Skip to main content

Posts

Showing posts from April 19, 2009

69th FOUNDATION DAY NG LUNSOD, GUGUNITAIN SA MAYO 7

Ipagdiriwang ng Lunsod ng San Pablo ang ika-69 taon ng pagkakatatag o 69 th Foundation Day sa Mayo 7 na katatampukan ng Grand Santacruzan, at ng pagpaparangal sa mga mapipiling The Outstanding San Pableño, tulad noong nakaraang taon nang ipagdiwang ang City Charter Day. Magsisimula ang Isang Linggong Selebrasyon sa pamamagitan ng mini-Olympics sa San Pablo Central School ground, at sa Pamana Hall, na susundan ng Battle of the Bands sa Mayo 4 sa Liwasang Lunsod, at katuwaang Ms. Gay Contest sa Mayo 5. Ayon kay City Administrator Loreto “Amben” S. Amante, tagapangulo ng Lupong Tagapagpaganap ng Pagdiriwang, ang gaganaping Grand Santakrusan sa Mayo 6 na ay magtatampok kay 2009 Mutya ng San Pablo Jennifer Plerido na kasalukuyang reigning queen ng Lalawigan ng Laguna sa kanyang pagkakapagwagi bilang Binibining Anilag ng Laguna. Lalahok din sa santacrusan ang Binibining San Pablo, Miss Cocofest 2009 at iba pang nag-gagandahang dilag ng lunsod. Saman

77 Kabataan, Pinatulian ni DY

Sa personal na pagtangkilik ni Konsehal Danilo “DY” R. Yang, na kasalukuyan ding kagawad ng Sangguniang Panlalawigan bilang Pangulo ng Liga ng mga Konsehal sa Lalawigan ng Laguna, na my tulong mula kina Congresswoman Ma. Evita R. Arago, at City Mayor Vicente B. Amante, ay 77 kabataang lalaki ang natule noong nakaraang Huwebes, Abril 16, sa Barangay San Gregorio. Mahigit sa 100 batang lalaki ang nagpatalang magpapatule, subali’t marami ang ipinagpaliban dahil sa hindi pa napapanahon, o may karamdamang hindi dapat maturukan ng mga gamot na karaniwang ginagamit sa operasyon o pag-oopera sang-ayon sa nagsusuring manggagamot. Batay sa imbentaryo ng mga gamot at surgical supplies na ipinagkatiwala sa medical team na ipinadala ni City Health Officer Job D. Brion, ang pinaghahandaan ni Konsehal Danny Yang ay 200 kabataan ang maaaring tuliin, at ito ay pinasasalamatan ni Punong Barangay Rene Calabia, na sumubaybay sa isinagawang pagtutule na halos ay maghapong ginanap sa kanil

CORNISTA HEADS CGDH ASSOCIATION

City Government Department Head (City Accountant) Lolita G. Cornista was formally inducted into office by Mayor Vicente B. Amante last Monday morning, during the traditional flag ceremonies at the City Hall, as the new president of the San Pablo City Government Department Heads and Assistant City Government Department Heads Association, on time with the formal promulgation of Executive Order No. 02-2009 by the local chief executive to formally launched the so-called Citizens Charter of San Pablo City in compliance with the provisions of the Anti-Red Tape Act of 2007 under Republic Act No. 9485. Ms. Cornista, who is an active member of the provincial chapter of the Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA), succeeded Local Civil Registrar Benedicto “Benny” D. Danila, under whose leadership, the membership of the association was turned into a cohesive working team. That every member-department head are already familiar with the provisions of the Gover

PAALAALA NI KAREN

para sa Lunsod ng San Pablo, at mga Bayan ng Alaminos, Rizal, Nagcarlan, at Liliw, nagpapayo si Senior Board Member Karen C. Agapay sa lahat ng mga propetaryo na nagmamay-ari ng mga lupaing sakop na ng Approved Cadastral Map subali’t hindi pa naipatatala sa Land Registration Authority (LRA) upang mapagkalooban ng Original Certificate of Title (OCT), ay matutulungan silang ito ay mapatituluhan sa pamamaraang administratibo sa ilalim ng isang palatuntunang ipinatutupad ng Land Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources, o ng titulong tinatawag na Free Patent. Ayon kay Atty. Karen Agapay, sa dahilang ang proseso ay hindi dumaraan sa hukuman, ang nagugugol ng magpapatalang propetaryo ay halos wala pang dalawang (2) libong piso (P2,000.00) bawa’t lote na lubhang mababa kung ihahambing sa pagpapatitulo sa pamamag-itang ng prosesong panghukuman o judicial process. Para sa detalyadong pagpapayo ukol sa pagpapatitulo sa paraang Free Patent, si Att