December 29, 2009

Sariling MRF, Magaang Maitatayo



     Sa pakikipanayam kay Los Baños Mayor Caesar Pabalate Perez kamakailan, kanyang nabanggit na kung talagang ang isang punong tagapagpaganap ay may inisyatibong makaalinsunod sa iniuutos ng Solid Waste Management Act of 2000 o ng Batas Republika Bilang 9003, ay madaling makakayanan ng isang Material Recovery Facilities (MRF),  upang masimulan ang makatotohanang implementasyon ng isang palatuntunang pangkalinisan ng kapaligiran.


     Upang huwag sabihing siya ay nagbubuhat ng sariling bangko sa pamamagitan ng pagamit sa mga kagamitan ng Pangasiwaang Lokal ng Los Baños bilang modelo o huwaran, ay maaaring gamiting huwaran ang Material Recovery Facilities na itinatag ng pangasiwaan ng tatlong barangay na bumubuo ng Isla ng Boracay sa Malay, Aklanm na karaniwan na ngayong dinadalaw ng mga pinunong lokal na sumasailalim ng lakbay-aral o lumalahok sa mga  educational tour.


     Bilang “focus mayor on envieronmental sanitation” ng League of Municipal Mayors of the Philippines, ay nadadalaw ni Mayor Perez ang lahat ng nagbabalak na magtayo ng sanitary landfill and materials recovery facilities saan mang panig ng bansa..


     Ang Boracay ay isang island resort na pinagdarayo ng mga international and local tourists kaya ang sanggunian ng mga Barangay ng Manoc-Manoc, Balabag at Yapak ay nagtulong-tulong na maitayo ang isang Meterial Recovery Facilities na ang disenyo ay batay sa tagubilin ng National Solid Waste Management Commision, isang tanggapan sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo na ang tagapangulo ay ang Kalihim ng Kapaligiran at Likas Yaman, isang hakbanging nakatutulong upang maging masigla ang eco-tourism industry ng munisipyo. At pinatutuhanan sa Isla ng Boracay na “may pera sa basura,”


     Sa mga barangay dito sa Laguna, nabanggit ni Caesar P. Perez na higit na magiging kapakipakinabang kung ang isang material recovery facilities ay pagtutulong-tulungan itayo at pangasiwaan ng mga tatlo o apat na magkakalapit na barangay upang matiyak na matustusan ang kapakipakinabang na operasyon nito. Sapagka’t ang pangunahing pangangailangan sa pagtatayo ng isang Material Recovery Facility ay isang bubong na pagsisilungan ng shredding machine  para sa pagsasaayos ng mga matitipong plastic materials mula sa mga basura. Subalit ang tunay na pangunahin ay ang maturuan ang mga mamamayan na maghiwahiwalay o magsegregate ng kanilang basura. (Ruben E. Taningco)




CHARO SANTOS-CONCIO LED IN GIFT GIVING IN CALAUAN



     CALAUAN, Laguna - Dec. 25 (PNA) -- ABS-CBN President  Maria Rosario “Charo”  Santos-Concio led a gift-giving and feeding project for poor families in Barangay Dayap, Calauan, Laguna on Christmas Day.


     Concio said the project was conducted under the "Bayanijuan sa Calauan" as a culmination of the network's Christmas Campaign which was launched last November.


     She was also accompanied by the network's top management headed by ABS-CBN chairman and chief executive officer Eugenio “Gabby” Lopez III as well as ABS-CBN Foundation Inc. (AFI) managing director Gina Lopez.


     Concio said they fed more than 1,000 families who were mostly former residents of Estero de Paco and other areas along both sides of Pasig River. They were relocated to Calauan as part of the seven-year plan to clean up the Pasig River.


     Some victims of the recent storms in other parts of Luzon were also transferred to the newly-built community in Barangay Dayap. And   "We intend to reach the 6,000 families by next year," said Concio. "I'm just so happy because in two to three months, their lives were completely transformed,"    


     Other than the feeding facilitated by the network executives, ABS-CBN also gave cash prizes to the winners of the recently held community song and dance competition “Sayawit” and to the cleanest and most organized blocks in the community.  "Such recognitions give them inspiration and encouragement so they can be a good example to our fellow Kapamilya," said Concio. (PNA)



74th AFP Founding Anniversary Celebration




The PNRC-Rizal Chapter was awarded with a plaque of recognition and appreciation during the 74th AFP Founding Anniversary Celebration at the 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Headquarters in Tanay, Rizal. The AFP Plaque signed by Lieutenant General Victor Ibrado, Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines (AFP),  was formally handed by Major General  Jorge Valbuena Segovia, Commander of 2ID, and was received by Ms. Geraldine C Repollo Chapter Administrator, and Mr. Elmer Espiritu of the PNRC Board of Governors, during the simple flag raising ceremony held last Thursday morning, December 24, 2009. (Frank Sayson)

AGHAM manifests intent to run in 2010 election



     The Alyansa ng mga Grupong Haligi ng Agham at Teknolohiya para sa Mamamayan or  AGHAM has filed its manifestation of intent to run in the 2010 election under the party-list system.



     AGHAM President, Mr. Angelo B. Palmones, led the group that filed the manifestation with the Commission on Elections (COMELEC).  With him were Mr. Anselmo G. Adriano, Vice President for National Capital Region,  Dr. Florentino O. Tesoro,  Treasurer, and Dr. Ruby Ephraim Rubiano,  Secretary-General.



     Organized in 2005,   AGHAM   is  a non-stock, non-profit association of science professionals,  science journalists,  science advocates and enthusiasts registered with the Securities Exchange Commission (SEC).  It  aims to  (1) promote  science education and a culture  of science  among our people;  (2) advocate national policies and programs that will advance science and technology for sustainable development and well-being of the Filipino;  (3) assist and support Filipino science workers engaged in research and development,  in invention and popularization of technologies and products;  and (4) promote the welfare and well-being of Filipino science and technology workers and the sustainability of science-based institutions, organization and enterprises.



     “It has been long overdue that science and technology  (S & T) advancement be given priority attention,”  says Palmones.  “As shown by data, our neighboring countries are advancing ahead of the Philippines because they largely invest in Science & Technology.  It is not yet too late.  Let us harness the benefits of  Science  & Technology  to boost our economic development and help improve the lives of our people,”  Palmones added.  (Vicky B. Bartilet,  PSciJourn News Service)  

AGUEDA KAHABAN NG CALAUAN, HENERALA NG KATIPUNAN



     CALAUAN, Laguna – Ipinapapansin ni Gng. Felisa “Baby” Lim Berris, maybahay ni Mayor Buenafrido T. Berris,  na batay sa South Luzon Telephone Directory ng Philippine Long Distrance Telephone Company, ang isa sa kinilalang matapang na lider ng mga Katipunero sa pagtatapos ng Digmaang Pilipino at Castila na gumapi sa malaking puwersa ng mga Castila na may matatag na himpilan sa Sta. Cruz noong Agosto 31, 1898 ay si Henerala Agueda Kahaban ng bayang ito.



     Sa pananaliksik ni Baby Berris, sinasabi ng kasaysayan, na bilang gumaganap na Pangalawang Pangulo ng Bansa at pangunahing lider ng himagsikan sa Timog Luzon, tinagubilinan ni Heneral Miguel Malvar sina Heneral Paciano Rizal ng Calamba, Henerala Agueda Kahaban ng Calauan, at Heneral Severino Taiño ng Pagsanjan na magsagawa ng puspusang pagbaka sa mga kalabang nakahimpil sa iba’t ibang municipio na sakop ng Laguna.



     Sa simula, ang pangkat ni Henerala Agueda ay reserba o nagkakaloob ng karagdagang kawal sa pangkat nina Heneral Rizal at Taiño kung sino sa kanila ang napapasuong sa mahigpit na pakikipaglaban. Subali’t noong magtatapos na ang Buwan ng Agosto, kinailangan ni Henerala Kahaban na gumawa ng sariling pagsalakay sa isang garrison upang ang mga kaaway ay huwag magkatulungan sa kanilang pakikihamok at huwag na muling makatipon ng lakas.



     Sakay ng isang kabayong puti, at personal na pinangunahan ang pagsalakay sa matatag ng kuta o maayos na kanlungan ng mga kalaban, ang ipinakita ni Henerala Kahaban na katapangan at talino sa pakikihamok ay nagsilbing pampalakas ng loob sa kawal katipunero na nagbunga ng kanilang pagwawagi sa mahigpit na nasasandatahang mga kaaway.



     Henerala Agueda Kahaban, bayani ng Laguna na anak ng Calauan, subali’t ang  tanong ng maraming kabataan ay bakit kaya walang isinagawang pang-alaalang pagdiriwang na inihanda ang pangasiwaang panglalawigan ng Laguna ang naganap noong Agosto 31, 2008 na ika-111 anibersaryo ng pagtatagumpay ng mga Manghihimagsik na Lagunense na kumubkob sa mga Kawal ng Castila sa Santa Cruz.  (Ruben E. Taningco)


                                               

SAN PABLO CITY POST OFFICE, GSIS eCARD CENTER NA.



     Nagpapaalaala si City Postmaster Gemma C. Medallon sa lahat ng mga retiradong kawani ng pamahalaan na tumatanggap ng buwanang pensyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS) na ang San Pablo City Post Office ay itinalagang isang “GSIS eCard Center” kaya ang mga pensyonado ay maluwag na dito na kunin (o I-cash) ang kanilang buwanang pensyon

Kailangan lamang ay dalahin nila ang kanilang GSIS eCard, at saulado o memorized ang kanilang PIN, at magtungo sa San Pablo City Post Office na nasa dakong likuran ng Register of Deeds Building, katabi ng San Pablo City Library at City Veterinary Office. Ipagtanong lamang kung sino si Gng. Aloha O. Robillos, ang Postal Money Order Clerk na personal na tutulong sa mga  nagwi-withdraw ng kanilang pensyon, lalo na ng mga senior citizen.





   Katunayan nito, ang eCard Center ay binuksan para sa mga nakatatandang persyonado o old-age pensioners. Gayon pa man, ang mga GSIS member na nasa aktibo pang serbisyo ay maaaring dito na rin sa San Pablo City Post Office I-cash ang kanilang loan at tinatanggap na dividend (Ruben E. Taningco).

BUSINESS PERMIT AND LICENSE, SIMULA SA ENERO 4


Pinaaalalahanan ang lahat ng mga negosyante o nangangasiwa ng mga bahay kalakalan sa Lunsod ng San Pablo, na ang pagtanggap ng aplikasyon para sa renewal of business permit and license na taunang hinihiling sa pamahalaang lokal  ay sisimulan sa unang araw ng Lunes ng susunod na taon, o sa Enero 4,  na tatagal hanggang Miyerkoles, Enero 20, 2010, sa One Stop Processing Center, sang-ayon kay Gng. Paz T. Dinglasan, hepe ng Business Permit and License Division ng Tanggapan ng Punonglunsod.




     Para sa kaluwagan ng lahat, sa tagubilin ni Alkalde Vicente B. Amante, ang kanilang tanggapan ay bukas sa mga araw ng Sabado o sa Enero 9 at 16.




     Ang mga pangunahing pangangailangang dapat ilakip sa application form na dapat bilihin sa City Treasurer’s Office ay community tax receipt (cedula) para sa Taong 2010, barangay business clearance, at Social Security System clearance. 




     Maaaring may iba pang pangangailangan batay sa uri ng negosyong ikinukuha ng business permit and license,tulad ng botica na kinakailangan may katibayan mula sa Bureao of Food and Drugs; at negosyante ng butil na kinakailangang may katibayan mula sa National Food Authority.




     Nagpapaalaala rin si Gng. Paz Dinglasan na kinakailangan ding tiyakin na ang kanilang registration of business name sa Department of Trade and Industry ay hindi pa paso o expire,


     Upang makaiwas na magkaroon ng suliranin na matugunan ang mga pangangailangan sa paghiling ng lisensya, ayon kay Gng. Dinglasan ay makabubuting maglahad na kaagad ng kanilang aplikasyon sa mga unang araw pa lamang, upang sila ay makaiwas ng magbayad ng multa, na inilalapat sa mga humihiling ng renewal of business permit and license pagkalipas ng itinatakdang panahon. (CIO-San Pablo City)

GAWAD NG ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY



Sa pamamagitan ni City Councilor Jose Paolo Cristobal C. Lopez, kasalukuyang pangalawang pangulo ng kapatiran sa Lunsod ng San Pablo, ay pinagkalooban ng Alpha Phi Omega Fraternity Alumni Association ng gawad ng pagkilala si Alkalde Vicente B. Amante noong Lunes ng umaga bilang pagpapahalaga sa naitutulong ng pangasiwaang lunsod sa ikapagtatamo ng mga layunin at tunguhin ng kanilang organisasyon para makapaglingkod sa pamayanan. Ang paggagawad ay sinaksihan nina Councilor Angelo L. Adriano, Arch. L. Manuel F. Barte, at Head Executive Assistant Mariuz F. Zabat.  (CIO-San Pablo City)


December 22, 2009

MGA BUNDOK NG SAN CRISTOBAL AT BANAHAW


Ang pagkapagpatibay sa Batas Republika Bilang 9847, na lalong kilala sa katawagang “An An Establishing Mounts Banahaw and San Cristobal In The Provinces of Laguna and  Quezon  As A Protected Area Under The Category Of  Protected Landscape,” na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa isang palatuntunang ginanap sa Calamba City kamakailan,  upang ganap na mabigyan ng proteksyon ang kapaligiran ng dalawang bundok na kinikilalang pinakamalaking watershed na tumutustos ng inuming tubig sa malalaking bahaging dalawang lalawigan. Nakaupo sa harapan ng hapag sina Deputy Speaker Amelita Villarosa at Quezon Congressman Proceso Jaraza Alcala, ang principal author ng pinagtibay  na batas, na sinaksinah nina Environment Secretary Joselito Atienza, Laguna Governor Teresita S. Lazarom kasama sina Congressmen Ivy Arago, Timmy Chipeco, at Egay San Luis na pawang co-author ng batas. Sang-ayon sa mga lider ng Philippine National Historical Society, ang Republic Act No. 9847 ay isang “landmark legislation.”   (Ruben E. Taningco)

December 7, 2009

COMPREHENSIVE FIRE CODE OF THE PHILIPPINES, MAHIGPIT NA IPATUTUPAD

     Sa isang pagpupulong na ipinatawag ni Bureau of Fire Protection Chief, F/Insp. Cornelio Puhawan ng mga kinatawan ng City Treasurer’s Office, Land Tax Division, Business Permit and License Division, Building Official, City Health Office at City Information Office ay masusing ipinaliwanag ang mga Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 9514 o “Fire Code of the Philippines of 2008”.


     Ayon kay SFO2 Ronilo Mendoza maraming mga ginawang amendments sa nasabing fire code  partikular na sa collection of taxes/fees. Ang Bureau of Fire Protection (BFP) lang ang itinatalagang magpatupad ng fire code, subali’t kung kinakailangan ay maaari ring hingin ng tulong ang pulisya, LGU at iba pang law enforcement agencies sa mahigpit na pagpapatupad nito.


     Bawat fire station sa buong bansa ay magkakaroon na ng sariling collection officer para sa mga kaukulang taxes/fees o fines. Ayon kay Insp. Puhawan ang pagpapatupad ng mga bagong batas ay magsisimula sa January 1, 2010.


     Dati after 60 days of non-compliance sa violations ng isang establishment ay required magbayad ng kaukulang fines. Ngayon ay after 15 days ay maglalagay na ang BFP ng warning sign na ang nasabing building ay “Fire Hazard” o kaya ay magbibigay sila ng written notice para sa work stoppage at closure ng building.


     Magkakaroon na din ng iba’t-ibang fire code taxes, fees/charges at fines para sa kanilang issuance ng certificates, permits at licenses. Magbabayad ng 10% mula sa mga regulatory fees (solid waste management, annual inspection, health, sworn statement) para sa Fire Safety Inspection Fee sa mga karaniwang nakuha ng business permits/licenses.


     Magbabayad ang mga business establishments ng 0.01% ng assessed value ng kanilang building o structures. Ang mga insurance company ay magbabayad ng 2% mula sa sale ng kanilang fire, earthquake at explosion hazard insurance at sa mga company, person or agent na nagbebenta ng fire fighting equipment, appliances o devices tulad ng hazard detection at warning systems.


     Mangongolekta rin sila ng iba pang fees tulad ng storage clearance para sa mga LPG refilling at gasoline stations. Conveyance clearance fee para sa transportation ng flammable at combustible materials, installation at iba pang clearance fees, at fire code fines.


     Ang BFP Chief ang mangangasiwa sa assessment ng mga kaukulang taxes, fees/charges at fines sa kanyang area of jurisdiction. Mag-iissue sila ng kaukulang Order or Payment Slip para sa collection ng mga nabanggit na fees at pagdedeposito nito sa authorized government depository bank.


     Ang breakdown ng mga makokolektang buwis ay 20% para sa LGU share at 80% sa BFP share na manggagaling lahat sa Bureau of Treasury. Malaki ang maitutulong ng pagpapatupad ng bagong batas na ito para sa modernisasyon ng mga kagamitan ng BFP upang maiwasan ang lahat ng uri ng sunog at lalo pang maisulong ang professionalization ng fire service bilang isang profession. (CIO-San Pablo City)

EDUKASYON ANG SANDATA NG KATAHIMIKAN – VIC AMANTE

Binigyang diin ni Mayor Vicente B. Amante na “Edukasyon ang Sandata ng Katahimikan” at sandigan sa ikapagkakaroon ng pamayanan maunlad at matatag na hinaharap. Ito umano ang nasa kaisipan ni Gat Andres Bonifacio, na dahil sa kahirapan ay hindi nakapagpatuloy na makatapos ng high school sa pamantayan ng edukasyon noon, subalit sinikap na matamo niya ang mga pangunahing kamalayan sa pangangasiwa o basic education on management and leadership  sa pamamagitan ng pagbabasa at pakikipanayam sa mga negosyante sa Maynila na nakatulong ng malaki upang mahubog ang sarili upang maging matalinong lider ng himagsikan. Ito ang naging buod ng pananalita ng punonglunsod na ipinagkaloob sa palatuntunan ng   paggunita ng ika-146 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio nuong nakaraang Lunes, Nobyembre 30, 2009 sa harapan ng kanyang bantayog sa may Sampaloc Lake.


     Ayon a punonglunsod kapag ang mga mamamayan ay may sapat na edukasyon ang mga ito ay hindi magiging pahirap sa pamayanan. Kung edukado ang mga tao sa isang komunidad ay walang mga karahasan o kaguluhan ang mga maaaring mangyari. Kaya binibigyan din niya ng prayoridad ang kalusugan ng lahat ng taga-lunsod. Sapagkat siya ay naniniwala na kapag malusog ay lalabas ring itong isang matalinong mamamayan.


     Naging panauhin din sa nasabing programa sina G. Ely Flores, General  Education  Supervisor sa Division of San Pablo City; Former Vice-Mayor Palermo A. Banagale ng San Pablo City Historical Society, Councilor Angelita “Angie” Lozoda Erasmo-Yang, Chief of Police Supt Raul L. Bargamento ng PNP-SPC, Jail Warden Jerome Soriano ng BJMP at marami pang iba.


    Ipinaliwanag naman ni G. Flores ang kabuluhan ng pagdiriwang kung saan nakamit ang tinatamasa nating kalayaan sa isang makabuluhang himagsikang isinagawa ni Gat Andres Bonifacio. Kaya nararapat nating pasalamatan, pahalagahan, isapuso at isabuhay ang mga nagawa ng ating mga bayani para sa ating kalayaan.


     Nanawagan naman si Ex-Vice Mayor Banagale na ang bawat isa ay makapag-ambag ng kahit na katiting na kabutihan at labanan ang kahirapan upang umunlad ang pamayanan.


     Sa pangwakas na pananalita naman ni Konsehala Angie Yang ay pinasalamatan niya ang lahat ng dumalo sa ngalan ng buong Sangguniang Panlunsod. Dagdag pa niya na hindi hadlang ang kahirapan upang makapaglingkod sa bayan tulad sa naipakitang halimbawa ni Mayor Amante sa lunsod.


     Dumalo rin ang grupo ng Veterans Federation, Barangay Chairmen, Pinuno at Kawani ng Pamahalaang Lunsod, national agencies at iba’t-ibang NGO’s at civic orgs.
     Natapos naman ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga bulaklak ng lahat ng grupong dumalo sa paanan ng bantayog. (CIO-San Pablo City)

KANDIDATO NG BIGKIS PINOY


Taas-noong humaharap sa mga mamamayan ang tambalan nina Mayor Vicente B. Amante, reeleksyonista,  at Concejala Angelita “Angie” Lozada Erasmo-Yang, naghahangad na maging Bise Alkalde,  bilang tagapanguna sa tiket ng Bigkis Pinoy, ang kowalisyon sa Lunsod ng San Pablo ng mga kasapi ng LAKAS, PDSP, KAMPI, CMD, at Partido Liberal, na nagtataguyod ng higit na maunlad na palatuntunan sa paghahatid at pagkakaloob ng mga paglilingkod na pang-edukasyon, pangkalusugan, at panglipunan, na salig sa umiiral na  mapayapa at panatag na kapaligiran. Kuha ang larawan nang ang kanilang tiket ay samasamang maglahad ng certificate of candidacy sa Office of the City Election Officer noong ika-10:27 ng umaga ng Martes, Disyembre 1, 2009. Kanilang katiket sina Concejal Dante B. Amante, dating Concejal Edgardo D. Adajar, dating Concejal Arthur U. Bulayan, Rondel Diaz, Prof. Eduardo O. Dizon, Secretary to the Mayor Rodelo U. Laroza, Dr. Eman Loyola, Punong Barangay Wilson Maranan, Marcelino C. Rogador, at College Instructor Arnel “Bobot” Cabrera Ticzon para sa pagiging kagawad ng Sangguniang Panglunsod.  (Ruben E. Taningco)

November 11, 2009

VOTE FOR Efren Penaflorida - CNN Heroes


For the past 12 years, Peñaflorida and his team of teen volunteers have taught basic reading and writing to children living on the streets. Their main tool: A pushcart classroom. Stocked with books, pens, tables and chairs, his Dynamic Teen Company recreates a school setting in unconventional locations such as the cemetery and municipal trash dump. Peñaflorida knows firsthand the adversity faced by these children. Born into a poor family, he lived in a shanty near the city dump site. But he says he refused to allow his circumstances to define his future.



"Instead of being discouraged, I promised myself that I would pursue education," he recalls. "I will strive hard; I will do my best."


November 3, 2009

GAWAD TAMBULI NG DOST-REGION IV


Sa maraming gawad ng pagpapahalaga, at mga parangal na tinanggap na ni Hometown Journalist Ruben E. Taningco, kasama na ang pagiging isa sa sampong (10) indibidwal na tumanggap ng Gintong Gawad mula sa Surian ng Wikang Pambansa o Institute of National Language noong Agosto 19, 1987 ang kanilang ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag, at napabilang rin siya sa pinarangalan bilang One of the Ten Most Outstanding San Pableño (for Journalism) nang gunitaan ng Lunsod ng San Pablo ang ika-50 Taon ng Karta nito noong Mayo 7, 1990. Siya ay napasama rin sa 50 San Pableño na pinagkalooban ng Gawad ng Pagpapahalaga ng San Pablo City Red Cross Chapter ng kanilang gunitain ang ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag bilang isang nagsasariling balangay o Red Cross Chapter, ay lubos niyang minamahalaga ang Gawad Gintong Tambuli, na tinataguriang Lifetime Achievement Award, na ipinagkaloob sa kanya ni late Professor Hipolito B. Aycardo, na Regional Director noon ng Department of Science and Technology-Region IV, nang gunitain ng nabanggit na tanggapan ang kanilang ika-tatlong dekada ng paglilingkod sa Katimugang Tagalog noong Nobyembre ng Taong 2000, o siyam (9) taon na ang nakalilipas.


Ang tambuli, sang-ayon sa kasaysayan ay isang katutubong instrumento para sa dagliang paghiling ng tulong, at sa panahon ng kapanatagan ay isang paraan ng pagtawag ng pansin ng lahat para gumawa ng isang bagay para sa kagalingan ng nakararami sa pamayanan. Naniniwala si Prof. Aycardo na siya ay naging instrumento upang makilala sa Lunsod ng San Pablo, at mga kanugnog na munisipyo, ang mga gawain ng Field Office ng National Science Development Board (NSDB) na binuksan noong Marso ng 1968.sa pangangasiwa ni Bb. Marcela Catibog, upang mahikayat ang marami na gamitin ang mga impormasyon na bunga o natamo sa mga pananaliksik sa larangan ng siyensya at teknolohiya sa paggawa ng mga artikulo ng kalakalan, na naging sandigan ng kabuhayan at pamumuhay ng ilang indibidwal sa Katimugang Tagalog simula noon. Ang gawad ay pagpapaalaala kay Taningco na siya ay 32 taon ng isang kusangloob na tumutulong sa pagpapasigla ng mga disiplina sa siyensya at teknolohiya, na tulad ng isang tambuli, na habang naluluma ay lalong umaayos at nagiging maganda at natatangi ang tunog nito.


Nang ang NSDB ay maging National Science and Technology Authority (NSTA), si Taningco ay naging kabalikat nina Engr. Dionisio O. Santos, at Science Researchers Adventor Neri at Luis Cervantez. Kasama rin nila si Silvestre Villavicencio na noon ay kumakatawan sa Philippine Inventors Commission (PIC).Noon nakilala ang itinatag nilang Out of School Science Education Laboratory (OSSEL) na naging paksa ng mga lathalain na nalathala sa mga pahayagan, at natampok sa mga palatuntuna sa telebisyon sa Maynila noon..


Ang malasakit ni Taningco sa pagsusulong ng technology transfer program ay pinasigla noong Dekada Otsenta, sapagka’t noon, ang mga gawain ng National Science and Technology Authority ay sinusuportahan ng Small Business Advisory Council (SBAC) na pinakikilos noon ni Engr. Malou P. Orijola na ngayon ay isa ng Assistant Secretary sa Department of Science and Technology; at ng National Cottage Industry Development Authority (NACIDA) sa ilalim ng Department of Trade and Industry, kaya naging malawakan siyang nagagamit sa pagpapalawak ng kamalayan tungkol sa mga industriyang pantahanan na salig sa siyensya, na pinahahalagahan din noon ni Alkalde Cesar P. Dizon kaya siya ay naging malaya sa pagkakaloob ng suportang pangkumunikasyon sa mga gawaing ito. Ang kanyang pagsusulat sa mga pahayagang lokal, at pagbobrodkas ay nakahikayat sa marami na pagyamanin ang industriyang pangtahanan sa mga kanayunan.


Katunayan nito, maging ang Department of Information noon sa ilalim ng pangangasiwa ni Kalihim Francisco “Kit” Tatad ay kinilala si Taningco na isa sa limang (5) “Outstanding City Developmental Information Officer” noong 1978.


Sa mga kasapi ng Seven Lakes Press Corps, si Kuya Ruben ang ang “Pinakamatandang Nabubuhay na Tambuli.”

October 31, 2009

APAT NA KOLIHEYO SA LAGUNA NANGUNA SA PHILIPPINE STATISTICS QUIZ-PROVINCIAL ELIMINATION

Nais ipabatid ni Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña ng National Statistics Office (NSO)-Laguna na limang estudyante ng apat na kolehiyo ang nanguna sa tagisan ng talino sa estadistika sa Philippine Statistics Quiz- Provincial Elimination noong ika-23 ng Oktubre, 2009 sa Cultural Center, Provincial Capitol, Sta. Cruz, Laguna. Sila ay ipadadadala sa Lipa City sa ika-12 ng Nobyembre 2009 upang makipatunggali sa iba pang mga kalahok ng ibat-ibang lalawigan na nasasakop ng NSO-Region IV-A (CALABARZON). Ang unang mananalo sa Regional Elimination ay makakalahok naman sa national finals sa buwan ng Disyembre 2009.

Buhat sa Laguna, mapalad na nagwagi ng unang karangalan si Driesch Lucien R. Cortel, estudyante ng University of the Philippines – Los Baños, Laguna na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Statistics. Ginabayan siya ng kanyang coach na si Ms. Nellwyn M. Levita.

Dalawang estudyante naman buhat sa Laguna College ang magkasunod na umani ng ikalawa at ikatlong karangalan. Sila ay sina Michael A. Jaurigue at Adrian Jay S. Capiña na kapuwa kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy. Si Ms. Niela Maghirang ang naging coach ng dalawang nanalong estudyante.

Umakyat sa pang-apat na pwesto si Krestian Lee Fernandez na kumukuha ng Bachelor of Science in Accountancy sa San Pablo Colleges. Siya ay sumailalim ng patnubay ni Professor Chona Y. Palencia.

Nagkamit naman ng ikalimang karangalan ang estudyante ng Bachelor of Secondary Education na si Marc Aller Anthony M. Guevarra ng Laguna State Polytechnic University-San Pablo City Campus. Si Ms. Arlene P. Mario ang kanyang naging coach.

Tumanggap ng salaping gantimpala at tropeyo ang limang nanalo buhat kay Gobernador Teresita S, Lazaro. Pinagkalooban naman sila ng NSO-Laguna ng Certificate of Recognition at token, gayundin ng salaping gantimpala, Certificate of Recognition at token ang mga coach bilang pagkilala sa kanilang kahusayan sa paggabay sa kani-kanilang contestants.

Ang resulta ng patimpalak na ito ay magpapatunay kung gaano ka-epektibo ang pagtuturo ng estadistika bilang bahagi ng matematika sa high school. Ang PSQ ay isinusulong din ng Commission on Higher Education (CHED). (NSO Laguna).

DENR-REGION IV-A, NASA CALAMBA CITY NA

Iniulat ni Engr. Olive G. Bejo, hepe ng Land Management Sector sa DENR Provincial Environment and Natural Resources Officer sa Los Baños na pinasinayaan na ang bagong opisina ng Department of Environment and Natural Resources-Region IV-A sa ilalim ng pangangasiwa ni Regional Executive Director Nilo B. Tamoria sa Calamba City noong nakaraang Martes, Oktubre 27, 2009 sa may kahabaan ng National Highway sa Barangay Halang, kalapit lamang ng Sub-Regional Office ng PAGIBIG, at hindi rin kalayuan sa Calamba-PhilHealth Service Center. Ito ay bilang pagsang-ayon sa kapasiyahang ang Calamba City ang kinikilala ngayong regional center para sa CALABARZON Area.

Magugunita na simula ng ang mga tanggapan at ahensya sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources ay magkaroon ng integrasyon o napag-isa bilang nagkakaisang ahensya rehiyon, ang DENR Regional Office para sa Katimugang Tagalog ay nalipat sa isang gusali sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila, at ang pagkapaglipat nito sa Calamba ay malaking tulong sa mga taga-Katimugang Tagalog na kinakailangang makipagtransaksyon sa kagawaran.

Ayon kay Engr. Bejo, dapat asahang maaaring bumilang ng ilang araw bago maging ganap na maayos ang paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng kanilang regional office, dahil sa ang marami sa kanila ay sa Metro Manila naninirahan, at hindi maiiwasang ang kanilang daily routine ay apektado ng kanilang bagong kapaligiran. Hindi pa rin ito nakakabitan ng sariling linya ng telepono.

10th National Skin Disease Detection and Prevention Week (SKINWEEK)

Nabatid mula kay City Health Officer Job D. Brion na kaugnay ng pagdiriwang ngayong Nobyembre 8 – 14, 2009 ng 10th National Skin Disease Detection and Prevention Week (SKINWEEK), ilang kagawad ng Philippine Dermatological Society (PDS) ang magkakaloob ng pagsusuri sa mga may karamdaman o maysakit sa batat sa darating na Linggo, Nobyembre 8, 2009, simula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghaling tapat sa Main Office ng City Health Office sa Groundfloor ng 8-Storey Building sa kahabaang ng Mabini Street.

Sang-ayon kay PDS President Georgina C. Pastorfide MD, sa taong ito ay itutuon ang pansin sa pagdiriwang ng SKINWEEK sa pagpapaalaala sa mga mamamayang Pilipino sa kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang kamalayan sa sakit sa balat, at tuloy maipaunawa ang halaga ng maagang pagkabatid na ang isang tao ay may karamdaman sa balat, at ang mga pamamaraan upang ito ay maiwasan.

Kaya dapat asahang habang hinihintay ang pagkakataong personal na masuri ng manggagamot sa balat o dermatologist ay may health educator na magkakaloob ng mga payong pangkalusugan na may kaugnayan sa mga karamdaman sa balat.

LIBRENG TUBOS TITULO


Nagpakuha ng pang-alaalang larawan sina Register of Deeds Antonieta C. Lamar ng Lunsod ng San Pablo at PENRO-Land Management Sector Head Engr. Olive G. Bejo, kasama sina Senior Board Member Atty. Karen C. Agapay, Concejala Ellen T. Reyes, at City Administrator Loreto S. Amante matapos na maipamahagi ang may 300 Original Certificates of Title (Free Patent) sa mga propetaryong taga-lunsod kaugnay ng Palatuntunang Libreng Tubos ng Titulo na magkatuwang na itinaguyod ng Land Registration Authority at ng DENR-Land Management Services, sa tulong ng mga pinunong lokal, noong Martes ng hapon sa One Stop Processing Center.

RC CENTRAL, MAY PA-JOBS FAIR

Ang Rotary Club of San Pablo City Central sa pamamatnubay ni Club President Adoracion “Doctora Doray” B. Alava ay nag-aanyaya sa lahat ng mga naghahangad na magkaroon ng maayos na hanapbuhay na lumahok sa Jobs Fair na itataguyod ng kanilang klab sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment-Region IV-A at City Public Employment Services Office (PESO) sa darating na Biyernes, Nobyembre 20, 2009, simula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon sa PAMANA Hall ng Federation of Senior Citiezens Association sa City Hall Complex.

Nagpapayo si Doctora Doray sa mga nagsisipaghanap ng trabaho na magsadya sa jobs fair na may kahandaan, tulad ng pagsusulat na ng kanilang curriculum vitae o personal data sheet, pagdadala ng mga kasulatang karaniwang inilalahad ng isang namamasukan sa gawain tulad ng birth certificate, NBI/Police Clearance, diploma o certificate of training, cedula, at larawan. Kung mayroon ay makabubuti na ring dalahin ang kanilang passport.

Ipinapayo ng mga kagawad ng Rotary Club of San Pablo City Central na sa pagsasadya sa jobs fair ay makabubuting may maayos na kasuutan o ang pananamit ay angkop sa gawaing nais pasukan, at kung lalaki ay iwasan din ang pagkakaroon ng hikaw at tattoo, sapagka’t ito ay hindi kaakit-akit para sa mga human resource officer na karaniwang siyang nagsasagawa ng pakikipanayam sa job applicant.

Pauna na ang pagpapaabot ni Doctora Doray ng pagpapahalaga kay Atty. Ricardo Martinez Sr. Regional Director ng DOLE-Region IV-A na naka-base sa Calamba City, at kay City Administrator and PESO Manager Loreto S. Amante alang-alang sa kanilang agarang pakikipagtulungan upang matiyak na may mga lehitimong employement recruiter o job placement agencies na lalahok at mag-aalok ng mga gawain sa jobs fair sa darating na Nobyembre 20. (RCSPCC Release)

DAKILANG INA 2009 NG LUNSOD NG SAN PABLO


Kaugnay ng Pagdiriwang ng Linggo ng Pamilya sa magkatuwang na pagtataguyod ng City Social Welfare and Development Office at ng Family Advocates na may paksang “Si Nanay Matatag Sa Lahat Ng Bagay,” si Gng. Erlinda C. Austria ng Barangay San Lucas I ay nahirang na Dakilang Ina 2009 ng Lunsod ng San Pablo, at tumanggap ng cash reward na P7,000 na kaloob nina dating City Mayor Palermo A. Bañagale at Senior Board Member Atty. Karen C. Agapay, at Katibayan ng Pagpapahalaga na may lagda nina Alkalde Vicente B. Amante, OSWD Chief Grace D. Adap, at Stake President Fernando Fabros. Kasama niya sa larawan ang kanyang asawang si Fisherfolk Leader Antonio Austria na ama ng kanyang walong (8) anak na pawang propesyonal na.

IVY ARAGO, WALA SA SEREMONYA, PERO NAGPAPAABOT NA NG TULONG


Kapansinpansing hindi lumahok si Congrewoman Ma. Evita “Ivy” R. Arago sa seremonya ng pagbabasbas sa pinasinayaang San Pablo City General Hospital noong Lunes ng umaga, at hindi rin napansin ng marami, liban sa mga pinuno ng City Health Office, at mga kasangguning pangkalusugan ng pangasiwaang lunsod, na pagkatapos ng nabanggit na pagdiriwang, sina Alkalde Vicente B. Amante at Kongresista Ivy Arago ay nagkaroon ng pag-uusap upang matalakay ang mga tulong na nasa kapangyarihan ng mambabatas na maipagkaloob sa ikapagtatagumpay ng operasyon ng bagong pagamutan para sa kagalingan ng mga mamamayan ng Lunsod ng San Pablo at mga kanugnog na munisipyo.

San Pablo City General Hospital


Rev. Fr. Melchor Barcenas, accompanied by City’s First Lady, Mrs. Nercy Sahagun Amante (inset), blessed the newly constructed building designed to house the San Pablo City General Hospital last Monday morning. The new edifice signifies Mayor Vicente Amante’s genuine concern for the welfare of his constituents. (Ruben E. Taningco)

October 21, 2009

AGENCIES UNDER DOST ARE ANTI-GRAFT CHAMPIONS


DOST named anti-graft champion. The Department of Science and Technology ranked 5th in the Presidential Anti-Graft Commission’s Top 10 Anti-Graft Champions for the first half of 2009. Other DOST agencies that made it to the list include the Science and Technology Information Institute (STII), Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development (PCARRD), Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), DOST Region 3, and National Research Council of the Philippines (NRCP) (8th place); Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) (9th place); and Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) (10th place).

Receiving the award for STII is its Officer-in-Charge Ma. Isabel Carag-Dario (left) who is concurrently Asst. Secretary of the Office of the Press Secretary, along with Tony Kwok, Hong Kong anti-corruption expert; PAGC Chair Constancia De Guzman, and PAGC Exec. Dir. Cristin Manalang, and Comm. Belinda Salcedo. The anti-graft champions were selected for compliance to the Integrity Development Action Plan, the national anti-graft framework that focuses on corruption prevention, education, deterrence, and strategic partnership. [S&T Media Service]

October 10, 2009

Lake swallows villages

SAN PABLO CITY—Dry land has disappeared in hundreds of villages swallowed by Laguna Lake, making these uninhabitable for more than 700,000 people in Laguna province.

The floods came, and never left, with the water level in the lake rising by at least 10 feet (the height of an average house), according to a report from the Laguna Lake Development Authority.

Hundreds of lakeshore villages in the towns of Mabitac, Pakil, Siniloan, Pangil, Paete, Kalayaan, Lumban, Sta. Cruz, Pila, Victoria, Calauan, Bay, Los Baños, Cabuyao, Biñan and San Pedro, and the cities of Calamba and Sta. Rosa virtually “disappeared” from the map.

Some villages in the towns of Pagsanjan and Sta. Maria were also flooded.

Floodwaters in these towns and cities were several feet deep.

More than a week after the onslaught of Tropical Storm “Ondoy” (international codename: Ketsana), the flood has not subsided in these lakeshore villages.

The social welfare officer of Laguna said in his Oct. 4 report to the Social Action Center (SAC) of the San Pablo Diocese that 13 persons were killed, 750,248 people were displaced and 20 towns submerged in the province when the lake overflowed due to Ondoy.

The province has about 2.5 million residents.

Highway submerged

Two residents from Pakil town, who came to the SAC office in San Pablo on Oct. 5 to get relief goods for their neighbors, said that despite being spared by Typhoon “Pepeng” (international codename: Parma), the lake’s water level continued to increase because the Caliraya Dam released water into the lake.

The residents said the coastal highway along Paete and Pakil remained flooded and unpassable.

Public and private commuters had to negotiate through interior roads of the town centers of Paete and Pakil to get through Pangil, Siniloan and nearby areas. The roads in the town centers remain flood free.

“There is always heavy traffic occurring inside Paete and Pakil towns as the bulk of commuters collectively crowd the narrow streets of the municipalities,” said the residents, who did not give their names.

Although not submerged in floodwaters, four other towns also reported damage and destruction caused by Ondoy, namely, Alaminos, with 234 persons affected; Calauan, with 218 people displaced; Rizal, with four barangays affected; and Liliw, where five houses were damaged.

The Provincial Social Welfare and Development (PSWD) said in its report that the worst town affected by the flooding was Biñan where it recorded 198,700 people or 45,125 families affected.

Three houses in the town were washed away by the floods during Ondoy’s fury.

After Biñan, the most severely affected town was San Pedro. The flooding affected 153,636 of its people (25,606 families).

It was followed by Sta. Cruz, the capital town, where 102,590 individuals or 20,498 families were displaced.

In Sta. Rosa City, 77,052 people (14,951 families) were displaced; Cabuyao—46,001 people (7,670 families); Calamba City—38,819 people (8,024 families); and Los Baños—29,730 people (5,496 families).

Source : http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20091008-228932/Lake-swallows-villages

Four Months Remaining to File Filipino WWII Veterans Equity Compensation (FVEC) Claims

Filipino World War II (WWII) veterans have until February 16, 2010 to file their claims for the FVEC benefit that was included among the many provisions of the American Recovery and Reinvestment Act of 2009 passed by the U.S. Congress and signed into law February 17, 2009 by U.S. President Barack Obama.

The American Recovery and Reinvestment Act of 2009 formally recognizes the service of qualified Filipino WWII veterans as active military service in the Armed Forces for purposes of this law. It authorizes a one-time lump-sum payment of US $15,000 to eligible Filipino WW II veterans with U.S. citizenship and US $9,000 to non-U.S. citizen veterans. This new benefit will result in the payment of approximately US $120 million to eligible Filipino WW II veterans. This additional payment will not change or affect other benefits an individual may be receiving.

The United States Embassy, through its United States Department of Veterans Affairs Manila Regional Office (USDVA), has already processed more than 11,000 FVEC claims and has paid out almost $100 million for this benefit. For those claimants who have not yet filed an application, instructions are posted on the U.S. Embassy website at http://manila.usembassy.gov. We ask claimants not to file duplicate applications if they have already received acknowledgement of receipt of their claim. New applications may be mailed to the U.S. Department of Veterans Affairs Manila Regional Office located at the U.S. Embassy. U.S. citizens are asked to submit a copy of their U.S. passport.

Those seeking assistance completing their application can make an appointment with a USDVA representative by calling (632) 528-2500 or 1-800-1888-5252 outside of Metro Manila. The USDVA will conduct targeted outreach throughout the Philippines to increase awareness about the February 16 deadline among Filipino WW II veterans who may be entitled receive the benefits.

The USDVA pays approximately $17 million per month to veterans residing in the Philippines. Some $8 million of this goes to Filipino WWII veterans or their survivors, totaling in the payment of nearly $100 million per year. (U. S. Embassy Release)

TRICYCLE DRIVER NA NAKAPULOT NG ATM, PASSBOOK AT TSEKE, BINIGYAN NG PARANGAL NI MAYOR VICENTE B. AMANTE AT CITY ADMIN LORETO AMANTE

Nasa larawan si Mayor Vicente B. Amante habang ibinibigay ang gawad papuri kay G. Renato P. Manalastas nuong Oktubre 5, 2009.

Binigyan nina Mayor Vicente B. Amante at City Administrator Loreto S. Amante ng isang gawad papupuri si G. Renato P. Manalastas, Jr., isang tricycle driver ng Barangay San Gabriel sa pagsosoli ng mga ATM Card, Passbook at Tseke na kanyang napulot nuong Setyembre 29, 2009. Ayon kay Renato ito ay kanyang napulot mga bandang 10:00 a.m. sa may Malvar cor. A. Bonifacio St. Ang paggagawad ng sertipiko ay isinagawa nuong nakaraang Oct. 5 sa One Stop Processing Center.

Ayon naman kay City Administrator Amante nagpunta sa kanyang tanggapan si G. Manalastas bandang 11:00 a.m. nuong Sept. 29 at isinoli ang mga napulot na ATM, Passbook na may P4,000 deposit at tseke na nagkakahalagang P30,000.

Napag-alamang ang may-ari nito ay si Melanie Briones ng Baraanagay San Buenaventura. Kaya upang maibalik agad ang mga napulot ay nakipag-ugnayan agad ang City Administrator kay Punong Barangay Jerry Briz ng San Buenaventura. Agaran din namang umaksyon si Chairman Briz at isinama mismo si Bb. Briones sa tanggapan ni Administrator Amante. Laki namang pasasalamat ang ipinaabot ni Bb. Briones kay G. Manalastas at kay City Admin. sa pagsosoli ng kanyang ATM, Passbook at Tseke. (CIO-San Pablo City)

SPC PEACE AND ORDER COUNCIL NAGSAGAWA NG BARANGAY PEACE AND ORDER COMMITTEE ORIENTATION SA MGA BARANGAY

Sa ilalim ng liderato ni Mayor Vicente B. Amante bilang tagapangulo, ang City Peace and Order Council (CPOC), ay nagsagawa ng series of orientation seminar para sa mga miyembro ng Barangay Peace and Order Committee (BPOC) sa iba’t-ibang barangay ng lunsod simula noong nakaraang buwan ng Setyembre at nagtapos ngayong Huwebes, Oktubre 9, 2009.

Ang orientation-seminar ay isinagawa sa iba’t-ibang covered court ng mga cluster barangay at sa ABC Training Center na dinaluhan ng mga barangay tanods at iba pang barabgat officials, at naging mga tagapanayam sina CLGOO Herminia Arcelo ng DILG, Seccretary to the Mayor Rodelo U. Laroza, Police Inspector Rolando A. Libed, Atty. Aileen Baldovino at Mr. Jun Labro ng Sangguniang Panlunsod.

Nakasentro ang mga talakayan sa Peace and Order Situation ng lunsod, BPOC, Barangay Tanod, Katarungang Pambarangay at Community Participation. Pangunahing layunin nito ang pagbubuo ng Barangay Public Safety Plans na mahalagang bahagi ng Integrated Area/Community Public Safety Plan o ng Peace and Order Program ng Lunsod ng San Pablo. (CIO-San Pablo City)

Sign Up Now!!!!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Disqus for Balitang San Pablo : Online