
Si Alkalde Vicente B. Amante, katulad nina Alkalde Eladio M. Magampon ng Alaminos, Alkalde Rollen I. Urriquia ng Rizal at Bise Alkalde Florencio Laraño ng Victoria, ay nagpaabot ng pakikiisa at pagsuporta sa itinatag na Anti-Child Abuse Foundation (ACAP) ni Optical Media Board Chairman Eduardo Luis B. Manzano na nagkaroon ng soft launching dito sa Lunsod ng San Pablo noong nakaraang Linggo ng umaga na itinaguyod ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago sa Arago Farm sa Barangay Santo Niño, na dinaluhan ng mga pinunong bayan at lider barangay sa 3rd Congressional District of Laguna. Kasama nila sa larawan si Gng. Eva R. Arago, ang butihing ina ng mambabatas. Ang official and formal launching ay gaganapin sa Maynila sa darating na Lunes, Setyembre 15. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment