Skip to main content

Posts

Showing posts from December 9, 2007

GENER B AMANTE,
BALIK SA PANGULUHAN NG LIGA

SAN PABLO CITY – Sa pamamagitan ng 58 boto na ipinagkatiwala sa kanya, si first term Punong Barangay Gener B. Amante ng Barangay San Jose ay napagwagian ang pagiging Panguo ng Liga ng mga Barangay sa Lunsod ng San Pablo sa halalang ginanap sa Rizal Hall ng San Pablo City Central School ng noong Martes ng umaga, Disyembre 11, 2007 ng naaayon sa alituntuning itinatakda ng Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160.. Sa isang paalaalalang pagpapayo o advisory na pinalabas ni Local Government Secretary Ronaldo Puno ay kanyang ipinaunawang ang panunungkulan ng lahat ng Pangulo ng Liga ng mga Barangay, at Tagapangulo ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan na nahalal noong 2002 ay natapos na noong Oktubre 31, 2007 matapos maganap ang October 29, 2007 Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, kaya tulad ni Del Remedio SK Chairman Kristine Ann A. Picazo na nauna nang halal na Pangulo ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan sa Lunsod ng San Pablo, si San Jose Puno

HB 2662 NI IVY ARAGO, PANGANGAILANGAN

SAN PABLO CITY - Ikinatutuwa ng mga may tunay na pagmamahal at malasakit sa kagalingan ng lunsod ang paghahain ni Congresswoman Ma. Evita “Ivy” Roda Arago ng House Bill No. 2662 sa Malaking Kapulungan ng Kongreso, na nagpapanukalang ibalik mula sa poder ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang pagmamay-ari, pananagutan, at pangangasiwa sa pitong (7) lawa sa Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo. Sapagka’t walang magmamalasakit sa kalikasan ng lunsod kundi mismong ang mga taga-lunsod na rin, at dapat ding isiping ang pitong lawa ay hindi lamang para sa mga mangingisda, kundi para sa kabuuan ng lahat ng mamamayan ng lunsod. Isang dating pinunonglunsod ang nagsabing pagkalipas ng dalawang (2) dekada ay saka lamang nagkaroon ng kinatawan ang Ika-3 Distrito ng Laguna sa Kongreso na nalamam, nadarama, at higit sa lahat ay may tunay na makasakit sa kapakanan at kagalingan ng isang mahalagang likas-yaman ng lunsod na ang kabuuan ng lunsod ang dapat makinabang. Si Congresswo

PEBRERO, BUWAN NG PHILHEALTH

Si dating Senador Juan Martin Flavier (kanan) samantalang nanunumpa kay Health Secretary Francisco T. Duque III bilang kagawad ng Board of Directors ng PhilHealth. Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1400, sa layuning maikintal sa kaisipan ng mga mamamayan ang halaga ng papel na ginagampanan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) , na isang palatuntunang panglipunan, ang Buwan ng Pebrero ng bawa’t taon, na magsisimula sa Taong 2008, ay ipinahahayag na PhilHealth Month. Ang PhilHealth na isang Government Owned and Controlled Corporation upang magpatupad ng Pambansang Palatuntunan sa Kaseguruhang Pangkalausugan o National Health Insurance Program ay natatag sa bisa ng Batas Republika Bilang 7875 na napagtibay noong Pebrero 14, 1995, at nagsimulang akuin ang pananagutan sa pagpapatupad ng dating Medicare Program para sa sektor ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan simula noong Oktubre ng 1997 ng ilipat ng Government Service Insurance System (GSIS) ang pondo ukol ditto,