Bilang commanding officer, nabatid din mula kay Kison na ang 202nd Infantry Brigade, na bahagi ng 2nd Infantry Division, ay mayroong organisadong quick response team para magsagawa ng mga rescue operations halimbawa ay may sasagiping mga natatabunan ng gumuguhong lupa, mga mamamayang nalalagay sa panganib ang buhay dahil sa pagtaas ng tubig at malawakang pagbaha, at paghahatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad o relief operations.
Sa Cavinti, Luisiana, at Liliw kung saan ang Philippine Army ay lumahok sa pagsasaayos ng mga barangay road, iniulat ni Lt. Col. Ernest Marc P. Rosal, commanding officer ng 1st Infantry Batallion na ang lawak ng pananagutan ay ang malaking bahagi ng Laguna, na ang mga rehabilitated road ay tinatawag ngayong “poblacion-to-barangay road” sapagka’t ito ang nakatutulong upang mabilis at maluwag na nakararating sa mga kanayunan ang mga medical mission na naghahatid ng mga paglilingkod na pangkalusugan, ang mga tauhan ng Provincial Population Office na nagsasagawa ng advocacy campaign sa halaga ng pagpaplano ng pamilya, pagpapatatag ng sambahayan, at pagpapataas ng antas ng nutrisyon ng mga bata. Nakikinabang din ang mga field personnel ng National Transmission Corporation (TRANSCO) na nangangalaga sa mga transmission line ng National Power Corporation.
Sa Calauan, ang mga kawal ay nagging karpintero at mason para tumulong sa pagtatayo ng mga tahanang pinaglipatan ng mga squatter sa ilalim ng ilang tulay sa Maynila na pinaunlad sa pangangasiwa ng Diyosesi ng San Pablo. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment