Kinilala rin si Atty. Marius F. Zabat, Head Executive Assistant sa Tanggapan ng Punonglunsod,,bilang Action Officer/Disaster Manager ng San Pablo City Disaster Coordinating Council (SPCDCC). Ang tagapangulo ng SPCDCC ay si Alkalde Vicente B. Amante.
Magugunitang mahusay na napangasiwaan ng SPCPS ang epekto ng pagkabagsak ng isang helicopter sa isang bahay sa lunsod noong nakaraang taon. Walang nasawi sa nabanggit na sakuna, at hindi rin nakalikha ng sunog na karaniwang nagaganap sa plane crash.
Nitong kasagsagan ng Bagyong Milenyo ay sinuong din ng kapulisan ang panganib sa pagtungo sa mga barangay upang umalalay at tumulong sa mga taumbayan na napinsala ang kanilang tahanan, bagama’t na nawasak din ang kanilang himpilan.
Sa kanyang acceptance speech ay pinasalamatan ni Chief of Police Joel C. Pernito si City Mayor Vicente B. Amante sa suportang ibinibigay sa kapulisan ng pangasiwaang lunsod na aniya’y sinusuklian lamang nila ng angkop na paglilingkod sa mga mamamayan. Magugunitang ang San Pablo City Police Station noong nakaraang Buwan ng Agosto ay kinilala ng PNP-Regional Office No. IV-A sa pagkakaroon ng maayos na Community Relations Program. (SEVEN LAKES PRESS CORPS)
Comments
Post a Comment