Skip to main content

EX-MAYOR ZACARIAS A. TICZON,ISANG TAON NG NAMAMAHINGA


     Nagunita ni City Administrator Loreto S. Amante na sa darating na sa darating na Sabado, Hunyo 11, 2011, ay ganap ng isang taon na  si  dating Alkalde Zacarias Africa. Ticzon Sr. ay namamahinga, sapagka’t kanyang nagugunita na noong umaga ng  pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan noong nakaraang taon, siya ay tinagubilinan ni Alkalde Vicente B. Amante na balangkasin ang isang opisyal na pahayag na nag-aatas ng paglalagay sa “half mast” sa watawat ng Pilipinas, at simula ng panahon ng pagluluksa alang-alang sa pagyao ng dating punonglunsod.

     Si Alkalde Zacarias A. Ticzon ay namayapa sa gulang na 89 noong araw ng Biyernes, Hunyo  11, 2010, sa kanyang tahahan sa EFARCA Village, Barangay IV-A, Lunsod ng San Pablo. Ang kanyang mga labi ay inilagak sa San Pablo City Memorial Park sa barangay San Gabriel noong tanghaling tapat ng araw ng Martes, Hunyo 22, 2010 pagkatapos mahandugan ng luksang parangal ng mga pinunong lunsod sa pangunguna ng muli noong nahalal Alkalde Vicente B. Amante, at Vice Mayor-elect Angelita L. Erasmo-Yang.

     Isinilang sa Baryo Santo Angel , Bayan ng San Pablo sa Lalawigan ng Laguna noong Hulyo 6, 1920, bilang punonglunsod ay nakilala si Alkalde Ticzon sa katawagang “Ma Caring”, at bilang punonglunsod, ay nabanggit ni dating Secretary to the Mayor Rhode Nat. Alcantara na “Caring Ticzon Is The Most Colorful Mayor San Pablo City Has Ever Had.” May mga matataas na pinunong bayan ang nagpapakilala sa kanya na “Xavier Cougat of the Philippines.”

     Sang-ayon kay Bb. Ester M. Catipon, si Atty. Zacarias Africa Ticzon ay nagsimulang maglingkod sa pangasiwaang lunsod bilang Secretary to the Mayor sa ilalim ng pangasiwaan ni  Appointed City Mayor Artemio B. Fule noong 1953-1954. Sa halalan noong Nobyrembre ng 1955, siya ay nahalal na konsehal o isa sa pitong (7) kagawad ng junta municipal noon, na nanungkulan simula noong  Enero 1, 1956 hanggang Disyembre 31, 1959. Siya ay kapartido ng First Elected City Mayor na si dating Guerilla Major Leopoldo Colago.
     Si Caring Ticzon ang First Elected City Vice Mayor na nanungkulan simula noong Enero 1, 1960 hanggang Disyembre 31, 1963, ang kanyang punonglunsod ay si retired Colonel Lauro D. Dizon Sr.

     Nahalal sa halalan noong Nobyrembre ng 1963,  si Caring Tizon ay nanungkulan bilang Punonglunsod simula noong Enero 1, 1964 hanggang Disyembre 31, 1967.

     Pagkatapos ng EDSA Revolution, si Atty. Zacarias A. Ticzon ay itinalaga ni Pangulong Corazon C. Aquino bilang Officer-in-Charge of the Office of the City Mayor ng Lunsod ng San Pablo na nanungkulan simula noong Abril 2, 1986 hanggang Nobyembre 30, 1987.  Siya ay kinailangang magbitiw sa tungkulin para magkandidato sa pagka-Alkalde batay sa alituntuning ipinaiiral noon sa bisa ng Batas Republika 6636.  kaya siya ay nakabalik sa City Hall bilang duly elected City Mayor na nanungkulan simula noong Pebrero 2, 1988 hanggang Hunyo 30, 1992. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pangkabuhayan at umiral an

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci