Skip to main content

Posts

Showing posts from August 7, 2011

BULUNGAN SA ATIMONAN

ATIMONAN, Quezon – Noong nakaraang madaling-araw ng Linggo, ang tagapag-ulat na ito ay nagkaroon ng pagkakataong makapagmasid sa pamilihan ng isda sa may Atimonan Port dito kung saan ang mga maliliit na mangingisda o marginal fishermen na namamalakaya sa Lamon Bay ay nagdadala o “nagtataas” ng kanilang huling isda para ipagbili, at ang kapansinpansin, taliwas sa karaniwang tindahan ng isda, sa nabanggit na punduhan ng isda ay matahimik, sapagka’t ang tawag pala sa lugar na iyon ay “bulungan.”      Ang kapansinpansin, ang mangingisda ay inilalagay ang kanyang huli sa isang  bukas na lalagyan, upang ito ay maayos na makita ng mga nagbabalak bumili upang sa pamamagitan lamang ng pagtingin ay matantya ang bigat ng mga isda para kaniyang makuwenta kung magkano ang halagang dapat pabulong na ialok.      Halimbawa, ang iniaalok na mga isda ay limang (5) piraso ng lapu-lapu, at anim (6) piraso ng tambakol, kung sa tantya ng bibili ay titimbang ng apat (4) na kilo ang lapu-lapu, at siyam (9)

SAMAHAN NG MAGSASAKA, PATULOY ANG PAG-AARAL

     ALAMINOS, Laguna – Kapuri-puri ayon kay Municipal Agriculturist Gladys dV Apostol na ang mga bumubuo ng Samahan ng Magbubukid ng Alaminos na pinangunguluhan ni Oliver B. Fandiño ay may sariling palatuntunan upang mapalawak ang kamalayan ng kanilang mga kasapi sa tamang pagtatanim ng iba’t ibang halaman, at pangangasiwa ng pataniman nito.      May 32 aktibong kasapi, ang una nilang naging panauhing tagapagsalita sa ipinatawag nilang talakayan ay may kaugnayan sa posibilidad na sa bayang ito, at maging sa mga kalapit na munisipyo ay makapagbukas ng pataniman ng rubber tree; at sa sumunod na pagkakataon ay isang kinatawan ng Land Bank of the Philippines para naman sila ay magabayan sa wastong paghiram ng puhunan para sa pagpapaunlad ng isang pataniman sang-ayon kay Fandi­ño.      Naging si Dr. Patricio Faylon, na isang ipinagkakapuring anak ng bayang ito na kasalukuyang Executive Director ng Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Develop

MGA AUTO MECHANIC, GALIT KAY CONCEPCION

SAN PABLO CITY – May himig na pagbibiro, pero malapit sa katotohanan ang sinasabi ng ilang ahente ng kotse, na ang mga may-ari ng auto repair shop sa lunsod na ito ay hindi natutuwa sa malasakit ng DPWH-Laguna Sub-District Engineering Office na naka-base sa Barangay Del Remedio, lunsod na ito, na mapangalagaang maayos ang mga lansangan sa lawak ng kanilang mga pananagutan, sapagka’t ito ay gumagawa sa mga lansangan na maayos daanan ng mga saksakyan, kaya tumatagal ang buhay ng mga makina nito.      Dahil sa magandang kalalagayan ng mga lansangan sa sakop ng distrito, ay lumiliit ang kita ng mga repair shop, at maging ng mga vulcanizing shop, na ang nakikinabang umano ay ang mga car and truck dealer, at distributor ng goma ng mga sasakyan, dahil sa karaniwang tapos na ang garantiyang kanilang ipinagkakaloob bago masira ang sasakyan o mabutas ang goma..        Sinasabi ng mga ahente ng sasakyan na ang kanilang “business territory” ay ang Katimugang Tagalog at Bicolandia, na isang kato

ARBOR DAY, LALAHUKAN NG LAHAT NG BARANGAY SA LUNSOD

      SAN PABLO CITY – Tiniyak ni ABC President Gener B. Amante ang pakikilahok ng lahat ng mga rural barangay sa Philippine Arbor Day Celebration na gaganapin sa darating na Sabado, Hunyo 25, 2011 sa pangkalahatang koodinasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na ang pangunahing punong kahoy na itatanim ay ang Philippine Mahogany.      Ayon kay Konsehal Amante, hindi na suliranin sa lunsod na ito ang paghikayat na magtanim ng mga punong kahoy, dahil sa ang pagtatanim ng mga puno ay bahagi na ng pagpapahalaga ng mga taga-nayon, halimbawa sa kanyang sariling barangay, o sa Barangay San Jose (Malamig), dito ay patuloy ang isinasagawang pagtatanim ng iba’t ibang puno, kasama na ang (damong) kawayan bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na an gang kapaligiran ng pamayanan ay maging malinis, dahil sa dito nakatayo ang isang   malalaking planta, kasama na ang isang pagawaan ng mga gamot.      Kinikilala rin na ang Barangay San Jose, na lalong   kilala sa katawagang

PAGDISIPLINA NG ELEPANTE

     Sa mga natatandaan pa ang mga pelikulang Tarzan, at mga circus na nagtatampok sa elepante bilang mga hayop na sentro ng pagtatanghal,   ay mapapansin na kung ang malaking hayop ay hindi ginagamit sa tanghalan, ito ay wala sa kulungan, sa halip ay may maliit na lubid na nakatali sa alin man sa hulihan paa nito. Halos iisa ang laki ng lubig na itinatali sa mga bata pang elepante na maaaring tumitimbang lamang ng 400 kilo, o matatanda at malalaki   na tumitimban ng 1,300 kilo.       Sang-ayon sa isang lathalain na nalathala sa isang American magazine, ang taling lubid sa hulihang paa ng elepante ay hindi tunay na matibay, at maging ang kinatatalian nitong ibinaong putol ng kahoy ay rin matatag ang pagkakatanim sa lupa, at katunayan nito, kung ang elepante ay nagugulat at wala sa loob na nagkakapagpumiglas, ay madali itong nakakawala, nakung ang elepante ay kalmado na at ang lubid ay napasabit at mararamdaman ng hayop ang pagpigil sa kanyang hulihang paa, ito ay titigil at manana

STATEMENT BY SECRETARY CLINTON
The Philippines’ National Day

On behalf of President Obama and the people of the United States, I am delighted to congratulate the people of the Philippines on the 113th anniversary of your declaration of independence this June 12.      The United States and the Philippines are long-standing friends and partners.  We stood together during World War II to defend liberal democratic values.  Today, we are working together on many new fronts.  Whether we are working to find ways to catalyze economic growth, helping victims of natural disasters, combating extremism, or calling for greater protection of human rights, our two countries share a vision of a better world.      We support the Philippine government’s commitment to fight corruption, promote judicial reform, reduce poverty, and create opportunities for its people.  Our two countries are cooperating in new ways on everything from the Partnership for Growth joint effort to boost prosperity in the Philippines, to the Open Government Partnership initiative to impr

CONGW. IVY ARAGO, HINDI NAGSASARILING KALOOBAN

Si Punong Guro Leonila V. Murad samantalang kinakapanaym ng tagapag-ulat na ito, samantalang nakamasid si Barangay Kagawad Kevin Pamatmat na isang tumapos ng Calumbang National High School.       Nang si Gng. Leonila Virtucio   Murad, punong guro ng Calumpang National High School sa Nagcarlan ay magsadya sa People’s Day noong nakaraang Lunes ng umaga upang idaing ang mga pangangailangan ng yunit ng mataas na paaralan na ang pinaglilingkuran ay hindi lamang ang mga kabataan mula sa pitong (7) barangay na nakapaligid rito, kundi marami ring mag-aaral mula sa kalapit na bayan ng Liliw, at maging sa mga bayan ng Calauan, Victoria, at Pila, ay kanya kaagad napansin na ang mambabatas ay hindi nagsasariling kalooban, sa halip ay kanyang ipinatawag si District Engineer Federico L. Concepcion upang sangguniin ang kung ano ang angkop na tulong na dapat ipagkaloob, sapagka’t ang pangunahing kahilingan ng punong guro ay mapalagyan ng linya ng tubig ang paaralan para maayos na mapangalagaa

DPWH-SAN PABLO, LAGING HANDANG SUMAKLOLO

      SAN PABLO CITY – Kaugnay ng nararanasan ng maraming malimit at malalakas na pag-ulan, tiniyak ni District Engineer Federico L. Concepcion, na ang Laguna Sub-District Engineering Office na naka-base sa Barangay Del Remedio, lunsod na ito, ay handang pangalagaan ang mga lansangan sa sakop ng distrito upang matiyak na patuloy na madaraanan sa lahat ng pagkakataon ang lawak na ito sakali’t maaapektuhan ng mga magdaraang bagyo sa Katimugang Tagalog, sapagka’t ang dapat lamang namang asahang magiging sagabal sa maayos na daloy ng trapiko sa mga lansangan ay ang mga nabubuwal na punong kahoy, sapagka’t pinagsisikapan ng kanilang tanggapan na ang lahat ng padaluyang baha ay malinis at maalisang ng burak kung panahon ng tag-araw, upang kung sumapit ang panahon ng tag-ulan ay maiwasang ang mapanganib at marahas na pagtaas ng tubig-baha.        Sapagka’t si Assistant District Engineer Pol delos Santos bilang hepe ng San Pablo City-based DPWH Quick Response Team ay may regular na pakikipa

PRUSISYON NG LIBING, BAWAL NA SA HIGHWAY SIMULA HULYO 1

SAN PABLO CITY - Pag-alinsunod sa itinatagubilin sa Seksyon 77, Artikulo XIX ng City Ordinance No.2011-01 na pinagtibay ng Sangguniang Panglunsod noong Enero 18, 2011, na matapos marepaso at nabigyan ng pagsang-ayon ng Sangguniang Panglalawigan, ay naipalathala na sa isang pahayagang lokal gaya ng itinatagubilin sa mga ipinaiiral na alituntunin sa pagbalangkas ng kautusan sa bansa, simula sa Hulyo 1, 2011 ang prusisyon ng mga nagsisipaglakad na nakikilibing ay mula lamang sa dalawang ispisipikong dako, at ito ay sa panulukan ng M. Leonor at Maharlika Highway para sa ihahatid sa Libingan ng Lunsod o City Public Cemetery, at sa mga pribadong libingan o memorial park sa Barangay San Gabriel;  at sa may harapan ng Barangay Hall ng Del Remedio para sa ihahatid sa Himlayang San Pableño sa Del Remedio o Wawa.      Mula sa bahay, kung sa bahay ibuburol at paglalamayan ang patay, ang mga makikilibing ay dapat nakasakay sa motorisadong sasakyan upang maging mabilis ang pag-usad nito samantala

PANTAWID PASADA PARA SA SAN PABLO, IPINAGKALOOB NA

      SAN PABLO CITY – Ang may kabuuang halagang P843,900.00 na inilalaan para itulong sa 5,626 na may prangkisa ng tricycle sa lunsod na ito na tinanggap ni Mayor Vicente B. Amante mula kina DILG-Region IV-A Regional Director Josefina E. Castillo-Go, at Laguna DILG Provincial Director Lionel L. Dalope  sa isang pagtitipong ginanap sa Calamba City ay naipamahagi na sa pamamagitan ng mga bonded cash clerk ng Office of the City Treasurer na ang pagkakaloob ay ginanap sa loob ng One Stop Processing Center na sinubaybayan ng mga kinatawan ng Commission on Audit, Department of the Interior and Local Government, at Tanggapan ng Punonglunsod.          Sang-ayon kay DILG City Director Marciana S. Brosas, ang nabanggit na halaga ay mula sa   Pantawid Pasada o Public Transport Assistance Program (PTAP) ng pamahalaang pambansa na inilaan sa bisa ng Executive Order No. 32 ni Pangulong Benigno S. Aquino III     Napag-alamang bago ipinagkaloob ang nabanggit na pondo, si Alkalde Vicente B. Amante

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pangkabuhayan at umiral an

KASUHIN ANG BARANGAY SOCIO-ECONOMIC PROFILE

SAN PABLO CITY – Pamuling   nagpapaalaala si City Local Government Operations Officer Marciana S. Brosas sa lahat ng mga punong barangay sa lunsod na ngayong balik paaralan na ang mga guro, ay magandang pagkakataon para ang mga estudyanteng naninirahan sa kanilang pamayanan ay maanyayahang makipagtulungan sa pagsasaayos ng datus (o updating of data) ng socio-economic profile ng kanilang barangay, na siyang batayan sa pagbabago o pagsasaayos ng Barangay Development Plan na siyang hinahanap na batayan sa pagpapatibay ng Proposed Annual Barangay Budget na dapat ihanda ng Sangguniang Barangay bago matapos sa Buwan ng Oktubre.      Bilang tagapamatnugot ng tanggapan ng Department of the Interior and Loca Government sa lunsod na ito, nabanggit ni Gng. Brosas na sa mga bayang kanyang nadestinuhan, bahagi ng kanyang karanasan ay may mga barangay na nagiging maayos ang paghahanda ng kanilang barangay development plan, sapagka’t ang mga bumubuo ng barangay development council (BDC) ay natutul

GAANO KATAGAL ANG KAAGAD?

      SAN PABLO CITY -  Noong nakaraang taon, isang mediaman ang nagpadala ng mga liham sa Sangguniang Panglunsod ng San Pablo, na humihiling ng pagpapatibay ng mga kautusan na may kaugnayan sa pangangalaga at pangangasiwa sa mga dambana at pananda na may kaugnayan sa kasaysayan, gaya ng mga sumusunod: (1) Pagpapahayag na ang harapan ng bantayog ni Gat Andress Bonifacio sa malapit sa Hagdang Bato ay “No Parking Zone” upang mapanatiling kagalang-galang at malinis ang kapaligiran nito sa lahat ng pagkakataon; (2) Pagpapahayag na ang harapan ng Old City Hall Building ay “No Parking Zone” upang mapangalagaan ang kaayusan nito bilang isang istrakturang pangkasaysayan  na natayo mahigit ng pitumpong taon ang nakalilipas, at hilinging mabalik  ang (nawawalang)  “panandang pangkasaysayan” o tablet na inilagay ng National Historical Commission ng pasinayaan ang Lunsod ng San Pablo noong Enero 2, 1941.      Malinaw na nakatadhana sa “Guidelines on Monuments Honoring National Heroes, Illustrio

LAYUNING WALANG KOLEKSYON, IPATUTUPAD

      SAN PABLO CITY  –   Pagbibigay halaga sa mga nauna ng mensahe ni  Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na ang edukasyon ay makalulutas ng suliranin na gagabay sa bansa tungo sa ikapagkakaroon ng matatag na lipunan, tiniyak ni Dr. Enric T. Sanchez, tagapamanihala ng mga paaralang lunsod, na ipatutupad ang “Layuning Walang Koleksyon” sa pagbubukas ng mga paaralan ngayong Lunes, Hunyo 6, 2011. Ito ayon kay Dr. Sanchez ang   nakatadhana sa 1987 Constitution, sa layuning mahikayat ang mga magulang na papasuking ang kanilang mga anak hanggang sa makapagtamo ng pangunahing edukasyon.      Sabagay, nabanggit din ni Dr. Sanchez na ang Layuning Walang Koleksyon ay dati ng ipinatutupad sa Sangay ng Lunsod ng San Pablo, o noon pa mang panahon ng panunungkulan ni Kalihim Jesli Lapuz, kaya ang kanya ay pagpapaalaala upang ang mga magulang ay huwag mag-atubiling ipasok ang kanilang mga anak saan mangy unit ng paaralang publiko sa lunsod, sapagka’t may katiyakang wala silang obligasyong pin

GAMOT SA HAYOP, NAIPABILI NA NI AMANTE

      Dahil sa pagsapit na panahon ng tag-ulan, kung kalian inaasahang maraming hayop ang naaapektuhan ng kalusugan bunga ng matagal na pagkababad sa tubig,  sa tagubilin ni Alkalde Vicente B. Amante, ang Office of the City Veterinarian ay bumili na ng sapat na gamot, kasama na ang mga pambakuna, para sa mga alagaing hayop, tulad ng kalabaw, baka, kabayo, at baboy, na kalakarang apektado ang kalusugan ng pabago.bagong kalalagayan ng panahon.      Sang-ayon kay City Veterinarian Fara Jayne C. Orsolino, sa lunsod na ito ay may 1,299 kalabaw, 2,736 baka, at 375 kabayo na pawang nakarehistro sa Tanggapan ng Ingat   Yaman.      Ang malalaking baboy ay tinatayang nasa 7,000 para sa bawa’t pagkakataon, at wala silang malinaw na maibibigay na bilang para sa manok dahil sa kalakarang ito ay inaani tuwing ika-45 hanggang ika-60 araw, at ang mga poultry houses ay sila na ang bumibili ng mga kinakilangan nilang gamot at bakuna.      Samantala, sa pakikipanayam ng mga graduate student sa Pamanta

EX-MAYOR ZACARIAS A. TICZON,ISANG TAON NG NAMAMAHINGA

     Nagunita ni City Administrator Loreto S. Amante na sa darating na sa darating na Sabado, Hunyo 11, 2011, ay ganap ng isang taon na  si  dating Alkalde Zacarias Africa. Ticzon Sr. ay namamahinga, sapagka’t kanyang nagugunita na noong umaga ng  pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan noong nakaraang taon, siya ay tinagubilinan ni Alkalde Vicente B. Amante na balangkasin ang isang opisyal na pahayag na nag-aatas ng paglalagay sa “half mast” sa watawat ng Pilipinas, at simula ng panahon ng pagluluksa alang-alang sa pagyao ng dating punonglunsod.      Si Alkalde Zacarias A. Ticzon ay namayapa sa gulang na 89 noong araw ng Biyernes, Hunyo   11, 2010, sa kanyang tahahan sa EFARCA Village, Barangay IV-A, Lunsod ng San Pablo. Ang kanyang mga labi ay inilagak sa San Pablo City Memorial Park sa barangay San Gabriel noong tanghaling tapat ng araw ng Martes, Hunyo 22, 2010 pagkatapos mahandugan ng luksang parangal ng mga pinunong lunsod sa pangunguna ng muli noong nahalal Alkalde Vicente B. Amante,