ALAMINOS, Laguna – Tiniyak ni Gng. Juanita B. Rivera, isang tax collection officer na nangangasiwa sa pagkakaloob ng business permit and license sa Tanggapan ng Ingat Yaman dito, na ang araw para sa paglalahad ng application for renewal of business permit ay hanggang Enero 20 (o ika-3 araw ng Huwebes sa taong kasalukuyan), at ito ay walang palugit o extension.
Ang nabanggit na deadline ay para sa nagmamay-ari ng mga tindahan, kasama na ang botica at restoran; nagpapakilos ng mga bahay kalakal na namamahagi o namimili ng iba’t ibang produkto; at maging ang mga operator ng tricycle o pedecab; at pagkalipas ng nabanggit na araw, ang lahat ng bayarin nba nauukol sa business permit ay lalapatan na ng 25 porsyentong multa.
Samantala, ang mga negosyante sa baying ito na paso o expired na ang kanilang registration of business name sa Department of Trade and Industry, ay pinapayuhan ni Gng. Janit Rivera na magsadya na lamang sa tanggapn ng San Pablo City Chamber of Commerce and Industry, Inc. sa Girl Scouts of the Philippines (GSP) Building sa may Doña Leonila Park sa City Hall Complex sa San Pablo, na may telepono bilang (049) 561-2880, upang doon na sila mag-renew ng kanilang registration of business name, sa halip na magsadya pa sa DTI Provincial Office na nasa kahabaan ng National Road sa Barangay Banca-banca sa Victoria, Laguna.
Ang mga ngayon lamang magbubukas ng negosyo, ay maaaring sa San Pablo City Chamber of Commerce and Industry, Inc. na rin ilahad ang kanilang application form for business name registration, at nagkabisa noong Enero 1, 2011, ang bayarin ang tatanggap hinihinging halaga ay ang Department of Trade and Industry mga sumusunod: kung ang itatayong negosya ay naka-base sa barangay na labas ng poblacion ng lunsod o munisipyo (outskirt barangay) ay P415; at kung naka-base sa barangay sa sakop ng Poblacion (o City/Municipal Proper) ay P715. Ang service fee na babayaran sa San Pablo City Chamber of Commerce and Industry, Inc. ay parehong P200. Ang katulad na bayarin ang siya rin sinisingil sa mga magsisipaglahad ng application for renewal of business name.
Makabubuting ang magpapatala ay may nakahanda ng limang (5) proposed business name, upang matiyak na ang mapapatalang pangalan ng itatayong negosyo ay walang katulad sa buong Pilipinas. Hindi rin makasasamang alam din ng aplikante ang kanyang Tax Identification Number (TIN) at mayroon siyang bagong Community Tax Receipt (o cedula).(Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment