Ang mga Chief Parole and Probation Officer sa Katimugang Tagalog na nasa pangangasiwa ng PPA-Region IV ay isasagawa ang kanilang 3rd Regional Management Conference sa ngayong Lunes, Oktubre 6, 2008 sa Tierra de Oro Resort and Hotel sa Barangay San Antonio I, lunsod na ito sa personal na pamamatnugot ni Regional Director Corazon M. Ocampo.
Ang inaasahang dadalo ay ang 25 hepe ng iba’t ibang tanggapang nakatatag sa mga Lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, Rizal, Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, at Palawan
Nabanggit ni Chief Parole and Probation Officer Yolanda B. Deangkinay ng San Pablo City Parole and Probation Office na minarapat ni Director Corazon M. Ocampo na isagawa ang Regional Management Conference upang maitatag ang pamantayan ng paglilingkod na angkop sa kalalagayan ng mga lalawigan sa Katimugang Tagalog o sa CALABARZON at MIMAROPA Area.
Tulad ng isang tagapangasiwaang progresibo ang kaisipan, nasa kaisipan ni Director Baby Ocampo na dapat na mayroong pamantayan ng paglilingkod na magsisilbing sukatan ng ginagawa ng mga pinuno at kawani ng Parole and Probation Administration, upang maayos na mabatid nila ang tunay na kalalagayan ng ahensya sa tuwing matatapos ang taon. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment