Skip to main content

PUNDAHAN SA PLAZA RIZAL

Gaya ng nakaugalian kung isinasagawa ang  Coconut Festival sa mga nakaraang taon, sa ginanap na 16th Coconut Festival and Fair ay muling magkaroon ng gabi-gabing beer plaza sa kahabaan ng Avenida Rizal na maituturing ng isang institusyon na nagtatampok sa mga produkto ng San Miguel Brewery, Inc., lalo na ang San Miguel Pale  Pilsen at San Mig Light sang-ayon kay  Mac C. Dormiendo, External Relations Associate – Luzon ng San Miguel Foods, Inc. 

     Magugunitang sina Robert Non at  Mac C. Dormiendo, na mga advocacy officers noon ng San Miguel Corporation,  ang mga naging kasangguni ni Mayor Vicente B. Amante ng balangkasin ang palatuntunang naging batayan sa pagkapaglunsad ng Coconut Festival noong Enero ng 1996 na ang pinakatampok ay ang Mardi Gras o Street Dancing Competition, at  ang sinabing beer plaza ay maitutulad sa “pundahan” na ginaganap sa San Pablo noong bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig sa harapan ng simbahan, na noon ay karaniwang tinatawag na Plaza Rizal, na ang ugat ay ang tradisyon ng Oktobeerfest na taunang isinasagawa sa Alemanya, na unang itinanghal sa Munich noong Oktobre 12, 1810 upang magbigay saya sa paggunita ng anibersaryo ng kasal nina King Ludwig at Princess Therese na ang pinakatampok ay ang pagpapainum ng cerveza na ang pulutan ay longganisa.at litsong baka. 

     Sa isang pananaliksik, napag-alamang noong bago magkadigma, ang paboritong pulutang inihahain sa mga pundahan ay ginataang hipong Palakpakin na may pako, gulay na (uod ng) laywan na ang paasim ay tinuyong kalamyas, at lunganisang gawang bahay mula sa karne ng baboy na tinuyo sa sikat ng araw..

     Naniniwala si Dormiendo na ang tradisyon ng Oktobeerfest, na karaniwan tinatawag sa lunsod na beer plaza, ay dapat pasiglahin dahilan sa ito ay lumilikha sa mga magkakapalagayang-loob na maging mga tunay na magkakaibigan, lalo at iisiping ang pag-inum ng San Miguel Pale Pilsen ay bahagi na ng kultura at pagpapahalaga ng mga Pilipino, at katunayan nito, sa palagay ng marami, simula pa noong 1890 ay kinikilala na itong isang “health tonic,” o nakakapagpasigla sa diwa at damdamin ng mga umiinum nito.

     Kaugnay nito, nakagagalak na maging ang pangasiwaan ng SM City San Pablo ay inilunsad ang “Lakeside Charms of San Pablo Program noong isang Biyernes ng gabi, kung kailan ipinakilala ang mga yamang pantauhan, pangkultura, at pangkasaysayan pamayan, na tulad sa ibang mga bansa ay nakakapagbigay sigla sa mga gawaing pangkabuhayan. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

San Pablo City’s Hagdang Bato

             Nobody knew the number of steps it has:   when it was constructed and by whom,   until Mayor Vicente B. Amante asked his private secretary to actually count the number of steps and copy the wordings on the tablets affixed on the lower part of the park structure.             The Hagdang Bato (concrete stairway) leading to the Sampaloc Lake, which is now a famous local landmark, is now part of the logo or official seal of San Pablo, being the City of Seven Lakes.           It was constructed in November 1915 under the administration of municipal president Marcial Alimario, but many, including the youth and technical personnel of the local engineering office, simply look it for granted.  Nobody knew the number of steps it has, when it was constructed and by whom, until Mayor Vicente B. Amante asked his private secreta...