Skip to main content

Posts

Showing posts from January 20, 2008

Special Report : KAGALINGAN NG MGA BARANGAY TANOD

Maaaring hindi napapansin ng mga mediamen na sumusubaybay sa mga gawain ng mga Kongresista sa Batasang Pambansa, ay isang makabuluhang panukala ang isinusulong ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago (3rd District, Laguna) na kikilala at magkakaloob ng mga karapatan, kaluwagan, at kalayaan para makapagkaloob ng paglilingkod sa pamayanan sa mga barangay tanod sa buong bansa. Nakatala sa Congressional Records bilang House Bill No. 02665, ang panukalang batas ay nagtatakda ng pagbuo ng isang tunay na Organisasyong Pambansa ng lahat ng barangay tanod, at magkakaloob ng mga kaluwagan o benepisyo upang ang mga barangay tanod ay ganap na magampanan ang kanilang inakong tungkuling makatulong sa pangangalaga ng kapayapaan at kaayusan sa bawa’t barangay sa Pilipinas. Makabuluhan din ang House Bill No. 02662 na magkakaloob ng kapangyarihan at karapatan sa Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo na mapangasiwaan ang Pitong (7) Lawa na ipinagkaloob ng kalikasan sa pamayanang ito. Magugunita

ANO ANG WRIT OF AMPARO?

Bilang legal consultant ng samahan, ipinaunawa ni Assistant Provincial Prosecutor Florante D. Gonzales sa mga kagawad ng Seven Lakes Press Corps na ang Writ of Amparo ay isang nasusulat na kautusan ng hukuman na naglalayong mapangalagaan ang mga karapatan ng isang ipinagsasakdal, tulad na ipinagkaloob ng hukuman kay Fr. Robert Reyes, ang kilalang Running Priest, na isinasangkot sa kaso ng deestablisasyon kasama nina Senador Antonio F. Trillanes IV. Nilinaw ni Prosecutor Gonzales na ang writ ay nasusulat na kautusan ng hukuman na inaatasan ang pinatutungkulan nito na itigil ang isang aksyon laban sa isang pinaghihinalaang nakalabag ng batas, samantala ang amparo ay salitang Kastila na ang tuwirang salin sa Filipino ay proteksyon. Sang-ayon kay Gonzales, na isang tagapagturo sa Paaralan ng Batas sa San Pablo Colleges, ang Writ of Amparo ay isang paraan ng hukuman upang ang pinunong militar at pampulisiya na pinaghihinalaang may kaugnayan sa mga pag-uusig o usaping may kinal

IKA-20 ANIBERSARYO NG PCAMRD SA ENERO 30

Ang Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD), isang sanggunian sa pananaliksik at pagpapaunlad sa ilalim ng Department of Science and Technology, ay gugunitain ang kanilang Ika-20 Anibersaryo ng Pagkakatatag sa darating na Enero 30 at 31, 2008, na ang tema ng pagdiriwang ay “Innovative Strategies for Technology Commercialization” sang-ayon sa isang pahayag ni Dr. Rafael D. Guerrero III, executive director ng ahensya. Si Science Secretary Estrella F. Alabastro ang magiging panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita. Sa unang araw ay gaganapin ang Roundtable Workshop on Philippine Research and Development Framework for Climate Change and Aquatic and Marine Resources, at bubuksan sa publiko ang AQUAMART sa basement ng PCAMRD Headquarters Building kung saan nakatanghal para ipagbili ang mga makabagong kagamitang ginagamit sa pagpapaunlad ng industriya ng pagpapalaisdaan sa tubig-tabang o sa tubig-alat pagbabalita pa ni Dr. Guerrero. Itat

BENEPISYO NG PHILHEALTH

Pagtugon sa katanungan ng mga karaniwang mamamayan na dumadalaw sa PhilHealth San Pablo Service Center, nilinaw ni Chief Social Insurance Officer Eloisa B. Tagbo na may dapat isaalang-alang na batayan upang magtamo ng mga biyaya ang mga miyembro ng National Health Insurance Program (NHIP) na ipinatutupad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), gaya ng mga sumusunod : Ang mga miyembrong may gawain/namamasukan (or employed) ay kinakailangang nakabayad na ng hindi kukulangin sa tatlong (3) buwang bayarin o premium bago pumasok at tumigil sa isang kinikilalang pagamutan o PhilHealth Accredited Hospital; Nagbabayad ng sariling premium o individually paying member. Nakabayad na ng tatlong buwang premium bago pumasok ng pagamutan; Ipinagbayad na kasapi o sponsored member. Nakalimbag sa kasunduang nilalaman ng Family Health Card ang panahong umiiral upang matamo ang mga biyayang tulong sa pagpapagamot; Miyembrong Manggagawa sa Labas ng Bansa o Overseas Filipino Worker, Naka