Sa pagtataguyod ng Cathedral Parish of Saint Paul, The First Hermit, na tatangkilikin ni Congresswoman Ma. Evita R. Aragon g Ika-3 Distrito ng Laguna, ay gaganapin ang Kasalang Bayan Sa Simbahan sa darating na Hunyo 30, 2011, araw ng Huwebes, simula sa ganap na ika-3:00 ng hapon.
Ang handaan o reception ay sa Villa Evanzueda sa Sityo Baloc, Barangay San Ignacio pagkatapos ng seremonya sa simbahan.
Sang-ayon kay Bb. Lorie Garcia, project coordinator sa panig ng Tanggapan ni Congresswoman Ivy Arago, ang kuwalipikasyon para mapasama sa mga ikakasal sa simbahan sa darating Hunyo 30, 2011 ay ang mga sumusunod: (1) Ang ikakasal ay kinakailangan 25 taon pataas, at sila ay dapat magsubmit ng birth certificate, partida bautismo, confirmation certificate, at Certificate of Non-Marriage o CENOMAR; (2) Kung nagsasama na ng mahigit sa limang taon, ang kinakailangan ay magdala ng birth certificate at partida de bautismo ng kanilang mga anak, at affidavit of premarital relationship; at (3) Kung kasal na sa Huwes o Alkalde, ay magdala ng kopyan ng kanilang marriage certificate.
Ang mga magpapakasal sa alin mang kalalagayang binabanggit ay dapat na may “certificate of indigency” mula sa sangguniang barangay kung saan sila naninirahan, payo pa ni Lorie Garcia.
Para magkaroon ng sapat na oras at maayos na maihanda ang mga papeles ng pagpapakasal sa tamang panahon, ang lahat ng nagnanasang magpakasal sa ilalim ng palatuntunang ito na “Kasalang Bayan Sa Simbahan” ng Parokya ni San Pablo, Unang Ermitanyo, at Tanggapan ni Congw. Ivy Arago, ay hinihiling na dalahin ang mga kinakailangang papeles kay Bb. Lorie Garcia sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco sa o bago sumapit ang Pebrero 28, 2011, na araw ng Lunes.
Kung may mga katanungan ukol sa Kasalang Bayan sa Simbahan, si Lorie Garcia ay maaaring tawagan sa telepono bilang (049) 503-1472 o 09167728388. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment