Ipinadama ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago ang kanyang ganap na pagsuporta sa Anti-Child Pornography Campaign ni Optical Media Board Chairman Eduardo Luis B. Manzano sa pamamagitan ng pagiging host o tagapagtaguyod sa ginanap na soft launching sa lunsod na ito noong Linggo ng tanghali, Agosto 31, 2008 ng Anti-Chiuld Abuse Foundation, Inc. (ACAF) na itinatag ng kilalang TV host para sa pambansang kampanya upang masugpo ang mga nagaganap na pang-aabuso sa mga bata na ang karaniwang gulang ay mula sa tatlo hanggang siyam na taon. Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga pinunong bayan at pinunong barangay mula sa pitong lunsod at munisipyo na bumubuo ng 3rd Congressional District na kinakatawan ng mambabatas.
Dumalo at nakaniig ni Chairman Edu Manzano sina Provincial Administrator Dennis “DSL” S. Lazaro, San Pablo City Mayor Vicente B. Amante, Alaminos Mlayor Eladio M. Magampon, Rizal Mayor Rollen I. Urriquia, Victoria Vice Mayor Florencio Laraño, Alaminos ABC President Oscar M. Masa, Calauan ABC President Jaime P. Goyena Jr., at mga Sangguniang Kabataan Chairmen. Naging tanging panauhin sa pagtitipon si dating Press Undersecretary Icasiano “Ike” C. Gutierrez, at Malacañang Communication Consultant Reli German na mga actual residents ng lunsod, at gumanap na tour guide ni Edu sa paglilibot sa lunsod pagkatapos ng pagtitipon.
Ang ACAF ay isang private foundation, na ang lahat ng mga magiging gugulin sa operasyon nito ay pansarili, at walang pondo mula sa Optical Media Board (OMB) ang magagamit nito, at ipinahayag ni Chairman Edu Manzano na ang ACAF ay mayroon ng panimulang pondong isang milyong piso (P1,000,000), na gagamiting pangpremyo o pampalubag-loob sa mga indibidwal na makikipagtulungan uupang madakop ang mga gumagawa ng pag-abuso sa mga bata. Si Congw. Ivy Arago ay nagpahayag na sa pangalan ng mga pinunong baya sa ika-3 Distrito ng Laguna ay magkakaloob ang kanyang tanggapan ng P100,000, na may pasubaling ito ay initial contribution lamang sa kilusang may magandang layunin para sa kagalingang pambansa. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment