SAN PABLO CITY – Sa pakikipag-ugnayan ng Pangasiwaan ng Lunsod ng San Pablo, ang Mobile Passporting Service ng Regional Consular Office ng Department of Foreign Affairs sa Lucena City ay magsasagawa ng beripikasyon at magpoproseso ng mga kahilingan para sa passport sa One Stop Processing Center sa darating na Marso 7, 2009, araw ng Sabado, na ang bibigyan ng prayoridad ay ang mga empleyado at kanilang mga kaanak ng Pamahalaang Lunsod. Dahil dito, pinapayuhan ni City Administrator ang mga interesadong kumuha ng passport na makipag-ugnayan sa Office of the City Legal Officer sa One Stop Processing Center, at sa kahilingan na rin ng DFA Regional Consular Office, ang application form at ang mga dokumentong dapat ilakip dito ay mangyari isulit na kaagad sa nabanggit na tanggapan (City Lega Office) sa o bago sumapit ang Pebrero 10, 2009. Ayon kay Amben Amante, ito ay isang magandang pagkakataon sa mga kawani ng pangasiwaang lunsod na maluwag at hindi magugol