Inaasahan ng Malakanyang na mapayapang matatapos ang hostage-taking na nagaganap sa Prosperidad, Agusan del Sur pagkaraang palayain ang 13 taon na batang lalaki Lunes. “Oo, inaasahan nating mapayapang magwawakas ang krisis na ito,” sabi ni Presidential Com-munications Development and Strategic Planning Office Secretary Ramon Carandang sa press briefing sa Malakanyang Martes . Idinugtong ni Carandang na ang pagpapalaya kay Marvin Corvera, 13 taon, ay palatandaang matatapos sa madaling panahon ang krisis na ito at maililigtas ng local crisis management committee ang mga binihag sa kamay ng mga dumukot sa kanila. Tiniyak ni Carandang sa madla na ang gobyerno sa pangunguna ng local crisis management committee ay patuloy na gumagawa ng lahat ng paraan para malutas ang hostage crisis. Ang kaligtasan ng mga bihag ang unang-unang inaalagata ng pamahalaan at idinugtong na mahinahon ang mga negosyador sa pakikitungo sa mga hostage-takers. Limang sandatahang lalaki umano na