Mawawala ng sariling identity ng San Pablo City Central School kung magtatagumpay ang mga nagsusulong upang ito’y hatiin at gawing dalawang entity, ang San Pablo West Elementary School, at ang San Pablo East Elementary School.
Inaari ng marami na ang balakin ay isang masamang biro, na tuwirang pagyurak sa kasaysayan ng lunsod. Isang biro na sa hinagap ay walang mag-aakalang may magbabalak man lamang. Subalit seryoso ang mga namamahala ng mga paaralan, at hindi sila nagbibiro na palitan ang nakatitik sa pedestal ng main gate ng kampus ng paaralan sa kahabaan ng Avenida Rizal na tila baga buong giting na nakatayo upang ipagmalaki ang yaman ng mahabang tradisyon bilang pangunahing pandayan ng mga murang isipan. Ang nabanggit na main gate structure at ang Minerva flagpole ay patayo ng mga Dakilang Karakter ng Kasaysayan ng Bansa, tulad nina Dating Mahistrado Estanislao Fernandez at Dr. Eufronio Alip Sr..
Ang paghati sa Central School ay simbolo ng kawalang pakundangan sa kagandahang loob ng mga pamilyang naghandog ng lupaing pinagtayuan ng nasabing paaralan, na ang tanging pagkakamali ay hindi nalagyan ng kolatilya ang likod ng Titulo Torren na ang nasabing donasyon ay para sa San Pablo City
Bagama’t hindi nagbibiro sina City Schools Supertintendent. Dr, Ester C. Lozada etal, ay marami ang natatawa, na sa kawalan ng pag-aakalang may darating na ganitong pangyayari ay naiiling na lamang. Kung may sumasang-ayon man ay nakasisigurong malulunod sa sigaw ng pagtutol buhat sa mas higit na dami ng taumbayan. Tutol dito ang mga guro, tutol din ang mga magulang lalo’t higit ang mga alumni at mga kasalukuyang mag-aaral.
Ang lahat ay sumasang-ayon sa pagbabago kung dalisay ang layunin subalit kung kulapol ng kabaliwan ay ewan na lamang. Titindig ang lahat upang ito ay mapayapa at magalang na tutulan, sapagkat may pamantayan ang paglikha ng bagong anyo at ito’y sa pamamaraang wasto’t walang lisya, kapakipakinabang sa marami’t hindi sa iilan at kayang humarap sa pagsubok upang hindi yumuko magpakailan man.
Sobrang liit ng bakuran ng
Lakip ang angkop na paggalang at pagpapahalaga sa sinumang nagbigay ng ganitong panukala, kayo po ay nagkakamali. Dobleng pagyukod bilang pitagan kina Dr. Ester Lozada etal, ilan po sa inyo ang nagtapos sa
Comments
Post a Comment