SAN PABLO CITY – Bilang paraan ng pagbati sa pagsapit ng ika-16 Anibersaryo ng Pagkakatatag, matapat na pinahahalagahan ni City Administrator Loreto S. Amante ang malaking tulong na naipagkakaloob ng National Health Insurance Program na ipinatutupad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang maayos na maipatupad sa lunsod na ito ang Palatuntunan sa Pagkakaloob ng mga Tulong na Pangkalusugan sa mga Mahihirap o City Indigency Program, at sa mga nagpapagamot sa ospital, sapagka’t ang nadudugtungan ng palatuntunan ang limitadong pondong nailalaan ng pangasiwaang lokal para sa pagtulong sa mga mahihirap nitong mamamayan. Sa mga uri ng pagiging kaanib ng PhilHealth, nabanggit ng City Administrator na ang higit na kapakipakinabang at malaki ang naitutulong ay ang sponsored member, o ang mga mahihirap na pamilyang kaya nasasakop ng pambansang palatuntunan sa kaseguruhang panglipunan ay sa tulong ng yunit ng pangasiwaang lokal at ng PhilHealth, kung saan ang P1,200