SAN PABLO CITY – Kaugnay ng nararanasan ng maraming malimit at malalakas na pag-ulan, tiniyak ni District Engineer Federico L. Concepcion, na ang Laguna Sub-District Engineering Office na naka-base sa Barangay Del Remedio, lunsod na ito, ay handang pangalagaan ang mga lansangan sa sakop ng distrito upang matiyak na patuloy na madaraanan sa lahat ng pagkakataon ang lawak na ito sakali’t maaapektuhan ng mga magdaraang bagyo sa Katimugang Tagalog, sapagka’t ang dapat lamang namang asahang magiging sagabal sa maayos na daloy ng trapiko sa mga lansangan ay ang mga nabubuwal na punong kahoy, sapagka’t pinagsisikapan ng kanilang tanggapan na ang lahat ng padaluyang baha ay malinis at maalisang ng burak kung panahon ng tag-araw, upang kung sumapit ang panahon ng tag-ulan ay maiwasang ang mapanganib at marahas na pagtaas ng tubig-baha.
Sapagka’t si Assistant District Engineer Pol delos Santos bilang hepe ng San Pablo City-based DPWH Quick Response Team ay may regular na pakikipag-ugnayan sa Regional Risk Reduction and Disaster Management Council para sa Katimugang Tagalog, sila ay pamilyar sa mga lugar sa sakop ng 3rd Congressional District o sa lawak na sakop ng kanilang hurisdiksyon sa mga lugar na lagging nanganganib na malulubog sa baha, o ang lupa ay guguho o vulnerable or prone to landslide, at ito ang gumagabay sa kanilang tanggapan kung saan dapat nilang iparada o i-deploy ang kanilang mga kagamitan. Sila ay ginagabayan din ng mga babala o weather report na panapanahong ipinahahayag ng Philippinr Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment