Skip to main content

Posts

Showing posts from February 12, 2012

1M for LSPU San Pablo Campus

Atty. Hizon A. Arago represented Congresswoman Ma. Evita R. Arago of the 3rd Congressional District of Laguna in presenting a check for Php 1,000,000 to President Dr. Nestor M. de Vera and Campus Director Dr. Ruperto C. Espinuela to finance the construction of a 4-classroom building at the San Pablo City Campus of the Laguna State Polytechnic University in anticipation of the expected increase in student population this coming School Year 2012-2013. (RET)

HANDA NA PARA SA 2012 LA LAGUNA FESTIVAL

 Handa na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna para sa ikalawang taong pagdaraos ng La Laguna Festival na tinaguriang “The Festival of Life”. Unang inilunsad ang La Laguna Festival noong nakaraang taon kung saan umani ito ng mga papuri't paghanga mula sa Department of Tourism at maparangalan bilang “The Best Tourism Event, Festival Category Provincial Level” sa buong Pilipinas. Bunsod ng naging matagumpay ng La Laguna Festival noong nakaraang taon at marami ang nabitin sa saya, minabuti ni Gobernador Jeorge E.R. Ejercito Estregan na gawing sampung (10) araw ang festival na magsisimula sa Abril 20 (Biyernes) at matatapos ng Abril 29, 2012 (Linggo) sa pamamagitan ng fireworks display. Tiniyak nina Governor E.R. at Laguna Tourism, Culture, Arts, and Trade Office Head Delto “Mike” Abarquez na triple ang gagawing kabonggahan ngayon ng 2012 La Laguna Festival na may temang “Uno Progreso...Una Sa Saya, Buhay Laguna.”

Career Service Professional and Sub Professional Examination

Ipinababatid ni San Pablo City Administrator Loreto S. Amante sa lahat na sa darating na Mayo 27, 2012 ay magkakaloob ang Civil Service Commission ng Career Service Professional Examination, at Career Service Sub-Professional Examination dito sa Lalawigan ng Laguna, na ang pamamahagi ng kaukulang application form ay nagsimula na noon pang nakaraang Pebrero 3 sa CSC Provincial Office sa Santa Cru z. Ang mga filled-up application form at kalakip nito ay tatanggapin hanggang Abril 12, 2012, araw ng Huwebes, sa paraang “first come first serve basis” dahil sa may sapat na bilang lamang ng examinee ang tatanggapin sa dalawang pagsusulit, kaya ang mga interesadong kumuha ng pagsusulit ay asikasuhin na kaagad ang pagkuha ng application sa CSC-Santa Cruz. Ang kinakailangang ilakip sa application form ay litrato, at self-addressed stamped envelope. Ang Career Service Professional Examination ay gaganapin sa Pedro Guevara Memorial National High School, samantalang ang Career Service Sub-Profe

San Pablo Time is On Time

The official clock that have a direct link with the Rubidium Atomic Clock and Global Positioning System of the PAGASA originally installed at the atrium of One Stop Processing Center in San Pablo City last December 12, 2011 by the Science and Technology Information Institute of the Department of Science and Technology, that according to a Senior Science Researcher of the said agency, “San Pablo  City is the first local government unit in the Philippines to adopt the Juan Time Project of the DOST,” was transferred at the City Plaza infront of the monument of Dr. Jose P. Rizal was re-inaugurated by City Administrator Loreto S. Amante, in the presence of the members of the local mass media last Tuesday afternoon, February 14, 2012 to serve as the official reference for the Philippine Standard Time in the City of San Pablo. (RET)