TANING KO
Ni Ruben E. Taningco
Magugunitang sa pamamagitan ng isang resolusyong inakda ni Konsehal Rocel A. Macasaet noong Taong 2002, ay ipinahayag ng Sangguniang Bayan ng Alaminos na ang Bundok ng Patagin ay ipinahayag na ecological tourism park, at makatuwirang ito ay mapagtuunan ng pansin sa kadahilanang taglay ng lugar na ito ang mga magagandang alaala ng kahapon na makatutulong upang magabayan ang mga kabataan ng kasalukuyan na maisapatatuntunan ang kanilang magandang bukay.
Una, may bahagi ang Barangay Palma sa kasaysayan ng himagsikan laban sa Kastila at Americano, dahil sa ito ay bahagi ng nagsisilbing kanlungan ng mga makabayang humahawak ng sandata, tulad ng pangkat ni Heneral Miguel Malvar na kinikilala ngayong naging Ika-2 Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Dito rin sa Sityo Patagin nagkuta ang mga Kawal na Hapon sa kanilang pag-urong mula sa kabayanan sa pagsisimula ng isinasagawang pagbubumba ng Liberation Forces ni Heneral Douglas Mac Arthur sa Lunsod ng San Pablo at Bayan ng Alaminos noon, na pinatutunayan ng mga matatagpuan pa roong mga bahagi ng kagamitang pandigma, kasama na ang kalansay ng ilang eroplanong napabagsak doon.
Ayon kay Konsehal Macasaet, ang Bundok ng Patagin ay may magandang kapaligiran, kasama na ang mga bukal na lumikha ng isang maliit subalit magandang tanawing talon na mapagkukunan ng malamig na inuming tubig, na dahil sa taas nito, ay tanaw mula roon ang malaking bahagi ng Sto. Tomas at Taal Lake sa Batangas, mga Bayan ng Los Baños at Bay, at Laguna de Bay sa Laguna, at siyempre pa, ang mga Lunsod ng San Pablo at Lipa.
Iniulat ni Konsehal Macasaet na muli silang aakyat at dadalaw sa Bundok ng Patagin, upang magsagawa ng paglalagay ng mga kinakailangang palatandaan na magsisilbing gabay sa paghahanda ng site development plan ng lugar at pag-aaral upang ang pagpapaunlad ng lugar ay malakip sa Local Development Plan, upang masama sa Provincial Development Plan of Laguna, gaya ng itinatagubilin ng Local Government Code of 1991.
Ni Ruben E. Taningco
Nong nakaraang Disyembre 8, sa pangunguna ni Konsehal Rocel A. Macasaet, ang mga bumubuo ng SNEAKY Communication Group sa Alaminos ay dumalaw sa Kaburulan sa Sityo Patagin na sakop ng Barangay Palma, na malapit na sa hangganan ng mga Lalawigan ng Laguna at Batangas para tayahin ang kasalukuyang kalalagayan nito at muling maisapalatuntunan ng pangasiwaang lokal ang mga pamamaraan upang ang nabanggit na kaburulan ay mapaunlad bilang kontribusyon ng Bayan ng Alaminos sa eco-toursm project ng Lalawigan ng Laguna, at ng bansa
Magugunitang sa pamamagitan ng isang resolusyong inakda ni Konsehal Rocel A. Macasaet noong Taong 2002, ay ipinahayag ng Sangguniang Bayan ng Alaminos na ang Bundok ng Patagin ay ipinahayag na ecological tourism park, at makatuwirang ito ay mapagtuunan ng pansin sa kadahilanang taglay ng lugar na ito ang mga magagandang alaala ng kahapon na makatutulong upang magabayan ang mga kabataan ng kasalukuyan na maisapatatuntunan ang kanilang magandang bukay.
Una, may bahagi ang Barangay Palma sa kasaysayan ng himagsikan laban sa Kastila at Americano, dahil sa ito ay bahagi ng nagsisilbing kanlungan ng mga makabayang humahawak ng sandata, tulad ng pangkat ni Heneral Miguel Malvar na kinikilala ngayong naging Ika-2 Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Dito rin sa Sityo Patagin nagkuta ang mga Kawal na Hapon sa kanilang pag-urong mula sa kabayanan sa pagsisimula ng isinasagawang pagbubumba ng Liberation Forces ni Heneral Douglas Mac Arthur sa Lunsod ng San Pablo at Bayan ng Alaminos noon, na pinatutunayan ng mga matatagpuan pa roong mga bahagi ng kagamitang pandigma, kasama na ang kalansay ng ilang eroplanong napabagsak doon.
Ayon kay Konsehal Macasaet, ang Bundok ng Patagin ay may magandang kapaligiran, kasama na ang mga bukal na lumikha ng isang maliit subalit magandang tanawing talon na mapagkukunan ng malamig na inuming tubig, na dahil sa taas nito, ay tanaw mula roon ang malaking bahagi ng Sto. Tomas at Taal Lake sa Batangas, mga Bayan ng Los Baños at Bay, at Laguna de Bay sa Laguna, at siyempre pa, ang mga Lunsod ng San Pablo at Lipa.
Iniulat ni Konsehal Macasaet na muli silang aakyat at dadalaw sa Bundok ng Patagin, upang magsagawa ng paglalagay ng mga kinakailangang palatandaan na magsisilbing gabay sa paghahanda ng site development plan ng lugar at pag-aaral upang ang pagpapaunlad ng lugar ay malakip sa Local Development Plan, upang masama sa Provincial Development Plan of Laguna, gaya ng itinatagubilin ng Local Government Code of 1991.
Comments
Post a Comment