Skip to main content

Posts

Showing posts from January 27, 2008

GSIS W@PS Kiosk, Itinayo Dito Sa San Pablo City

Si Area Manager Elsie Jacolbe Lising (dulong kanan) kasama sina Mayor’s Office Administrative Officer Emilio I. Tirones, City Accountant Lolita G. Cornista, at City Human Resource Officer Elvira A. Celerio matapos na mapasinayaan ang machine ng GSIS W@PS Kiosk sa One Stop Processing Center. Upang maayos na mapaglingkuran ang mga kasapi ng Government Service Insurance System (GSIS) dito sa Lalawigan ng Laguna, ang korporasyon ay naglagay ng Wireless Automated Processing System (W@PS) Kiosk na pormal na binuksan sa One Stop Processing Center noong Lunes ng umaga, Enero 28, matapos na malagdaan ang isang memorandum of agreement na pinagtibay nina Mayor Vicente B. Amante sa panig ng pamahalaang lokal, at Area Manager Elsie Jacolbe Lising para sa Laguna Field Office, na sinaksihan nina City Councilor Arsenio A. Escudero Jr., City Prosecutor Gerardo B. Ilagan, City Budget Officer Lolita G. Cornista, City Human Resources Management Officer Elvira A. Celerio, at iba pang mga pinunong lunsod. I

PhilHealth, PAO Nagsanib Puwersa Laban sa Pang-aabuso

Nilagdaan kamakailan sa pag-itan ng PhilHealth at Philippine Academy of Opthalmology (PAO) ang Memorandum of Agreement (MOA) upang matulungang mabawasan ang pang-aabuso sa National Health Insurance Fund sa pamamagitan ng fraudulent claims dahil sa mga pagkakamali ng mga doctor. Noong nakaraang taunang pagpupulong ng PAO sa Lungsod ng Pasig, kinundina ni Bb. Lorna Fajardo, Acting PhilHealth President at CEO at Dominga Padilla,pangulo ng PAO, ang pagsasagawa ng ibang heatlh care providers ng cataract extractions na hindi tama at imoral ang proseso. May mga doctor na kumukuha ng serbisyo ng ahente na tinatawag na “seekers” kung saan siya ang nagdadala ng mga pasyente, karamihan nito ay miyembro ng PhilHealth para makakuha ng malaking reimbursement, sabi ni Fajardo,. Binigyan diin din niya ang hindi magandang sitwasyong kinakaharap sa mga operasyong isinasagawa. Sinasabing ang mga operasyon ng mga doktor na ito ay isinasagawa sa pinakamasamang kundisyong maiisip mo. A

Miyembro sa ilalim ng Sponsored Program, patuloy na dumarami

Ayon sa pinakahuling tala mula sa Membership Section ng Field Operations Division sa pamumuno ni G. Edgardo T. Ardiente, patuloy na dumarami ang mga miyembro sa ilalim ng Sponsored Program ng PhilHealth. Sa kasalukuyan, may 184,932 naitalang bagong miyembro sa ilalim ng programang ito na binubuo ng 45,085 miyembro mula sa Quezon, 85,228 sa Laguna at 54,619 naman sa Cavite. Kaya naman, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng PhilHealth sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan upang palawakin ang kampanya upang madagdagan ang bilang ng mga miyembro ng PhilHealth sa ilalim ng programang ito. Ang benepisyo ng PhilHealth ay maaaring gamitin sa panahon ng pagpapa-ospital. Kabalikat ito ng miyembro sa pagbabayad ng gastos sa kwarto, gamot, laboratoryo at bayad sa duktor. Kaugnay nito, hindi lamang miyembro ang makikinabang sa paggamit ng benepisyong Medicare. Kasama ring makikinabang dito ang mga kwalipikadong makikinabang ng mga ito. Kabilang dito ang mga anak na may edad na