SAN PABLO CITY – Ngayong napagtibay na ang isang kautusang lunsod na sumusuporta sa Batas Republika Bilang 9482, na lalong kilala bilang “Anti-Rabies Act of 2007,” dapat asahan pagsapit ng Enero 1, 2009, ang lahat ng nagsisipag-alaga ng aso ay daoat na ito ay huwag hahayaang walang tanikala o tali at malayang makalilibot sa labas ng kanilang bakuran, Dapat ding ang lahat ng alagang aso ay nakarehistro sa pangasiwaang lokal, at taon-taong pinababakunahan. Na ang mga mararapatang lalabag dito ay mapaparusahan ng multang hindi bababa sa P2,000.
Kung isasama ang aso sa labas ng bakuran, ay kinakailangang ito ay may tali o tanikala, at ang lalabag ditto ay mapaparusahan ng multang P500 sa bawa’t pagkakataong siya ay mararapatang nagpapabayang paligaw ang alagang aso.
Magiging pananagutan din ng may-ari sa aso ang gugol sa pagpapagamot sa taong maikakagat ng kanilang aso, na ang mga maninindigang hindi sasagutan ang gugol ay malalapatan ng hukuman ng kaparusahang mulat na hindi bababa sa P10,000.
Tuwiran na ring ipagbabawal ang pamimili at pagbibili o pangangalakal ng ng aso para katayin, at ang mga mapapatunayang nangangalakal nito para karnehin ay malalapatan ng kaparusahang multa na hindi bababa sa P5,000 o pagkabilanggo na hindi hihigit sa apat (4 na taon..
Comments
Post a Comment