Skip to main content

Posts

Showing posts from September 28, 2008

MANAGEMENT CONFERENCE NG PPA-REGION IV

Ang mga Chief Parole and Probation Officer sa Katimugang Tagalog na nasa pangangasiwa ng PPA-Region IV ay isasagawa ang kanilang 3 rd Regional Management Conference sa ngayong Lunes, Oktubre 6, 2008 sa Tierra de Oro Resort and Hotel sa Barangay San Antonio I, lunsod na ito sa personal na pamamatnugot ni Regional Director Corazon M. Ocampo. Ang inaasahang dadalo ay ang 25 hepe ng iba’t ibang tanggapang nakatatag sa mga Lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, Rizal, Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, at Palawan Nabanggit ni Chief Parole and Probation Officer Yolanda B. Deangkinay ng San Pablo City Parole and Probation Office na minarapat ni Director Corazon M. Ocampo na isagawa ang Regional Management Conference upang maitatag ang pamantayan ng paglilingkod na angkop sa kalalagayan ng mga lalawigan sa Katimugang Tagalog o sa CALABARZON at MIMAROPA Area. Tulad ng isang tagapangasiwaang progresibo

MANNY VILLAR, MR. SARI-SARI NG PUREGOLD

Si Senate President Manuel Bamba Villar Jr. ay kinilala ng Puregold Price Club Inc. nang ganapin kamakailan ang 3 rd Grand Tindahan ni Aling Puring Barangay Asenso Sari-Sari Store Convention 2008 sa World Trade Center na “Mr. Sari-o,Sari. Ayon kay Puregold Vice Chairman Susan Co, ang tagumpay ng Puregold bilang isang wholesale and retail outlet na natatag noon lamang Taong 1998, ay salig sa “Kaisipang Sipag at Tiyaga” na siyang naging panuntunan ni Manny Villar sa kanyang pagsusulong ng ano mang gawain, maging ito ay sa hanapbuhay o pagninegosyo, sa pagbalangkas ng mga batas, sa pagiging kagawad ng ano mang lipunang magiging daan niya para makapaglingkod sa nakararami, at sa pagiging isang ama ng tahanan. Samantala, nabanggit ni Puregold President Leonardo Dayao, na ang Puregold Price Club, Inc. ay natatag bilang isang karaniwang tindahan sa kahabaan ng Shaw Boulevard sa Metro Manila, na ngayon ay mayroon ng 24 retail store hindi lamang sa Metro

TAMANG PAGTATANIM NG GULAY

Si OIC City Agriculturist Alex B. Dionglay samantalang nagsasagawa ng oryentasyon sa isasagawang pagsasanay sa tamang pagtatanim ng gulay SAN PABLO CITY – Sa pagtataguyod ng Office of the City Agriculturist bilang pag-alinsunod sa tagubilin ni Alkalde Vicente B. Amante, na may tulong mula sa Regional Crop Protection Center (RCPC) sa Los Baños, Regional Field Unit ng DA-Region IV-A, East-West Seeds Company, at Parish Council of the Laity ng Parokya ng Concepcion, ay isinagawa noong Martes ang isang maghapong pagsasanay sa tamang pagtatanim ng gulay sa Countryside Resort sa Barangay Santo Angel sa personal na pamamatnubay ni (OIC) City Agriculturist Alex B. Dionglay. Iniulat kay Mayor Amante na ang pagsasanay ay nilahukan ng 90 magsasaka mula sa mga Barangay ng Concepcion, Sta. Isabel, San Diego, Santo Angel, at San Lorenzo, at may lecturer na ang pinagtuunan ng pansin ay ang pagtatanim ng mga cucubit plant o mga halamang gulay na gumagapang, tula

CESI CHEMICAL TREATMENT PLANT, TULUYANG IPINASARA NG DENR

San Pablo City, Laguna - Lutas na ang suliranin hinggil sa 900 toneladang chemical waste ng lalawigang ito makaraang tuluyang ipasara ng Pollution Adjudication Board (PAB) ang treatment plant na nagpoproseso nito dahil sa paglabag sa batas pangkalikasan. Sa dayalogong ginanap sa satellite office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lunsod na ito na kung saan dumagsa ang mga nagrereklamong mamamayan buhat sa kinatatayuan ng Korean firm Clean Earth Solution Inc. (CESI) sa Brgy. San Antonio I, San Pablo City , ay humupa ang mainit na talakayan ng ibaba ng PAB ang kautusan sa pamamagitan ni DENR Sec. Lito Atienza. Ang kautusan ng kalihim ay personal na ipinaabot ni DENR 4A Regional Executive Director Nilo B. Tamoria na ikinatuwa nina Brgy. Chairman Javier Icaro, Kagawad Rexon Banaag, Danilo Magracia, Lito Cortez, Danilo Bautista, Wally Magracia, Gloria Estrellado at Allan Dacara, at iba pang barangay official na sina Edgardo Escano, Tela

BFAD bans 56 milk products

The Bureau of Food and Drugs on Friday released a partial list of milk and other milk products undergoing testing for possible melamine contamination. In an interview on radio dzMM, BFAD chief Leticia Barbara Gutierrez urged the public not to purchase the following products until the bureau finishes its tests. "We are going to test if these are positive for [melamine]. Some of these used milk sourced from China. These are the samples that we have collected but there's always the possibility that these could be negative," Gutierrez told radio dzMM. "This is the advice of the [Department of Health]. Wag na muna silang bilhin," she added. She said the ban will remain in effect until BFAD releases results of the tests in October. Below is the partial list: 1. Anchor Lite Milk 2. Anchor Wam Froot Milk Drink Mango Magic 3. Anchor Wam Froot Milk Drink Orange Chill 4. Anchor Wam Froot Milk Drink Strawberry Spin 5. Anlene Milk 6. Anmum Materna 180 g 7. Anmum