Skip to main content

Posts

Showing posts from October 12, 2008

SAN PABLO JAYCEES, PANG-6 SA BUONG BANSA

Ang Junior Chamber International (JCI) San Pablo Seven Lakes, na lalong kilala bilang San Pablo “Seven Lakes” Jaycees, Inc. na sa Administrative Year 2008 ay nasa ilalim ng liderato ni JCI Member Normandy Inarda Flores bilang Chapter President ay nagtamo ng Merit Award for Best Local Chapter for Category 3 (with 25 – 45 active members) ng ganapin ang 60 th National Convention sa Zamboanga Convention Center sa Depolog City sa Zamboanga del Norte noong nakaraang isang Biyernes, Oktubre 10, 2008. Natamo rin ng San Pablo Jaycees ang gawad na “Best United Nation Millennium Development Goals Project “Stop AIDS. Keep The Promise Year 2”, na sa pangkalahatan ay nalagay ang JCI-San Pablo Seven Lakes sa Ranked 6 sa Final Junior Chamber International Philippines Efficiency Awards (JCIPEA) na kinikilalang isang malaking karangalan para sa lunsod kung isasaalang-alang sa na buong bansa ay may 200 aktibong Jaycee Chapter. Ang pagkilala ay naglagay sa San Pablo Jaycees na isa sa 10 pinakaaktib

SPC Police Station, Kinilala ng Office of Civil Defense

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dahil sa ipinamamalas na kahandaan sa pagtugon sa mga tawag na pangkagipitan kung may nagaganap na kalamidad at sakunang nagdaraan sa Lunsod ng San Pablo ay kinilala ng Office of Civil Defense (OCD)-Region IV-A ang kabayanihan ng San Pablo City Police Station sa seremonyang ginanap dito noong nakaraang Biyernes na personal na tinanggap ni P/Supt. Joel C. Pernito, Chief of Police, mula kina Chief Superintendent Ricardo Padilla, Regional Director ng Police Regional Office No. 4A, at chairman ng Regional Disaster Coordinating Council (RDCC), at Office of Civil Defense Region IV-A Regional Director Vicente E. Tomazar, hepe ng RDCC Secretariat. Kinilala rin si Atty. Marius F. Zabat, Head Executive Assistant sa Tanggapan ng Punonglunsod,,bilang Action Officer/Disaster Manager ng San Pablo City Disaster Coordinating Council (SPCDCC). Ang tagapangulo ng SPCDCC ay si Alkalde Vicente B. Amante. Magugunitang mahusay na napangasiwaan ng S

5,053 MEDICARE CARD, IPINAMAHAGI NI DSL

NAGCARLAN, Laguna – Umabot sa kabuuang 5,053 PhilHealth ID Card na ipinatala ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna ang ipinamahagi ni Provincial Administrator Dennis S. Lazaro noong Martes ng umaga sa isang pagtitipong ginanap sa municipal covered court dito na sinaksihan nina Mayor Rolen Isleta Urriquia ng Rizal, Mayor Cesar Cordova Sulibit ng Liliw, at Mayor Nelson M. Osuna ng bayang ito. Batay sa record ng PhilHealth San Pablo City Service Center, ang bilang ng beneficiaries ay 1,343 taga-Rizal; 1,699 taga-Liliw; at 2,011 taga-Nagcarlan, at bago isinagawa ang aktwal na pag-aabot ng PhilHealth Medicare Card ay ipinaliwanag ni Chief Social Insurance Officer Eloisa B. Tagbo ang tamang paggamit ng PhilHealth Identification Card sakali’t mayroong kagawad ang kanilang sambahayan na dapat pumasok ng pagamutan, Ipinaalaala ni Bb. Tagbo na ang PhilHealth Card ay may bisa lamang sa loob ng isang taon, kaya dapat na ito ay kanilang laging inuusisa, upan

SAN PABLO CENTRAL SCHOOL, BALAK HATIIN SA EAST AND WEST

Mawawala ng sariling identity ng San Pablo City Central School kung magtatagumpay ang mga nagsusulong upang ito’y hatiin at gawing dalawang entity, ang San Pablo West Elementary School, at ang San Pablo East Elementary School. Inaari ng marami na ang balakin ay isang masamang biro, na tuwirang pagyurak sa kasaysayan ng lunsod. Isang biro na sa hinagap ay walang mag-aakalang may magbabalak man lamang. Subalit seryoso ang mga namamahala ng mga paaralan, at hindi sila nagbibiro na palitan ang nakatitik sa pedestal ng main gate ng kampus ng paaralan sa kahabaan ng Avenida Rizal na tila baga buong giting na nakatayo upang ipagmalaki ang yaman ng mahabang tradisyon bilang pangunahing pandayan ng mga murang isipan. Ang nabanggit na main gate structure at ang Minerva flagpole ay patayo ng mga Dakilang Karakter ng Kasaysayan ng Bansa, tulad nina Dating Mahistrado Estanislao Fernandez at Dr. Eufronio Alip Sr.. Ang paghati sa Central School ay simbolo ng kaw

4th Management Conference at Tierra de Oro Resort and Hotel

Sa ginanap na 4 th Management Conference ng mga Provincial and City Parole and Probation officer sa Katimugang Tagalog (CALABARZON at MIMAROPA) na ginanap sa Tierra de Oro Resort and Hotel dito sa Lunsod ng San Pablo noong nakaraang Araw ng Miyerkoles ay ipinapanisn ni Regional Director Corazon M. Ocampo ang pangangailangang magabayan ang mga nasa subok-laya hindi lamang sa kanilang suliraning pangkabuhayan at pangkalusugan, kundi maging sa suliraning panglipunan at pang-ispiritwal, pagtanggap sa katotohanang ang mga nasa subok-laya ay mga taong kinakailangan ang Maka-Dios at Maka-Taong pakikitungo. ( CIO/Gerry Flores )