Skip to main content

Posts

Showing posts from April 11, 2010

NEW AMERICAN AMBASSADOR TO THE PHILIPPINES

     President Barack Obama has named Harry K. Thomas Jr. as new Ambassador of the United States to the Philippines . He arraived in Manila last Saturday, April 10, 2010, and his arrival statements are quoted here.      “Magandang gabi sa inyong lahat. I am delighted to be here to take up my responsibilities as the Ambassador of the United States to the Republic of the Philippines.  America and the Philippines are long-standing treaty partners, we are great friends, and we have much to do together. I look forward to working with the people of the Philippines and the people of America and to learn a lot about each other.       “My father was here after World War II and he always told me what a great time he had with the people of the Philippines. I hope that I can live up to the work that he and his colleagues did here on behalf of the Philippines.       “Thank you all very much. Maraming, maraming salamat sa inyong lahat”.      Incidentally, Harry K. Thomas, Jr. is a career membe

KASUNDUAN NG PAGTUTULUNGAN

Pormal na nilagdaan nina Mayor Nelson Monteagudo Osuna ng Nagcarlan at Mayor Vicente Belen Amante ng San Pablo City ang isang Memorandum of Agreement na nagbibigay ng kaluwagan sa Pangasiwaang Munisipal ng Nagcarlan na maglagak ng kanilang basura sa Sanitary Landfill ng Pangasiwaang Lunsod sa Sityo Baloc sa Barangay Santo Niño. Ang kasunduan ay nabalangkas sa bisa ng Kapasiyahan Bilang 2009-76 ng Sangguniang Bayan ng Nagcarlan, at Kapasiyahan Bilang 2009-350  ng Sangguniang Panglunsod ng San Pablo ,na maipatutupad sa bisa ng Kautusang Lunsod Bilang 2010-02. Sa kasunduan ay hindi pinahihintulutan ang paghahatid ng basurang nakalalason, at  ng mga basurang nalilikha at natitipon sa mga pabrika at paggamutan. ( Ruben E. Taningco ) .

PAGKAKALOOB NG 128 SQUARE METERS LOT, PINAHALAGAHAN NI MAYOR VIC AMANTE

Pinagkalooban ng Katibayan ng Pagkilala at Pagpapahalaga ni Alkalde Vicente B. Amante noong Lunes ng umaga si Bb. Belen A. Villarica bilang simbolo ng pasasalamat ng Pangasiwaang Panglunsod sa kanyang kagandahang-loob na ipagamit sa paraang donacion intervivos ang kanyang 128 metro kuwadradong lote upang mapagtayuan ng barangay hall ng Barangay Santa Veronica. Sa larawang kinuha matapos matanggap ang katibayan ay sinamahan siya nina City Administrator Loreto S. Amante (kaliwa) at Concejal Angelo “Gel” L. Adriano. ( Ruben E. Taningco )