Si Senate President Manuel Bamba Villar Jr. ay kinilala ng Puregold Price Club Inc. nang ganapin kamakailan ang 3rd Grand Tindahan ni Aling Puring Barangay Asenso Sari-Sari Store Convention 2008 sa World Trade Center na “Mr. Sari-o,Sari.
Ayon kay Puregold Vice Chairman Susan Co, ang tagumpay ng Puregold bilang isang wholesale and retail outlet na natatag noon lamang Taong 1998, ay salig sa “Kaisipang Sipag at Tiyaga” na siyang naging panuntunan ni Manny Villar sa kanyang pagsusulong ng ano mang gawain, maging ito ay sa hanapbuhay o pagninegosyo, sa pagbalangkas ng mga batas, sa pagiging kagawad ng ano mang lipunang magiging daan niya para makapaglingkod sa nakararami, at sa pagiging isang ama ng tahanan.
Samantala, nabanggit ni Puregold President Leonardo Dayao, na ang Puregold Price Club, Inc. ay natatag bilang isang karaniwang tindahan sa kahabaan ng Shaw Boulevard sa Metro Manila, na ngayon ay mayroon ng 24 retail store hindi lamang sa Metropolitan Manila, kundi maging sa mga Lalawigan ng Pampanga, Laguna, Cavite, Bulacan, at Rizal.
Ginamit ng Puregold ang sipag at tiyaga ng kanilang mga tauhan upang maayos at makabuluhang makapaglingkod sa kanilang mga “suki”. Ang Puregold ay may epektibong palatuntunan ng paglilingkod sa kanilang mga tagatangkilik, at makatarungang pamantayan ng paghahalaga sa kanilang iniaalok na paninda. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment