CALAMBA CITY, (PIA)— Sinabi ni Pangulong Benigno S. Aquino lll sa kanyang mensahe bilang panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita sa ginanap na inagurasyon kamakailan sa bagong City Hall Annex Building sa Lungsod ng Binan na “Napakahalaga ng pagkakaroon ng responsible at tapat na pangasiwaang lokal upang maging aktibo at epektibo ang ating pagkilos tungo sa kaunlaran ng mamamayan.”
Sinabi ng Pangulo na pinangunahan niya ang pagsuporta ng batas na isulong ang pagiging lungsod nito upang palakasin ang lokal na gobyerno at mamamayan ng Binan sa paniniwalang higit na nakakaalam ang pangasiwaang lokal sa mga tunay na pangangailangan ng kanilang komunidad.
“Ngayon at hawak na ninyo ang dagdag na kapangyarihan at yaman bilang lungsod ay inaasahan na lalo pang mapapangalagaan ang kapakanan at mapapabuti ang pamumuhay ng mga taga Binan”diin ng Pangulo.
Binanggit din na kaliwat kanan ang mga bumabalikid sa kanyang agenda ng pagbabago, subalit sa tulong ng mga lokal na pinuno at maigting na pakikilahok ng mga taga Binan ay wala tayong hindi malalampasan dagdag pa rito.
Sinabi na malaki ang ambag ng mga kompanya sa pagunlad ng lungsod at ang paglago ng negosyo ay nangangahulugan din ang paglago sa kabuhayan ng mga tagarito at ng marami pang Pilipino.
Sinabi pa ng Pangulo na bahagi ng kanyang obligasyon na maisigurong walang ibang pupuntahan ang Binan kundi kasaganaan.
Ipinaalam din na anuman ang kanilang kailangan basta para sa kapakanan ng taong bayan huwag mag-atubiling lumapit dahil nariyan ang kanyang administrasyon upang silay paglingkuran.
“Wala pong nagbago kayo pa rin po ang BOSS Ko” sabi pa ng Pangulo.. (PIA/Lito Cabotaje)
Comments
Post a Comment