Skip to main content

Posts

Showing posts from January 16, 2011

KASALANG BAYAN SA SIMBAHAN

Sa pagtataguyod ng Cathedral Parish of Saint Paul, The First Hermit, na tatangkilikin ni Congresswoman Ma. Evita R. Aragon g Ika-3 Distrito ng Laguna, ay gaganapin ang Kasalang Bayan Sa Simbahan sa darating na Hunyo 30, 2011, araw ng Huwebes, simula sa ganap na ika-3:00 ng hapon.      Ang handaan o reception ay sa Villa Evanzueda sa Sityo Baloc, Barangay San Ignacio pagkatapos ng seremonya sa simbahan.     Sang-ayon kay Bb. Lorie Garcia, project coordinator sa panig ng Tanggapan ni Congresswoman Ivy Arago, ang kuwalipikasyon para mapasama sa mga ikakasal sa simbahan sa darating Hunyo 30, 2011 ay ang mga sumusunod: (1) Ang ikakasal ay kinakailangan 25 taon pataas, at sila ay dapat magsubmit ng birth certificate, partida bautismo, confirmation certificate, at Certificate of Non-Marriage o CENOMAR; (2) Kung nagsasama na ng mahigit sa limang taon, ang kinakailangan ay magdala ng birth certificate at partida de bautismo ng kanilang mga anak, at affidavit of premarital relationsh

DIWATA NG PITONG LAWA 2011

Si Bb. Mariel Cabello Amorao ng Barangay Santo Niño na may taas na 5’ 4” at tumapos ng kursong Hotel and Restaurant Management sa Laguna State Polytechnic University (San Pablo City Campus), ay isa sa napapansin sa 15 kandidata sa pagka-Diwata ng Pitong Lawa na patimpalak kagandahang itinataguyod ng ULTIMART Shopping Center na ang mga magsisipagwagi ay pararangalan at puputungan sa darating na Marso 12, 2011. ( Ruben E. Taningco

WALANG BAYARING DAPAT BAYARAN SA LABAS NG CITY HALL

     SAN PABLO CITY – Pamuling nagpapaalaala si Engr. Ruel J. Dequito, hepe ng City Solid Waste Management Office,   sa lahat ng negosyante sa lunsod na ito na huwag silang magbabayad ng ano mang bayarin sa mga tauhang nagpapakilalang taga-City Hall upang maningil ng garbage fee. Ang Tanggapan ng Ingat Yaman ng Lunsod ay walang pinahihintulutang maningil ng ano mang bayarin sa labas ng One Stop Prcessing Center, o mangulekta sa mismong tindahan o puwesto ng kanilang sinisingilan.      Sang-ayon kay Assistant City Treasurer Gerardo Ciolo, pag-alinsunod sa mga umiiral na alituntunin ng pamahalaang lokal, ay walang “collection of fee” ang dapat isagawa sa labas ng tanggapan ng kahero ng lunsod, sapagka’t walang pinuno ang dapat tumanggap at mag-ingat ng bayad para sa buwis at butaw (o taxes and fees), liban sa mga tauhang may piyansa o bonded fiscal officer,   na ang lahat ng mga tauhang ito ay pawang nasa Window 3 and 4 sa One Stop Processing Center. Kaya ang lahat ng pagbabayad p

GAANO KATAGAL ANG KAAGAD?

SAN PABLO CITY -   Noong nakaraang taon, isang mediaman ang nagpadala ng mga liham sa Sangguniang Panglunsod ng San Pablo, na ang kahilingan ay para sa pagpapatibay ng mga kautusan na may kaugnayan sa pangangalaga at pangangasiwa sa mga dambana at pananda na may kaugnayan sa kasaysayan, gaya ng mga sumusunod: (1) Pagpapahayag na ang harapan ng bantayog ni Gat Andress Bonifacio sa malapit sa Hagdang Bato ay “No Parking Zone” upang mapanatiling kagalang-galang at malinis ang kapaligiran nito sa lahat ng pagkakataon; (2) Pagpapahayag na ang harapan ng Old City Hall Building ay “No Parking Zone” upang mapangalagaan ang kaayusan nito bilang isang istrakturang pangkasaysayan   na natayo mahigit ng pitumpong taon ang nakalilipas, at hilinging mabalik   ang (nawawalang)   “panandang pangkasaysayan” o tablet na inilagay ng National Historical Commission ng pasinayaan ang Lunsod ng San Pablo noong Enero 2, 1941; at (3) Pagpapayos sa bantayog ni Dr. Jose P. Rizal sa Liwasang Lunsod, sa pamamagi

BUSINESS PERMIT, HANGGANG ENERO 20 LAMANG

ALAMINOS, Lagun a – Tiniyak ni Gng. Juanita B. Rivera, isang tax collection officer na nangangasiwa sa pagkakaloob ng business permit and license sa Tanggapan ng Ingat Yaman dito, na ang araw para sa paglalahad ng application for renewal of business permit ay hanggang Enero 20 (o ika-3 araw ng Huwebes sa taong kasalukuyan), at ito ay walang palugit o extension.     Ang nabanggit na deadline ay para sa nagmamay-ari ng mga tindahan, kasama na ang botica at restoran;   nagpapakilos ng mga bahay kalakal na namamahagi o namimili ng iba’t ibang produkto; at maging ang mga operator ng tricycle o pedecab; at pagkalipas ng nabanggit na araw, ang lahat ng bayarin nba nauukol sa business permit ay lalapatan na ng 25 porsyentong multa.      Samantala, ang mga negosyante sa baying ito na paso o expired   na ang kanilang registration of business name sa Department of Trade and Industry, ay pinapayuhan ni Gng. Janit Rivera na magsadya na lamang sa tanggapn ng San Pablo City Chamber of Commerc