April 28, 2015

PACQUIAO-MAYWEATHER FIGHT, MAPAPANOOD NG LIVE SA PAMANA HALL



SAN PABLO CITY – Ang mga mamamayan ng lunsod na ito ay hindi kinakailangang bumayad para lamang mapanood ng “live” ang hinihintay ng maraming labanan nina Manny “Pacman” Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. na kinikilalang “Fight of the Century” dahil sa ang pangasiwaang lokal sa pangunguna ni Mayor Loreto S. Amante ay magtataguyod ng live streaming ng boxing bout sa darating na Linggo, Mayo 3, sa PAMANA Hall sa City Hall Complex dito.

Dito rin napanood ng walang bayad ang Manny Pacquiao-Chris Algieri Fight noong nakaraang Nobyembre.

Ang Pacquiao-Mayweather Fight ay magaganap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos, at ala-8:00 pa lamang ng umaga ay magsisimula na ang paglalabas ng mga undercard matches hanggang sumapit ang main event sa pamamagitan ng isang high-definition LCD (liquid crystal display) screen.

Ayon kay City Information Officer Leonides A. Abril Jr., ang pagpapaupo ay “on first come, first serve basis.”

Sign Up Now!!!!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Disqus for Balitang San Pablo : Online