Nang tanggapin ng pamunuan ng San Pablo City Chamber of Commerce and Industry, Inc. sa pangunguna ni Pangulong Efren de Castro at Executive Director Rey de Leon ang tulong na pinansyal mula kay Congresswoman Ivy Arago para sa paglulunsad ng isang educational campaign upang umakit ng mga investor na mamuhunan sa Lunsod ng San Pablo. (RET)
Masayang nakiupo si Congresswoman Ma. Evita R. Arago sa piling ng mga nagpapasalamat na pinunong barangay sa Bayan ng Alaminos sa pangunguna ni ABC President and Councilor Oscar M. Masa (ika-2 mula sa kaliwa) bago nila tanggapin ang tulong na pinansyal para sa iba’t ibang paggawaing nayon, na mula sa halagang P500,000 para sa pagpapaayos ng lansangang barangay hanggang P1,400,000 para sa pagpapatayo ng gusaling pampangasiwaan ng barangay sa isang pagtitipong ginanap kamakailan sa Sityo Baloc, Lunsod ng San Pablo. Ang implementasyon ng nabanggit na palatuntunan, mula sa pagpapasubasta at konstruksyon ay sa pamamahala ng DPWH-San Pablo City Sub-District Engineering Office. (RET)
Comments
Post a Comment