Iniulat ni Engr. Olive G. Bejo, hepe ng Land Management Sector sa DENR Provincial Environment and Natural Resources Officer sa Los Baños na pinasinayaan na ang bagong opisina ng Department of Environment and Natural Resources-Region IV-A sa ilalim ng pangangasiwa ni Regional Executive Director Nilo B. Tamoria sa Calamba City noong nakaraang Martes, Oktubre 27, 2009 sa may kahabaan ng National Highway sa Barangay Halang, kalapit lamang ng Sub-Regional Office ng PAGIBIG, at hindi rin kalayuan sa Calamba-PhilHealth Service Center. Ito ay bilang pagsang-ayon sa kapasiyahang ang
Magugunita na simula ng ang mga tanggapan at ahensya sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources ay magkaroon ng integrasyon o napag-isa bilang nagkakaisang ahensya rehiyon, ang DENR Regional Office para sa Katimugang Tagalog ay nalipat sa isang gusali sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila, at ang pagkapaglipat nito sa Calamba ay malaking tulong sa mga taga-Katimugang Tagalog na kinakailangang makipagtransaksyon sa kagawaran.
Ayon kay Engr. Bejo, dapat asahang maaaring bumilang ng ilang araw bago maging ganap na maayos ang paglilingkod ng mga pinuno at kawani ng kanilang regional office, dahil sa ang marami sa kanila ay sa Metro Manila naninirahan, at hindi maiiwasang ang kanilang daily routine ay apektado ng kanilang bagong kapaligiran. Hindi pa rin ito nakakabitan ng sariling linya ng telepono.
Comments
Post a Comment