Skip to main content

PEBRERO, BUWAN NG PHILHEALTH

Si dating Senador Juan Martin Flavier (kanan) samantalang nanunumpa kay Health Secretary Francisco T. Duque III bilang kagawad ng Board of Directors ng PhilHealth.

Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1400, sa layuning maikintal sa kaisipan ng mga mamamayan ang halaga ng papel na ginagampanan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) , na isang palatuntunang panglipunan, ang Buwan ng Pebrero ng bawa’t taon, na magsisimula sa Taong 2008, ay ipinahahayag na PhilHealth Month.


Ang PhilHealth na isang Government Owned and Controlled Corporation upang magpatupad ng Pambansang Palatuntunan sa Kaseguruhang Pangkalausugan o National Health Insurance Program ay natatag sa bisa ng Batas Republika Bilang 7875 na napagtibay noong Pebrero 14, 1995, at nagsimulang akuin ang pananagutan sa pagpapatupad ng dating Medicare Program para sa sektor ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan simula noong Oktubre ng 1997 ng ilipat ng Government Service Insurance System (GSIS) ang pondo ukol ditto, at ang para sa pribadong sektor ay noong April ng 1998 matapos na ang pondo ay ilipat ng Social Security System (SSS).


Ang batas na nagtatag sa PhilHealth ay itinaguyod sa Malaking Kapulungan ni Kinatawan Wilfrido L. Enverga at sa Senado ni Senador Edgardo J. Angara. Samantala, si dating Senador Juan M. Flavier na naging masugid na tapagtaguyod sa pagpapaunlad ng Medicare Program sa bansa ay natalaga kamakailan bilang Board Member ng Philippine Health Insurance Corporation.


Ayon kay Dr. Carmelita Laureano, Assistant Vice President for Region IV-A, ang limang (5) pangunahing palatuntunang ipinatutupad ng PhilHealth ay ang pagkakaloob ng kaseguruhang pangkalusugan sa mga may palagiang gawain o employed sector; mga may sariling gawain at pinagkakakitaan o informal sector; mga manggagawa sa labas ng bansa o overseas worker; mga hindi na nagsisipagbayad na miyembro o mga retiradong kawani at manggagawa; at mga tinatangkilik o sponsored members.


Idinagdag pa ni Dra. Laureano na ang PhilHealth ay nagkakaloob ng nagkakaisang mataas ang uring paglilingkod na pangangalagang pangkalusugan sa lahat ng sakop nito, tulad ng tulong para sa pagtigil sa pagamutan, tulong na pambili ng gamut, at kaupahan sa mga manggagamot at laboratory examination. Ang PhilHealth ay mayroon ding mga tanging palatuntunan para sa mga manganganak, pangangalaga at pangangasiwa sa mga kasisilang pa lamang na sanggol o newborn care, at pagpapagamot sa mga dinapuan ng tuberkolusis na tinatawag na TB-DOTS Packages.


Simula noong Taong 2002, ay taunang ipinahahayag ng Pangulo ang pagdiriwang ng PhilHealth Week o PhilHealth Month, at sa bias ng Proclamation No. 1400, ang pagdiriwang sa Buwan ng Pebrero bilang Buwan ng PhilHealth ay magiging palagian na o magiging isa ng institusyong pambansa, paglilinaw ni AVP Carmelita A. Laureano. (Ben Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

San Pablo City’s Hagdang Bato

             Nobody knew the number of steps it has:   when it was constructed and by whom,   until Mayor Vicente B. Amante asked his private secretary to actually count the number of steps and copy the wordings on the tablets affixed on the lower part of the park structure.             The Hagdang Bato (concrete stairway) leading to the Sampaloc Lake, which is now a famous local landmark, is now part of the logo or official seal of San Pablo, being the City of Seven Lakes.           It was constructed in November 1915 under the administration of municipal president Marcial Alimario, but many, including the youth and technical personnel of the local engineering office, simply look it for granted.  Nobody knew the number of steps it has, when it was constructed and by whom, until Mayor Vicente B. Amante asked his private secreta...