Skip to main content

Posts

Showing posts from September 7, 2008

KATANGIAN AT HINDI KASARIAN ANG BATAYAN

WOMEN POWER - Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) City Treasurer Fredalyn A. Rubio, City Budget Officer Dormelita D. Ignacio, Human Resource Officer Elvira A. Celerio, City Accountant Lolita G, Cornista at Sangguniang Panlunsod Secretary Elenita D. Capuno na pawang ang antas ng tungkulin ay City Government Department Head (CGDH) batay sa pamantayang itinatakda ng Civil Service Commission..? Kuha ang larawan bago magsimula ang nakaraang regular na pagpupulong ng mga department head ng Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo kung saan 25 porsyento ng mga puno ng ahensya/tanggapan ay kababaihan.? Wala sa larawan sina City Social Welfare and Development Officer Grace D. Adap at City Veterinarian Farah Jean Orsoli no. ( CIO/Pedrito D. Bigueras )

Gawaing Sibil ng 202nd IB

Sa ginanap na Cocktails With the Press sa Sulyap Restaurant sa Barangay Del Remedio noong nakaraang Biyernes ng gabi, nabatid mula kay Koronel Tristan M. Kizon na dahilan sa umiiral na kalalagayang pangkapayapaan at pangkaayusan sa CALABARZON, na ang Philippine Army ay nagiging abala ngayon sa mga gawaing sibil, tulad ng pakikipagtulungan sa malawakang gawaing sa muling pagpapagubat sa kapaligiran na itinataguyod ng mga yunit ng pamahalaang lokal, at ng mga tanggapan ng kongresista sa rehiyon, pagsasaaayos ng mga farm-to-market road, at rehabilitasyon ng mga nasisirang gusaling pampaaralan kung may nagdaraang kalamidad dito sa Katimugang Tagalog. Bilang commanding officer, nabatid din mula kay Kison na ang 202 nd Infantry Brigade, na bahagi ng 2 nd Infantry Division, ay mayroong organisadong quick response team para magsagawa ng mga rescue operations halimbawa ay may sasagiping mga natatabunan ng gumuguhong lupa, mga mamamayang nalalagay sa panganib ang b

SUPORTADO ANG KAMPANYA LABAN SA PAG-ABUSO SA MGA BATA

Si Alkalde Vicente B. Amante, katulad nina Alkalde Eladio M. Magampon ng Alaminos, Alkalde Rollen I. Urriquia ng Rizal at Bise Alkalde Florencio Laraño ng Victoria, ay nagpaabot ng pakikiisa at pagsuporta sa itinatag na Anti-Child Abuse Foundation (ACAP) ni Optical Media Board Chairman Eduardo Luis B. Manzano na nagkaroon ng soft launching dito sa Lunsod ng San Pablo noong nakaraang Linggo ng umaga na itinaguyod ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago sa Arago Farm sa Barangay Santo Niño, na dinaluhan ng mga pinunong bayan at lider barangay sa 3 rd Congressional District of Laguna. Kasama nila sa larawan si Gng. Eva R. Arago, ang butihing ina ng mambabatas. Ang official and formal launching ay gaganapin sa Maynila sa darating na Lunes, Setyembre 15. ( Ben Taningco )

ANTI-CHILD PORNOGRAPHY CAMPAIGN, INILUNSAD SA SAN PABLO

SAN PABLO CITY – Ganap na pinahahalagahan ni Optical Media Board Chairman Eduardo Luis B. Manzano na ang soft launching ng Anti-Child Abuse Foundation na kanyang itinatag ay tinangkilik ni Congreswoman Ma. Evita R. Arago ng ika-3 Distrito ng Laguna sa pamamagitan ng isang pagtitipong ginanap sa Arago Farm sa Sityo Baloc sa Barangay Santo Niño, lunsod na ito, noong Linggo ng tanghali na nilahukna ng mga punumbayan at mga pinunong barangay mula sa pitong (7) yunit ng pamahalaang lokal na kanyang kinakatawan. Naging tanging panauhin sa pagtitipon sina Provincial Administrator Dennis “DSL” S. Lazaro at Out-going Provincial Police Director Felipe Lozada Rojas Jr. (na matataas ng tungkulin bilang Deputy Chief ng InterPol ng Philippine National Police sa Camp Rafael Crame sa Quezon City). Dumalo rin sa pagtitipon sina dating Press Undersecretary Ike C. Gutierrez at Malacañang Communication Consultant Reli German na ngayon ay mga actual residents na ng lunsod na ito.

REP. IVY ARAGO, SUPORTADO ANG ANTI-CHILD PORNOGRAPHY CAMPAIGN NI CHAIR EDU MANZANO

Ipinadama ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago ang kanyang ganap na pagsuporta sa Anti-Child Pornography Campaign ni Optical Media Board Chairman Eduardo Luis B. Manzano sa pamamagitan ng pagiging host o tagapagtaguyod sa ginanap na soft launching sa lunsod na ito noong Linggo ng tanghali, Agosto 31, 2008 ng Anti-Chiuld Abuse Foundation, Inc. (ACAF) na itinatag ng kilalang TV host para sa pambansang kampanya upang masugpo ang mga nagaganap na pang-aabuso sa mga bata na ang karaniwang gulang ay mula sa tatlo hanggang siyam na taon. Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga pinunong bayan at pinunong barangay mula sa pitong lunsod at munisipyo na bumubuo ng 3 rd Congressional District na kinakatawan ng mambabatas. Dumalo at nakaniig ni Chairman Edu Manzano sina Provincial Administrator Dennis “DSL” S. Lazaro, San Pablo City Mayor Vicente B. Amante, Alaminos Mlayor Eladio M. Magampon, Rizal Mayor Rollen I. Urriquia, Victoria Vice Mayor Florencio Laraño, Alaminos ABC Presid

PITONG LAWA, IBALIK KAY PABLOY

Sang-ayon sa isang ulat mula sa Office of the Secretary General ng House of Representatives, nagsisimula ng kumilos ang House’ Coimmittee on Local Government upang masimulan ang pagsasagawa ng mga kaukulang public hearing para sa proseso ng pag-aaral hanggang sa mabalangkas ang panukalang batas na sususog sa Batas Republika Bilang 4850 na lumilikha sa Laguna Lake Development Authority (LLDA), na sinusugan ng Presidential Decree No. 813 noong Oktubre 17, 1975, at Executive Order No. 927 noong Disyembre 16, 1983, na naglalayon ang pangangasiwa at pagpapaunlad sa pitong (7) lawa ay mabalik sa Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo. Magugunita na dahil sa pagkapagpatibay sa Executive Order No. 927 na nagpapalawak sa sakop ng Laguna de Bay Region, ang mga lawa at ilog sa sakop ng Lunsod ng San Pablo ay nasakop o sa operasyon ng batas ay naging pag-aari ng Laguna Lake Development Authority, at ganap na nawalan ng poder ang pangasiwaang lokal upang mapaunlad at tuwirang mapa

Edu laban sa pedopilya

Sa pakikipanayam sa ilang kinatawan ng local mass media noong Linggo ng tanghali, nananawagan si Optical Media Board Chairman Eduardo Luis B. Manzano sa lahat ng sektor ng pamayanan na magkaroon ng malasakit na mapangalagaan ang kagalingan ng mga bata, at suportahan ang ano mang kilusang makatutulong upang maging masigla at masigasig ang kampanya laban sa pang-aabuso sa mga bata at kabataan. Si Manzano ang tagapagtatag ng Anti-Child Abuse Foundation (ACAF), isang pambansang kilusan nagsusulong ng pagpapalaganap ng mga tamang kamalayan ukol sa suliranin ng pedopilya sa bansa, at kung saan ahensya dapat iparating ang impormasyon ukol sa kanilang mga gawain. (Ben Taningco)