SAN PABLO CITY – May himig na pagbibiro, pero malapit sa katotohanan ang sinasabi ng ilang ahente ng kotse, na ang mga may-ari ng auto repair shop sa lunsod na ito ay hindi natutuwa sa malasakit ng DPWH-Laguna Sub-District Engineering Office na naka-base sa Barangay Del Remedio, lunsod na ito, na mapangalagaang maayos ang mga lansangan sa lawak ng kanilang mga pananagutan, sapagka’t ito ay gumagawa sa mga lansangan na maayos daanan ng mga saksakyan, kaya tumatagal ang buhay ng mga makina nito.
Dahil sa magandang kalalagayan ng mga lansangan sa sakop ng distrito, ay lumiliit ang kita ng mga repair shop, at maging ng mga vulcanizing shop, na ang nakikinabang umano ay ang mga car and truck dealer, at distributor ng goma ng mga sasakyan, dahil sa karaniwang tapos na ang garantiyang kanilang ipinagkakaloob bago masira ang sasakyan o mabutas ang goma..
Sinasabi ng mga ahente ng sasakyan na ang kanilang “business territory” ay ang Katimugang Tagalog at Bicolandia, na isang katotohanan na ang mga seksyon ng lansangan na sakop ng pananagutan ni District Engineer Federico L. Concepcion, at ng kanyang action man na si Assistant District Engineer Pol delos Santos ang pinakamaayos na
napangangalagaan. Kanila pang nabanggit na pinatutunayan sa mga nakaraang pagdaraan ng bagyo sa bansa, na ang Alaminos-San Pablo City Section ng Maharlika Highway, mula sa exit ng South Luzon Express Way sa Calamba City hanggang sa Sorsogon, ang tanging hindi lumulubog sa baha, na kung may lugar mang nalulubog sa baha, ito ay hindi lubhang malalim at patuloy na maaaring tawirin ng mga sasakyan, at nakakati kaagad pagtigil ng pagpatak ng ulan, dahil sa ang mga drainage system o padaluyan ng tubig-baha ay kanilang ipinalilinis sa mga panahong hindi pa pumapatak ang ulan. Ang DPWH-San Pablo ay laging handa na gampanan ang kanilang pananagutan sa lahat ng pagkakataon. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment