
Sapagka't ito ay para sa makataongpangangasiwa ng mga napipigil sa San Pablo City District Jail, sa loob lamang ng 14 minuto matapos idulog ni Jail Sr. Insp. Arvin T. Abastillas, ang bagong talagang City Jail Warden, noong Lunes ng umaga, ang isang mahalagang pangangailangan ng piitan, kay City Administrator Loreto S. Amante, matapos makausap si Mayor Vicente B. Amante, at City Budget Officer Dormelita D. Ignacio, ay napagtibay kaagad ang pagkakaloob nito, na ang kinakailangan lamang ay ilahad ang tamang specification ng Bureau of Jail Management and Penology para ang pagbili nito ay mapagtibay ng Commission on Audit. (RET)
Comments
Post a Comment