Sa mga natatandaan pa ang mga pelikulang Tarzan, at mga circus na nagtatampok sa elepante bilang mga hayop na sentro ng pagtatanghal, ay mapapansin na kung ang malaking hayop ay hindi ginagamit sa tanghalan, ito ay wala sa kulungan, sa halip ay may maliit na lubid na nakatali sa alin man sa hulihan paa nito. Halos iisa ang laki ng lubig na itinatali sa mga bata pang elepante na maaaring tumitimbang lamang ng 400 kilo, o matatanda at malalaki na tumitimban ng 1,300 kilo.
Sang-ayon sa isang lathalain na nalathala sa isang American magazine, ang taling lubid sa hulihang paa ng elepante ay hindi tunay na matibay, at maging ang kinatatalian nitong ibinaong putol ng kahoy ay rin matatag ang pagkakatanim sa lupa, at katunayan nito, kung ang elepante ay nagugulat at wala sa loob na nagkakapagpumiglas, ay madali itong nakakawala, nakung ang elepante ay kalmado na at ang lubid ay napasabit at mararamdaman ng hayop ang pagpigil sa kanyang hulihang paa, ito ay titigil at mananahimik na lamang.
Ang maliit na lubid ay napipigilan ang isang malaking elepante na makawala, sapagka’t ito ang kanyang nakalakhan at nakaugalian simula noong panahon ng kanyang kabataan.
Ang mga elepante, sa sandaling maipanganak ay tinatalian ng lubid sa alin man sa dalawang hulihang paa nito, kaya naging bahagi na ng pagpapahalaga ng hayop na ang lubid na nakatali sa kanyang hulihan paa ay matibay o matatag at hindi sapat ang kanyang lakas upang ito ay mapatid, o ang kinatataliang kahoy ay maalis sa pagkakabaon nito sa lupa. Isang pagpapahalagang dinadala ng hayop kahit sa panahon ng kanyang katandaan. Ang totoo, kung magpupumilit lamang ang isang 400-kilong elepante, ang lubid na nakatali sa kanyang hulihang paa ay madaling mapapatid, gaya kung ito ay itatali sa alin man sa dalawang unahang paa nito
.
Ang lubid ay nakakatulad lamang ng latigo ng isang tagapagsanay ng leon , ang leon ay hindi pinapalo ng latigo, lamang ang isang leon , sanggol pa lamang, ay sinanay na ang tunog ng latigong ikinukumpas sa hangin ay gumagawa sa mabangis na hayop upang maging mapayapa at tumigil kung saan ito itinurong mamahinga.
Sa hayop man, ang kamalayang kinasanayan sa panahon ng kanilang kabataan, ay disiplinang gumagabay sa panahon ng kanilang katandaan. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment