Dahil dito, pinapayuhan ni City Administrator ang mga interesadong kumuha ng passport na makipag-ugnayan sa Office of the City Legal Officer sa One Stop Processing Center, at sa kahilingan na rin ng DFA Regional Consular Office, ang application form at ang mga dokumentong dapat ilakip dito ay mangyari isulit na kaagad sa nabanggit na tanggapan (City Lega Office) sa o bago sumapit ang Pebrero 10, 2009.
Ayon kay Amben Amante, ito ay isang magandang pagkakataon sa mga kawani ng pangasiwaang lunsod na maluwag at hindi magugol na pagkuha ng passport, na karaniwang pinagsasadya pa sa Lucena City o sa Maynila. Lalo at iisiping ang NBI Clearance, at maging ang mga dokumentong hinihiling sa National Statistics Office, tulad ng birth certificate, ay pawang mahihiling na rin sa mga kinauukulang tanggapan na naririto na rin sa City Hall Complex. (NETWORK NEWS)
Comments
Post a Comment