SAN PABLO CITY – Ganap na pinahahalagahan ni Optical Media Board Chairman Eduardo Luis B. Manzano na ang soft launching ng Anti-Child Abuse Foundation na kanyang itinatag ay tinangkilik ni Congreswoman Ma. Evita R. Arago ng ika-3 Distrito ng Laguna sa pamamagitan ng isang pagtitipong ginanap sa Arago Farm sa Sityo Baloc sa Barangay Santo Niño, lunsod na ito, noong Linggo ng tanghali na nilahukna ng mga punumbayan at mga pinunong barangay mula sa pitong (7) yunit ng pamahalaang lokal na kanyang kinakatawan. Naging tanging panauhin sa pagtitipon sina Provincial Administrator Dennis “DSL” S. Lazaro at Out-going Provincial Police Director Felipe Lozada Rojas Jr. (na matataas ng tungkulin bilang Deputy Chief ng InterPol ng Philippine National Police sa Camp Rafael Crame sa Quezon City).
Dumalo rin sa pagtitipon sina dating Press Undersecretary Ike C. Gutierrez at Malacañang Communication Consultant Reli German na ngayon ay mga actual residents na ng lunsod na ito. Sila ang naging official guide ni Chairman Edu Manzano sa paglilibot at pagmamasid sa kapaligiran ng lunsod.
Ang Anti-Child Abuse Foundation (ACAF) ay isang non-sectarian and non-profit organization na itinatag ni Edu Manzano na ang tanging layunin ay maipaunawa sa mga mamamayan ng bansa ang nagiging talamak na pag-abuso sa mga bata, na ang karaniwang nagiging biktima ay may gulang na mula sa tatlo hanggang siyam na taon. Ang kanilang isasagawa ay advocacy campaign, sapagka’t sa ilalim ng mga umiiral na batas, ay may mga ahensya ang pamahalaan na dapat magsagawa ng mga actual apprehension sa mga gumagawa ng pag-abuso sa mga bata, ay may proseso na dapat isaalang-alang ng mga nagpapatupad nito.
Nabanggit na ito ay “soft launching” pa lamang, dahilan sa ang actual launching o ang formal na paglulunsad ng mga gawain nito ay gaganapin sa Maynila sa darating pang Lunes, Setyembre 15, 2008.
Comments
Post a Comment