January 5, 2008

Coco Fest 2008 Schedule of Activities



January 5
Saturday
1:00p.m.-10:00p.m.
Pre-Pageant (Lakan at Mutya 08)
Pamana Hall & One Stop

January 6
Sunday
7:00p.m. -10:00p.m
United Pastorals Council Night
Main Stage

January 7
Monday
8:00a.m.-7:00p.m.
Coco Trade Fair (Between Sa Manga & City Plaza)

7:00p.m.-10:00p.m.
Opening Night/ DEP ED / SK night/Ginebra San Miguel (SHAMROCK BAND) (IWA MOTO) Main Stage

7:00p.m.-12:00mn
Food and Beer Plaza at Rizal Avenue


January 8
Tuesday
8:00a.m.-5:00p.m
Coco Trade Fair (Between Sa Manga & City Plaza)


7:00p.m.-12:00mn
Battle of the Bands ( ROTARY CLUB CENTRAL)

7:00p.m.-12:00mn
Food/Beer Plaza at Rizal Avenue


January 9
Wednesday
8:00a.m.-5:00pm
Coco Trade Fair (Pamana Hall)

8:00 am
Coco Sports Fest

7:00am – 10:00pm
TESA/PLDT (CALLA LILY)

7:00pm -12:00mn
Food/Beer Plaza at Rizal Avenue

January 10
Thursday
8:00am – 5:00pm
Coco Trade Fair (Between Sa Manga & City Plaza)

7:00pm – 10:00pm
Lakan at Mutya’08 Coronation Night (City Plaza)

7:00pm- 12:00mn
Food/Beer Plaza at Rizal Avenue

January 11
Friday
4:30 am
UMAGANG KAY GANDA

8:00am - 5:00pm
Coco Trade Fair (Between Sa Manga & City Plaza)

9:30am
Coco Cook Fest

7:00pm – 12:00mn
DISTRICT NIGHT (Main Stage)

7:00pm – 12:00pm
Food/Beer Plaza at Rizal Avenue

January 12
Saturday
8:00am – 5:00pm
Coco Trade Fair (Between Sa Manga & City Plaza)

7:00pm
Coco Cat Comedy Bar

7:00pm – 12:00mn
PRISEA/ SAN MIGUEL BEER

7:00pm – 12:00mn
Food/Beer Plaza at Rizal Avenue

January 13
Sunday
8:00am- 5:00pm
Coco Trade Fair (Between Sa Manga & City Plaza)

1:00pm
STREET DANCING COMPETITION & FLOATS PARADE

7:00pm - 12:00mn
Governor/Vice-Governor’s Night

7:00pm – 12:00mn
Food/Beer Plaza at Rizal Avenue

January 14
Monday
8:00am -5;00pm
Coco Trade Fair (Between Sa Manga & City Plaza)

7:00pm – 12:00mn
Sangguniang Panglunsod / SPONSOR’S NIGHT (Coca-cola Bottlers of the Phils.)

7:00pm – 12:00mn
Food/Beer Plaza at Rizal Avenue

January 15
Tuesday
8:00am – 5:00pm
Coco Trade Fair (Between Sa Manga & City Plaza)

7:00pm – 12:00mn
Mayor’s Night / Ginebra San Miguel/ kamikaze

7:00pm -12:00mn
Food/Beer Plaza at Rizal Avenue

January 4, 2008

ECO-TOURISM NG ALAMINOS

TANING KO
Ni Ruben E. Taningco

Nong nakaraang Disyembre 8, sa pangunguna ni Konsehal Rocel A. Macasaet, ang mga bumubuo ng SNEAKY Communication Group sa Alaminos ay dumalaw sa Kaburulan sa Sityo Patagin na sakop ng Barangay Palma, na malapit na sa hangganan ng mga Lalawigan ng Laguna at Batangas para tayahin ang kasalukuyang kalalagayan nito at muling maisapalatuntunan ng pangasiwaang lokal ang mga pamamaraan upang ang nabanggit na kaburulan ay mapaunlad bilang kontribusyon ng Bayan ng Alaminos sa eco-toursm project ng Lalawigan ng Laguna, at ng bansa

Magugunitang sa pamamagitan ng isang resolusyong inakda ni Konsehal Rocel A. Macasaet noong Taong 2002, ay ipinahayag ng Sangguniang Bayan ng Alaminos na ang Bundok ng Patagin ay ipinahayag na ecological tourism park, at makatuwirang ito ay mapagtuunan ng pansin sa kadahilanang taglay ng lugar na ito ang mga magagandang alaala ng kahapon na makatutulong upang magabayan ang mga kabataan ng kasalukuyan na maisapatatuntunan ang kanilang magandang bukay.

Una, may bahagi ang Barangay Palma sa kasaysayan ng himagsikan laban sa Kastila at Americano, dahil sa ito ay bahagi ng nagsisilbing kanlungan ng mga makabayang humahawak ng sandata, tulad ng pangkat ni Heneral Miguel Malvar na kinikilala ngayong naging Ika-2 Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Dito rin sa Sityo Patagin nagkuta ang mga Kawal na Hapon sa kanilang pag-urong mula sa kabayanan sa pagsisimula ng isinasagawang pagbubumba ng Liberation Forces ni Heneral Douglas Mac Arthur sa Lunsod ng San Pablo at Bayan ng Alaminos noon, na pinatutunayan ng mga matatagpuan pa roong mga bahagi ng kagamitang pandigma, kasama na ang kalansay ng ilang eroplanong napabagsak doon.

Ayon kay Konsehal Macasaet, ang Bundok ng Patagin ay may magandang kapaligiran, kasama na ang mga bukal na lumikha ng isang maliit subalit magandang tanawing talon na mapagkukunan ng malamig na inuming tubig, na dahil sa taas nito, ay tanaw mula roon ang malaking bahagi ng Sto. Tomas at Taal Lake sa Batangas, mga Bayan ng Los Baños at Bay, at Laguna de Bay sa Laguna, at siyempre pa, ang mga Lunsod ng San Pablo at Lipa.

Iniulat ni Konsehal Macasaet na muli silang aakyat at dadalaw sa Bundok ng Patagin, upang magsagawa ng paglalagay ng mga kinakailangang palatandaan na magsisilbing gabay sa paghahanda ng site development plan ng lugar at pag-aaral upang ang pagpapaunlad ng lugar ay malakip sa Local Development Plan, upang masama sa Provincial Development Plan of Laguna, gaya ng itinatagubilin ng Local Government Code of 1991.

January 3, 2008

NAKATATANDANG MAMAMAYAN, MODELO PARA SA KABATAAN

SAN PABLO CITY – Ang pagka-martir ni Dr. Jose Protacio Rizal ay natala sa kasaysayan upang maging isang magandang halimbawa sa mga kabataan ng kanyang panahon sa tama at maalab na pagmamahal at pagpapakasakit para sa bayan, sapagaka’t gaya ng isinatinig ni Isagani sa nobelang El Filibusterismo, namatay si Rizal na masaya sapagka’t nababanaagan na niya ang paglaya ng bansa mula sa mapanakop na mga dayuhan. Ito ang naging buod ng maikling pananalita ni City Administrator Loreto S. Amante sa pang-alaalang palatuntunang ginanap sa Liwasang Lunsod alang-alang sa pagsapit ng ika-111 anibersaryo ng pagka-martir ng pambansang bayani.

Sa pananaw ng batang Amante, ang pagdalo ng mga kagawad ng Senior Citizens Association, ng San Pablo City Posts ng Veterans Federation of the Philippines, at maging ng Kapatiran ng mga Mason at ng Knights of Columbus, at kasama na rin ang mga samahang sibiko at organisasyon sa paglilingkod, ay nagpapatunaw lamang na ang mga nakatatandang mamamayan ng lunsod ay handang maging modelo para sa mga kabataan ng kasalukuyan at susunod pang henerasyon.

Si Jose Rizal ay anak ng isang Pilipinong ama, at Intsik na ina na kapuwa mula sa mga mayayamang angkan sa Calamba, subali’t sa kadahilanang hindi sila ipinanganak sa Espanya, sila ay hindi kinilala sa lipunan ng mga namiminuno noon sa bayan. Si Jose Rizal ay nag-aral sa Ateneo de Manila, at pagkatapos doon ay sa Unibersidad ng Santo Tomas, at napag-aral din at tumapos ng karunungan sa Unibersidad ng Madrid sa Espanya noong 1882. Sa loob ng limang taon, siya ay naglibot sa Europa upang mapalawak ang kanyang kamalayan sa kasaysayan at pulitika sa mga bansa roon, hanggang noong 1886 ay minarapat niyang mag-aral ng medisina sa Unibersidad ng Heidelberg sa Alemanya dahil sa tinataglay na karamdaman ng kanyang ina, at sa Alemanya niya nasulat ang klasikang nobelang “Noli Me Tangere” na matapos malathala ay kinondena ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas, at ng makabalik siya sa Pilipinas noong 1887 ay sinubaybayan ng nga mga tauhan ng pamahalaan ang bawa’t niyang kilos.

Muli siyang bumalik sa Espanya para sulatin ang kanyang ika-2 nobela, ang El Filibusterismo na nalathala noong 1891. Sumulat din si Rizal ng maraming artikulo upang ipadama ang pagkamabansa ng mga Pilipino, at maisulong ang paninindigan niyang ang Pilipinas ay magkaroon ng representasyon sa batasan ng Espanya o sa Cortez

Nang bumalik si Rizal sa Maynila noong `1892, at naitatag niya ang Liga Filipina, isang grupo nagsusulong ng mapayapang pagbabago sa kapuluan, at ito ay ikinagalit din ng mga nangangasiwang Kastila, at si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan sa Mindanao, at bilang exile sa Dapitan simula noong 1892 hanggang 1896, siya ay nakilala bilang isang mahusay na manggagamot, at nagturo siya sa mga kabataan ng pagbasa, at pag-unawa sa mga aralin sa siyensya ng paghahalaman at pangisdaan, at nagawa niyang isang huwaran o modelong pamayanan ang Dapitan.Matapos matuklasan ng mga Kastila ang kilusang pinamumunuan ni Andres de Castro Bonifacio, at ang lider na Anak ng Tondo ay magpalabas ng pahayag na kinilalang “Grito de Balintawak noong 1896, si Rizal ay iniugnay dito, kaya siya ay naaresto, pinagusig at nahatulan sa kasalanang sedisyon, at ipinabaril sa Luneta, na noon ay tinatawag na Bagumbayan, noong umaga ng Disyembre 30, 1896.

Si Jose Protacio Rizal ay naninindigan para sa mapayapang pagbabago tungo sa kaunlaran ng kapuluan na nagbuwis ng buhay sa malupit at madugong pamamaraan. Dito nagsimula ang bukang liwayway para matamo ng kapuluan ang minimithing kalayaan sang-ayon sa maraming sumusulat ng kasaysayan. (Ben Taningco)

ARAW NG PAGPAPAHALAGA NG TRANSCO

Ang lahat ng publisher ng mga lingguhang pahayagan, at nangangasiwa ng mga himpilan ng radio at cable television sa Laguna ay nakatawanan sa Media Acknowledgement Day (MAD) na ipinatawag at ipinag-anyaya ng National Transmission Corporation (TRANSCO) noong Huwebes ng tanghali sa Bukid Garden Resort sa Barangay Concepcion dito sa Lunsod ng San Pablo upang maipadama ang kanilang pagkilala at pagpapahalaga sa papel na ginagampanan ng local mass media upang ang mga layunin at palatuntunan na isinulong ng TRANSCO sa Taong 2007 ay maiparating at maunawaan ng mga karaniwang mamamayan.

Ang isa sa kinikilala ng TRANSCO Management na magandang bunga ng pakikipagtulungan ng local mass media ay ang katotohanang sa taong ito, ay iisa ang nakuryente o victim of electrocution dahil sa naipaunawa sa mga mamamayan ng mga mamamahayag ang panganib ng pagdaraan sa malapit sa mga linyang may matataas na boltahe
Noong ang pamamahala at pangangasiwa sa mga linya ng kuryente na pinagdaraanan ng kuryenteng ang lakas ay mula sa 230,000 hanggang 500,000 kilovolt ay hindi pa inaako ng National Transmission Corporation, ang sistema ay taunang kumukuha ng hindi kukulangin sa limang (5) buhay taon-taon.

Nabanggit ni Communication Officer Nelson S. Bautista ng TRANSCO-South Luzon Operations and Maintenance, ang isang suliraning natutulungan ng mass media ay ang pagkawala ng mga piyesa ng mga toreng naitutumba ng malalakas na hihip ng hangin, sapagka’t media ang nakakapagpaunawa sa masamang epekto ng pagnanakaw ng piyesa ng mga tore, dahil sa ito ay nagiging sanhi ng matagalang pagkakaroon ng brownout o power interruption na nakakaapekto sa kabuhayang pambansa. Ang lahat ng pabrika sa CALABARZON Area na sandigang ng kabuhayang pambansa ay umaasa sa kuryenteng ipinamamahagi ng National Power Corporation, na pinadaraan sa mga linya ng National Transmission Corporation, kaya ang pagkalagot ng daloy nito ay nakalalagot din sa pinagkakakitaan ng mga mamumuhunan.

Media rin ang nakatutulong ayon kay Bautista upang mga sangguniang barangay ay magkaroon ng malasakit na makipagtulungan na mapangalagaan ang mga linya ng kuryente, lalo na ang mga linyang tumatahak ng mga kakahuyan at kaparangan, at sa mga burol, upang ang piyesa ng mga tore ay huwag manakaw, at ang mga linya ay huwag magdulot ng kasakunaan sa mga mamamayan. (Ben Taningco)

9,429 ULO NG TAHANAN,
PINAGKALOOBAN NG PHILHEALTH CARD

Iniulat ni City Social Welfare and Development Officer Grace D. Adap na ngayong ikalawang linggo ng Disyembre, sa ilalim ng palatuntunang panglipunan ni Alkalde Vicente B. Amante, ay umabot sa 0,429 ama o ulo ng tahanan ang naipatala sa Philippine Health Insurance Corporation upang masakop ng National Health Insurance Program o Medicare para matiyak na maging ang mahihirap na pamilya sa lunsod ay may pagkakataong makapagtamo ng paglilingkod na pangkalusugan. Ang pagkakaloob ng PhilHealth Card sa mga ipinatalang Indigent Member ay bunga ng maayos na pakikipag-ugnayan ni Social Insurance Officer Luningning G. Lee ng PhilHealth San Pablo City Service Center.

Nabatid na ang naipatalang mga ulo ng tahanan ay mula sa 78 barangay ng lunsod, at sa Enero 4, 2008 ay magtatala pa sila ng 571 ama ng tahanan mula sa nalalabi pang dalawang (2) barangay upang ang biyayang paglilingkod na pangkalusugan ay matamasa ng residente ng kabuuan ng Lunsod ng San Pablo, ayon pa rin kay Gng. Grace Adap.

Ayon kay Gng. Adap, malaking tulong sa mga mahihirap na sambahayan ang naipagkaloob ni Mayor Vic Amante dahil sa sakop ng tulong ang asawa, mga anak na walang pagtatangi kung lehitimo o ilehitimo, inampong anak, at anak na panguman (step son/daughter) na wala pang 21 taong gulang sa panahon ng pagpapagmot o pagpasok sa pagamutan, sa pasubaling ang mga ito ay wala pang asawa at wala pa ring hanapbuhay. Kaya dapat nilang maayos na naiingatan ang kanilang kopya ng Membership Data Record (MDR) at ng PhilHealth Identification Card kung saan nakatala ang Personal Identification Number (PIN) sapagka’t ito lamang ang dapat dalahin kung papasok ng isang accredited hospital.

Ang mga magulang ng miyembro na mahigit na sa 60 taong gulang at hindi non-paying member, at ganap na umaasa lamang sa miyembro sa ikinabubuhay ay sakop din ng PhilHealth Card paliwanag pa rin ni Gng. Adap. (Ben Taningco)

Sign Up Now!!!!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Disqus for Balitang San Pablo : Online