SAN PABLO CITY - Sa Mayo 2010 ang National Statistics Office (NSO) ay magsasagawa ng 2010 Census of Population and Housing (2010 CPH) na inaasahang makapagbibigay ng napapanahong estadistika ng sosyo-ekonomiyang katangian ng populasyon. Ang estadistikang ito ang magsisilbing basehan ng pamahalaan sa pagbalangkas ng mga palatuntunang pangkaunlaran, at sa paglalaan ng pondo para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan sang-ayon kay Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña.. Ang pagsasakatuparan ng 2010 CPH ay iniaatas ng Batas Pambansa Bilang 72 na nagpapahintulot sa NSO na mag-senso tuwing ika-sampung taon simula pa noong 1980, na hindi makakasagabal sa pagkuha ng iba pang datos tulad ng agrikultura, industriya, pangangalakal, pabahay at iba pang sektor na inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA). Idinagdag ni Bb. Serqueñ na magiging matagumpay lamang ang ang pagsasagawa ng 2010 CPH kung magkakaroon ng kooperasyo