipagpapatuloy ng kanyang tanggapan ang kampanya upang tuwirang mailayo ang mga kabataan ng lunsod sa masamang epekto ng mga bawal na gamot o droga, at masagip ang pamayanan sa pagkakaroon ng mga wasak na tahanan. (Ben Taningco)

PAGSASAAYOS NG PAMBANSANG LANSANGAN, SA TULONG NI CONGRESSWOMAN IVY ARAGO

Sa flag ceremonies noong Lunes ng umaga, ay iniulat ni Mayor Vicente B. Amante na ang pagsasaayos ng mga seksyon ng pambansang lansangan sa sakop ng Lunsod ng San Pablo ay tinutustusan mula sa mga pondong nahiling ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago mula sa ilang Senador na umaabot sa kabuuang P80-milyon, na ipinatutupad sa tulong ng DPWH-Laguna Subdistrict Engineering Office na naka-base sa Barangay Del Remedio.


Ito ay ang tulad ng paglalagay ng asphalt concrete over-lay o paglalatag ng ready-mixed asphalt tulad ng nasa kahabaan ng Avenida Rizal sa kalunsuran. Ang prosesong ito ay gumagawang mabilis ang pagpapatupad ng paggawain, na nakatutugon pa sa pamantayan ng pamahalaan para maging matatag at matagal na pakikinabangan ang isang paggawain.


Natutustusan din ang mga kinakailangang paglilinis sa mga padaluyan ng tubig-baha sa baybayin ng kahabaan ng national road sa sakop ng lunsod, upang maiwasan ang pag-apaw ng baha sa lansangan, na nakakapinsala sa preno ng mga sasakyang nagdaraan dito. (Ben Taningco)

PAMASKONG PAILAW, PINAGLILIWANAG ANG PLASA


May taas na anim na metro, ang Christmas light na ipinatayo ng San Pablo City Water District sa liwasang lunsod na pormal na pinailawan ni Mayor Vicente B. Amante noong Lunes ng gabi, ay binubuo ng 322 bumbilya o 5-watt incandenscent bulb na nakakabit sa tulong ng mga “all weather sucket” kaya ito ay nananatiling buhay at umiilaw kahit na umuulan, sang-ayon Engr. Roger Borja, general manager ng distrito.


Ang paglalagay ng Pamaskong Pailaw sa liwasang bayan na dapat pailawin simula sa dapit-hapon ng Disyembre 15 hanggang sa araw ng Tatlong Hari ng sumunod na buwan ng Enero ay pag-alinsunod sa isang Presidential Proclamation na pinagtibay ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1992, bilang simbolo ng paggunita sa Panahon ng Kapaskuhan sa bansang Pilipinas.


Karagdagan sa ipinatayong nagliliwanag na Christmas Tree, ay nilagyan din ng pailaw ang pitong (7) puno ng Indian tree, at nilagyan ng dekorasyon ang apat (4) na Corinthian post na may tig-aapat na ilaw na nasa loob ng lobong bubog o glass globelet.


Kasabay na binuksan ni Alkalde Vicente B. Amante ay ang dancing fountain na ang rehabilitasyon ay itinaguyod din ng San Pablo City Water District bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng ika-35 taong ng pagkakatatag. Ang nabanggit na dancing fountain ay natayo noon pang 1969, na bukod sa pagsasaayos ng pumping system, ito ay nalagyan ng 18 spot-light na nagbibigay ng kaakit-akit na kulay sa tila nagsasayaw ng tubig, lalo na kung may mahinang hihip ng hangin sa kapaligiran.


Magugunitang nang si Dr. Jose P. Rizal ay magtatag ng isang sistema ng patubig sa Dapitan sa pagitan ng Taong 1892 hanggang 1894, upang ang malinis na tubig mula sa bukal na nasa iang malayong kaburulan ay madala sa mga tahanan sa kanayunan, ang dulunan ng proyekto ay tinayuan ng isang liwasang nagtatampok sa isang fountain na may Mapa ng Mindanao (Relief Map of Mindanao), na napaliligiran ng pailaw na ang gatong ay langis ng niyog.


Tulad noong panahon ni Dr. Rizal, mahalaga pa rin sa kasalukuyan ang pagkakaroon ng isang fountain sa liwasang lunsod, sapagka’t tinatanggap ng mga siyentista sa kaisipan ng tao na ang dumadaloy na tubig, kung pagmamasdan, ay may epekto sa damdamin ng isang tao upang mabawasan ang pagsisikip ng dibdib, nakatutulong upang makatulog, sapagka’t ang lagaslas ng tubig ay may kaakibat na hiwaga na nakakaalis ng tensyon sa kaisipan ng tao.


Sa mga nakapaglibot sa labas ng bansa, kanilang napansin na maging sa mga malalaking simbahan at sangtuwaryo ng mga mananampalaltaya, Cristiano o Budista o Confusionista, ay bahagi ng disensyo ng kapaligiran ang isang water fountain sapagka’t ang dumadaloy o sumasayaw o umaawit na tubig ay nakapapawi ng kapaguran at nakakapagbigay ng katiwasayan sa kaisipan ng tao, (Ben Taningco)

December 12, 2008

UMUUNLAD NA BIYAYA SA MGA SENIOR CITIZEN

ALAMINOS, Laguna – Noong nakaraang Lunes ay iniulat ni Pangulong Rizalino B. Javier ng Federation of Senior Citizens Association of Alaminos kay Alkalde Eladio M. Magampon MD na ang liderato ng samahan ay hinihikayat ang kabuuan ng transport sector upang ganap na maipatupad ang pagbibigay ng 20% diskuwento sa pasaje ng mga nakatatandang mamamayan dito.


Kanila ring sinisikap na ang mga botica at clinical laboratory sa baying ito ay maipagkaloob din ang mga biyayang dapat tamuhin ng mga card-bearing senior citizen. Ito ay para sa makatotohanang implementasyon ng Batas Republika Bilang 9257.


Pinahahalagahan din ni Javier na sa maayos na pagtutulungan nina Municipal Social Welfare and Development Officer Marissa M. Aguilart at Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) Chairman Zenaida R. Reyes ay maagang napabigay sa bayang ito ang “Katas ng VAT-Tulong Para Kay Lolo at Lola” sa 641 kuwalipikadong nakatatandang mamamayan noong Martes ng umaga na umabot sa kabuuang P320,500 ang ipinamahaging “one-time cash subsidy worth P500” sa mga kasapi ng Federation of Senior Citizens Association of Alaminos na ang gulang ay mahigit na sa 70 taon na walang tinatanggap na pensyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS), o Social Security System (SSS), o Philippine Veterans Affairs Office (PVAO). Ang subsidy ay sa inisyatibo ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at naipatupad sa tulong ng pondong kinuha mula sa natipong expanded value added tax o EVAT.


Sinisikap din nina OSCA Chairman Zenaida R. Reyes, at Federation President Rizalino B. Javier na ang lahat ng mga nakatatandang mamamayan sa bayang ito ay mapagkalooban ng Purchase Slip Booklet upang makapagtamo ng diskuwento sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan ng mga matatanda, tulad ng gatas, groserya, at iba pa.


Ipinaaalaala nina Reyes at Javier na ang kinikilalang senior citizen, na mapapagkalooban ng “nationally uniform identification card” ay yaong naipagdiwang na ang kanilang ika-60 kaarawan. (Ben Taningco)

December 2, 2008

Young essayist


15-year old Lanna L. Alvarez of Barangay Santa Elena, and a fourth year high school student at the San Pablo Colleges emerged as Champion in the recently concluded 3rd Annual Essay Writing Contest sponsored by the Rural Bank of Seven Lakes, Inc. to commemorate their 34th Founding Anniversary last November 21, 2008.She received cash prize and a plaque of appreciation from RB7L Chairman/President Odilon I.. Bautista. By her is her coach Mrs. Antonia R. Tadoy. From the 21 participants representing 21 secondary institutions in the City of San Pablo, other winners are Marie Sandy Belarmino of Barangay V-A and a fourth year student at the San Pablo City Science High School, first runner-up; and Jeanne Loraine P. Ampunin of San Lucas 1 and a fourth year high school student at the Laguna College, second runner-up. (Seven Lakes Press Corps).

CITY OF SANTA ROSA
Province of Laguna

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT


Name: JACQUELINE OSINE

Age: 23 Years old

Sex: Female

Height: 5’2” to 5’3”

Weight: 135-140 lbs.

Address: No known address


  • Possible victim of hit and run in Brgy. Pulong Sta. Cruz, City of Santa Rosa, Laguna near Coca-Cola Bottling Plant
  • Confined at the Santa Rosa Community Hospital since Nov. 10, 2008
  • Any one who knows her, please contact the Santa Rosa Community Hospital at (049) 534-4571 to 72 or 09284459544 look for Ms. April

(Sgd) ARIES ZAPANTA

ALAMINOS, LAGUNA : 13TH MONTH PAY AT CASH GIFT, NAIBIGAY NA

ALAMINOS, Laguna – Ang 13th Month Pay at ang cash gift para sa mga pinuno at kawani ng pangasiwaang munisipal rito ay naipagkaloob na noong pang unang quincena ng Nobyembre. Ang cash gift na ipinagkaloob ay P15,000 para sa bawa’t regular employee, at P10,000 para sa bawa’t casual employee. Ito ay ganap na ikinatuwa ng mga kawani at manggagawa dahil sa abot pa umanong pangmatrikula ng kanilang mga anak na nagsisipag-aral pa sa kolehiyo.


Sa flag ceremony noong Lunes ng umaga, ay ibinalita ni Mayor Eladio M. Magampon na sa dahilang kaya pa ng pananalapi ng pangasiwaang munisipal, at hindi pa naaabot ang ceiling para sa personnel services, siya ay humiling ng kapahintulutan mula sa Sangguniang Bayan na makapagkaloob ng 14th Month Pay, lamang, ito ay maipagkakaloob lamang kung ang kapasiyahan ay mapagtitibay ng Sangguniang Panglalawigan batay sa ipinaiiral na alituntunin ng Department of Budget and Management, at ng Commission on Audit.


Napag-alamang si Mayor Magampon ay humiling sa Sangguniang Bayan na mapagtibay ang isang resolusyon o kapasiyahan na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na makipagtalastasan sa o to negotiate with Land Bank of the Philippines (LBP) para sa paghiram ng halagang P35-milyon na ilalaan para karagdagang pondo para sa konstruksyon ng isang two-storey public market building na tinatayang maipatatayo sa halagang P55-milyon sa 2,600-metro cuadradong loteng kinatatayuan ng kasalukuyang old one-storey public market building.


Isang Area Officer ng Land Bank of the Philippines ang nagsabing batay sa kanilang naisagawa ng pagtaya, ang Pangasiwaang Munisipal ng Alaminos ay may kakayanang maayos na mapangasiwaan ang pananalapi nito o they have an effective fiscal management scheme na may kakayanang makapagbayad ng hanggang sa P100-million loan para sa pagpapaunlad ng mga proyektong mapagkukunan ng karagdagang kita ng kanilang pangasiwaan. (Ben Taningco)

November 29, 2008

SSS-South Luzon, Maunlad na Sangay


Sa Kapihan sa SSS na ginanap noong Lunes ng hapon na nilahukan ng mga kinatawan ng medya na kumikilos sa Katimugang Tagalog, nabanggit ni President Romulo L. Neri na ang SSS-South Luzon Cluster na naka-base dito sa Lunsod ng San Pablo, nitong nakalipas na mga buwan ay nakapagtala ng malaking koleksyon. Maipagkakapuring ang mga kahillingan para mabayaran ang pensyon, ang tulong sa palibing, at iba pang biyayang dapat matamo ng mga kasapi, lalo na ng mga retirado, ay kaagad natutugunan.


Nabanggit din ni Neri, na sa hurisdiksyon ng SSS-South Luzon ay masinop ang mga employer na inii-entrego o iniri-remit ang lahat ang bayaring ibinabawas mula sa kanilang mga kawani at manggagawa, at dahil sa pagkakaroon ng maayos na monitoring program, ay madalang ang employer na napapaulat na hindi ipinatatala ang kanilang mga empleyado, o kinokolektahan ang kanilang mga kawani/manggagawa na hindi naman inii-entrego ang kanilang binabawas.


Tinugon ni Assistant Vice President Aida V. delos Santos, bilang hepe ng South Luzon Cluster, na sila ay nagtatagumpay dahil sa magkakaugnay na kumikilos ang lahat, at mismong ang mga korporasyon o employer ang nagkikipagtulungan upang ang lahat ng kanilang mga tauhan ay masakop ng palatuntunan para sa kaseguruhang panglipunan.


Upang ang lahat ng mga nasa pormal na sector ng paggawa ay tiyak na masasakop ng biyaya ng pagiging miyembro ng Social Security System (SSS), nanawagan si President Neri sa mismong mga manggagawa, kasama na ang mga kagawad ng medya, na maging mapagbantay sa nagaganap na ugnayan ng mga may empleyado at ng mga empleyado, sa pamamagitan ng pagpapaabot sa tunay na kalalagayang umiiral sa isang paggawaan o tanggapan sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS kahit palihim, halimbawa ay sa pamamagitan ng email o ng text messaging sapagka’t ang SSS ay mayroon namang mga monitoring team na may kapangyarihang magsagawa ng mga ramdom checking or verification upang matiyak na ang mga tauhan ng isang ahensya ay natatamasa ang kanilang mga biyayang dapat tanggapin bilang kawani o manggagawa.


Hiniling ni Neri sa mga kagawad ng medya na ipaalaala sa mga miyembro na ang SSS ay may ipinatutupad na mga palatuntunan sa pabahay, na ang sistema ng pagbabayad ay maluwag para sa mga miyembro kung ihahambing sa mga katulad na plano na ipinatutupad ng ibang mga financial institution sa bansa. And detalye ng housing fair program na kanilang ipinatutupad sa nalolooban ng isang buong taon, ay maipagtatanong sa pinakamalapit na SSS office, na dito sa Lunsod ng San Pablo ay nasa panulukan ng M. Paulino Street at Balagtas Boulevard. (Ben Taningco)

November 12, 2008

MASIGLA AT MALUSOG PA RIN SI KA LARRY


Masigla at matatag tumayong Lauro “Larry” G. Vidal ang masayang sinalubong ni City Administrator Loreto S. Amante noong Miyerkoles ng umaga nang ang dating Pangalawang Punonglunsod ay dumalaw sa Office of Senior Citizens Affairs upang papalitan ang kanyang Senior Citizen Identification Card ng may lagda ni Mayor Vicente B. Amante, tanda ng patuloy niyang pagsuporta sa mga palatuntunan at paninindigan ng Pangasiwaang Amante. (Seven Lakes Press Corps)

ASO, DAPAT AYUSIN ANG PANGANGALAGA

SAN PABLO CITY – Ngayong napagtibay na ang isang kautusang lunsod na sumusuporta sa Batas Republika Bilang 9482, na lalong kilala bilang “Anti-Rabies Act of 2007,” dapat asahan pagsapit ng Enero 1, 2009, ang lahat ng nagsisipag-alaga ng aso ay daoat na ito ay huwag hahayaang walang tanikala o tali at malayang makalilibot sa labas ng kanilang bakuran, Dapat ding ang lahat ng alagang aso ay nakarehistro sa pangasiwaang lokal, at taon-taong pinababakunahan. Na ang mga mararapatang lalabag dito ay mapaparusahan ng multang hindi bababa sa P2,000.


Kung isasama ang aso sa labas ng bakuran, ay kinakailangang ito ay may tali o tanikala, at ang lalabag ditto ay mapaparusahan ng multang P500 sa bawa’t pagkakataong siya ay mararapatang nagpapabayang paligaw ang alagang aso.


Magiging pananagutan din ng may-ari sa aso ang gugol sa pagpapagamot sa taong maikakagat ng kanilang aso, na ang mga maninindigang hindi sasagutan ang gugol ay malalapatan ng hukuman ng kaparusahang mulat na hindi bababa sa P10,000.

Tuwiran na ring ipagbabawal ang pamimili at pagbibili o pangangalakal ng ng aso para katayin, at ang mga mapapatunayang nangangalakal nito para karnehin ay malalapatan ng kaparusahang multa na hindi bababa sa P5,000 o pagkabilanggo na hindi hihigit sa apat (4 na taon..


Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpatay sa aso sa pamamagitan ng kuryente at iba pang malupit na pamamaraan, na ang lalabay ay malalapatan ng multa o pagkabilanggo, o ang dalawang kaparusahan ayon sa magiging hatol ng hukuman. At kung ang mkapaparusahan ay banyaga o foreigner, pagkatapos na malapatan ng kaparusahan ay maipapatapo pa na wala ng karagdagan pang pagdinig. (Ben Taningco)

MGA DERMATOLOGIST, MAGLILINGKOD SA SAN PABLO


SAN PABLO CITY - Sa pakikipag-ugnayan kay City Health Officer Job D. Brion, ang Philippine Dermatological Society, kaugnay ng kanilang outreach activities and information dissemination on skin and nail wellness, ay magtatalaga ng isang team ng mga manggagamot na espesyalista sa larangan ng sakit sa balat o dermatologist sa City Health Office sa umaga ng darating na Sabado, Nobyembre 15, 2008 upang maghandog ng walang bayad na pagsusuri sa mga may karamdaman sa balat. Ang ganitong pagbubukas ng dermatological outreach clinic ay taunang proyekto ng PDS na isinasagawa sa pakikipag-ugnayan sa mga local government unit upang matiyak na ang makikinabang ay ang masa o ang mga karaniwang mamamayan na ipinalalagay na walang kakayanang makapagpasuri sa mga espesyalista.


Ang Philippine Dermatological Society, na ang mga miyembro ay sinasabing specialty society ng mga “Physician Devoted to Skin health,” na ang kasalukuyang pambansang pangulo ay si Dra. Arnelfa C. Paliza, noong nakaraang buwan ng Mayo, sa kombensyon ng Philippine Medical Association (PMA) na ginanap sa Manila Hotel, ay pinagkalooban ng "Testimonial Recognition For Most Outstanding Projects By A Specialty Society”


Napag-alaman na bahagi ng advocacy program ng PDS ay ang pakikiisa sa pandaigdigang pananawagan na ang mga may sakit na ketong o leprosy ay hindi dapat pandirihan at dapat na maluwag na tinatanggap ng lipunan. (Ben Taningco)

November 6, 2008

ESSAY WRITING CONTEST FOR HIGH SCHOOL SENIOR STUDENTS

Board Chairman Odilon I. Bautista announces that the Rural Bank of Seven Lakes (San Pablo), Inc. will be holding its third On-The-Spot Essay Writing Contest for fourth year high school students on November 21, 2008, a Friday, at their board room along M. Paulino Street, starting at 8:00 o’clock in the morning. All high school units in the city are invited to send their representative. Cash prizes and Awards for Excellence will be at stake, as it was in the past two years..


Bank Director Leila A. Aquino said the awarding of winners will be held in the afternoon of Saturday, November 29, 2008, at the San Pablo Central Stadium, on time with the commemoration of the 34th Founding Anniversary of Rural Bank of Seven Lakes (San Pablo City), Inc, and the traditional Christmas party for their clients and employees..


The program is deseigned for the youth to enhance exemplary adherence towards English proficiency, to help achieve the dreams of many to be globally competitive as workers in communication industry, as well as in cultural inter-actions. Judge Bautista pointed out that every sector of the community must work hand in hand and in sharing the responsibility in helping the youth in their quest for excellence in the field of communication arts. The schools will also be honored and recognized for the important role they are playing in uplifting the students’ English Proficiency Level.


This On-The-Spot Essay Writing Contest is a continuing program of the Rural Bank of Seven Lakes, to coincide with the commemoration of its 34th Founding Anniversary on November 21, 2008. Providing incentives for the youth to excel, and it signifies the bank’s expression of gratitude to the community for all the trust and patronage they have accorded to this financial institution which is the oldest rural bank operating in the city today, Bautista added. (Ben Taningco)



November 3, 2008

TOLENTINO AT BELARMINO NG SPCSHS, NAMAYANI SA DEPED RSEC


SINILOAN, Laguna - Nakamit ng San Pablo City Science High School ang unang karangalan sa Essay Writing (English) at ikalawang karangalan Essay Writi8ng (Filipino) sa ginanap na Regional Science Environmental Camp (RSEC) sa bayang ito noong nakaraang Miyerkoles hanggang Biyernes, Oktubre 29-31.


Ang pagtitipon ay may temang Global Protection and Conservation for Mother Earth (o Pandaigdidgang Pangangalaga at Pagiingat Para Sa Inang Kalikasan) ay napagwagian ni Geri Mae A. Tolentino ang unang karangalan sa English Essay Writing Contest, samantalang si Sandy Marie D. Belarmino naman ang nakakuha ng ikalawang karangalan sa Filipino essay writing.


Ang pangrehiyong paligsahan ay nilahukan ng mga kumakatawan sa mga panlalawigan at panlunsod na sangay ng mga paaralang nasa hurisdiksyon ng Department of Education-Region IV-A (CALABARZON), Ang Sangay ng Lunsod ng San Pablo ang may pinakamaliit na delegasyon, kung ihahambing sa bilang ng mga bumubuo ng delegasyon ng ibang lalawigan at lunsod sa Katimugang Tagalog.


Maaalaalang natamo nina Geri Mae A. Tolentino at Sandy Marie D. Belarmino ang karapatang kumatawan sa Sangay ng Lunsod ng San Pablo sa mga kategoriya ng pagsulat ng sanaysay bunga ng kanilang pagwawagi sa essay writing contest na nilahukan ng mga mag-aaral sa Public and Private Schools sa lunsod noong nakaraang Oktubre 15, 2008 kung kaya’t ang nabanggit na mga 4th year student ng San Pablo City Science High School ang awtomatikong naging opisyal na kalahok sa tatlong araw na RSEC na itinataguyod ng DepEd Region 4A.


Lubos ang naging kasiyahan ni San Pablo City Mayor Vicente B. Amante ng kanyang mabatid ang pagkapanalo ng mga mag-aaral ng SPCSHS: “Ito na marahil ang pinaka-magandang regalong natanggap para sa aking kaarawan nitong nakaraang Oktubre 27. Namumunga na ang bisyon at misyon ng ating lokal na pamahalaan sapagkat ng ipinatayo ng inyong lingkod ang SPCSHS ay nakatuon lang ito para sa pagpapalawak ng kamalayan mga kabataan upang sila ay ihanda sa pag-aaral sa larangan ng siyesya at teknolohiya, kaya laking kagalakan niyang pati sa larangan ng komunikasyon ay mataas ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral doon.


Sina Tolentino at Belarmino ay kaanib ng first batch of graduating student ng San Pablo City Science High School o Class 2009.


Si Bb. Helen A. Ramos (Education Supervisor I of Secondary Science) ang Officer-In-Charge ng SPCSHS, samantalang ang mga tumatayong mga coach/trainor sa mga nagwaging sina Tolentino at Belarmino ay si Bb. Venus B. Endozo at Rosette P. Hernandez. (CIO-SPC/Ramil Buiser)



October 31, 2008

KASUNDUAN SA PAGIGING MAGKAPATID


SANTA ROSA CITY - Sa bisa ng isang kasunduang pinagtibay nina yor Arlene Arcillas-Nazareno at Mayor Jejomar C. Binay noong nakaraang Martes, Oktubre 28, 2008 ay naging pormal ang pagiging magkapatid na lunsod ng lunsod na ito at ng Lunsod ng Makati. Ang Lunsod ng Makati ang kinikilalang “financial and commercial center” ng Pilipinas, samantala ang Lunsod ng Santa Rosa ang tinatagurian ngayong “the past rising investment center in South Luzon.”

Sa pahayag ni Mayor Arlene Arcillas-Nazareno, kanyang nabanggit na malaki ang maitutulong ng pagiging magkapatid na lunsod ng Santa Rosa at ng Makati para maging tuwiran at masigla ang pagpapalitan ng kamalayan at kasanayan sa larangan ng siyensya at teknolohiya, pagpapaunlad ng pamayanan, pagpapataas ng antas ng edukasyon, pangangalaga sa kapaligiran, at mga paglilingkod na pangkalusugan at panglipunan.

Hindi na malayong maging pormal ng tawagin ang lunsod na ito na “New Makati” o “Makati of the South,” na ayon kay Mayor Nazareno ay magpapasigla sa nagaganap na pagiging sentro ng kalakalan ng Lunsod ng Santa Rosa

Bilang tugon sa binanggit ni Mayor Nazareno na pangangailangang maitaas ang sistema ng pangasiwaang lokal, kaagad ay ipinahayag ni Mayor Binay na handa niyang tulungan na sanayin ang mga pangunahing pinuno ng mga kagawaran ng ingat-yaman, ng tasador, at ng inhenyeriya, at nais din niyang ibahagi ang karanasan ng Pangasiwaang Lokal ng Makati sa paggamit sa information technology upang ang pangasiwaang lokal ay makatipid sa operasyon, at mapalaki ang kita sa pamamagitan ng computerization.

Ang naganap na pagkapaglagdaan ng sisterhood agreement ay nagsimula pa noong Hulyo ng 2007 kung kailan nagkaroon ng pag-uusap ang mga kinatawan ng dalawang pangasiwaang lokal, hanggang sa nakapagpatibay ng kanikanilang resolusyon ang dalawang sangguniang panglunsod na nagbigay daan upang pormal na malagdaan ang unawaan noong nakaraang Martes. (Ben Taningco)

NUTRICOMNET - CALABARZON


Sa pulong na ginanap sa Hipolito B. Aycardo Hall ng DOST-IV-A masayang nagpapalitan ng kuro-kuro ang mga lider ng re-organisado at pinasiglang Nutrition Communication Network (NUTRICOMNET)-CALABARZON upang mabalangkas ang palatuntunan upang maipalaganap sa CALABARZON Provinces ang tamang kamalayan ukol sa bunga ng mga pananaliksik at pagpapaunlad na sinasagawa ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI). Sila ay sina (mula sa kaliwa) FRNI Science Research Specialist Charina A. Javier, Laguna Score’s Mar Diozon, NUTRICOM Vice Chairman, FRNI Deputy Director Zenaida V. Narciso, at ABS-CBN Radio DZMM Correspondent Vic Pambuan, NUTRICOMNET Chairman. (Ben Taningco)

Sign Up Now!!!!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Disqus for Balitang San Pablo : Online