Skip to main content

Posts

Showing posts from May 25, 2008

MARAMING BAWAL SA KAPITOLYO

Ilang kabataan na mga Grade IV pupil sa isang paaralang elementarya sa Pila, na nagsadya sa Bulwagang Pulungan ng Sangguniang Panglalawigan sa bakuran ng pangasiwaang panglalawigan sa Santa Cruz, at sa pagpasok nila ng bakuran ng pangasiwaang panglalawigan, ay kaagad nilang napansin na ang bakuran ay “Bawal Compound.” Sa dahilang walang naganap na sesyon ang sangguniang panglalawigan noong nakaraang Miyerkoles ng hapon, na sana ay kanilang oobserbahan, ang napagtuunan nila ng pansin ay ang iba’t ibang babala na nagpapahayag ng mga kabawalan sa loob ng bakuran. Sa may monumento para sa alaala ni Gobernador Juan Pambuan ay napansin nila na bawal tumuntong at tumawid sa damuhan; sa maraming lugar ay bawal pumarada ang tricycle, naroroon din ang mga pagbabawal na manigarilyo, at ang lahat ng karatulang kanilang nakita ay pawang nagsisimula sa katagang “bawal.” Isang janitor ang nakarinig sa pag-uusap ng mga kabataang mag-aaral, at sinabing “Mga totoy

Action Agad Si Amben

Sapagka't ito ay para sa makataongpangangasiwa ng mga napipigil sa San Pablo City District Jail, sa loob lamang ng 14 minuto matapos idulog ni Jail Sr. Insp. Arvin T. Abastillas, ang bagong talagang City Jail Warden, noong Lunes ng umaga, ang isang mahalagang pangangailangan ng piitan, kay City Administrator Loreto S. Amante, matapos makausap si Mayor Vicente B. Amante, at City Budget Officer Dormelita D. Ignacio, ay napagtibay kaagad ang pagkakaloob nito, na ang kinakailangan lamang ay ilahad ang tamang specification ng Bureau of Jail Management and Penology para ang pagbili nito ay mapagtibay ng Commission on Audit. ( RET )

BUKAS ESKUWELAHAN, PINAGHANDAAN NA

Iniulat ni City Administrator Loreto S. Amante noong Lunes ng umaga na sa pakikipag-lugnayan sa Division of San Pablo City, at Association of Private Schools in San Pablo City, ay itinatag ang OPLAN: Balik Eskuela na magkatuwang na pangangasiwaan nina Chief of Police Joel C. Pernito at PSAF Chief Roberto P. Cuasay, na bagama’t binalangkas para magsimula ng kanilang opisyal na gampanin sa araw ng Martes, Hunyo 10, ay magsisimula ang mga tauhang bumubuo nito na lumibot sa mga lugar o espisipikong lokasyon kung saan sila nakatalagang kumilos simula ngayong Lunes, Mayo 26 para sila ay maging pamilyar at magkaroon ng sapat na oryentasyon sa mga inaakalang suliraning maaaring lumitaw sa mga araw na nagsisimula na ang pasukan sa mga eskuwelahan sa kalunsuran, at maging sa mga kanayunan. Tiniyak ni City Administrator Amben Amante na ang muling pagbubukas ng lahat ng antas ng mga paaralan ay napaghandaan na, maging ang suliranin sa kakailanganing silid-aralan ay naihanap na

Mga Tulong Ni Congresswoman Arago

Nang tanggapin ng pamunuan ng San Pablo City Chamber of Commerce and Industry, Inc. sa pangunguna ni Pangulong Efren de Castro at Executive Director Rey de Leon ang tulong na pinansyal mula kay Congresswoman Ivy Arago para sa paglulunsad ng isang educational campaign upang umakit ng mga investor na mamuhunan sa Lunsod ng San Pablo. ( RET ) Masayang nakiupo si Congresswoman Ma. Evita R. Arago sa piling ng mga nagpapasalamat na pinunong barangay sa Bayan ng Alaminos sa pangunguna ni ABC President and Councilor Oscar M. Masa (ika-2 mula sa kaliwa) bago nila tanggapin ang tulong na pinansyal para sa iba’t ibang paggawaing nayon, na mula sa halagang P500,000 para sa pagpapaayos ng lansangang barangay hanggang P1,400,000 para sa pagpapatayo ng gusaling pampangasiwaan ng barangay sa isang pagtitipong ginanap kamakailan sa Sityo Baloc, Lunsod ng San Pablo. Ang implementasyon ng nabanggit na palatuntunan, mula sa pagpapasubasta at konstruksyon ay sa pamamahala ng DPWH-San Pablo City Sub-Distr

BUWAN NG UGNAYANG PULISIYA AT PAMAYANAN

ALAMINOS, Laguna – Ngayon pa ay nagpapaalaala na si Supt. William S. Duldulao, hepe ng pulisiya sa bayang ito, na ngayon pa ay dapat ng paghandaan ang paggunita sa Buwan ng Hulyo bilang Police-Community Relations Month, upang manatiling sariwa sa kaisipan ng mga mamamayan na kinakailangan ang pagkakaisa at pagutulungan ng pulisiya at ng mga mamamayan upang matamo ang kapayapaan at kaunlaran o ang pambansang kapanatagan. Ang pagdiriwang sa taong ito ay siyang magiging 13 th Police-Community Relations Month, ayon kay Duldulao Ito ay batay sa iniuutos ng Proclamation No. 783 na pinagtibay ni Pangulong Fidel V. Ramos noong Abril 24, 1996, na sinusugan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pamamagitan ng Proclamation No. 764 na pinagtibay noong Enero 24, 2005. Kinakailangan ng pulisiya ayon kay Duldulao na nauunawaan ng pamayanan o ng lipunan ang kanilang mga gawain, sapagka’t sila ay magtatagumpay lamang kung sa pagtupad nila ng tungkulin ay sinusuportahan ng iba’t