Bilang kasangguni ni Mayor Florcelie Lubuguin Esguerra, pinapayuhan ni dating Senior Board Member Karen C. Agapay ang mga pinunong halal sa Bayan ng Cavinti, kasama na ang mga kagawad ng Liga ng mga Barangay dito, na maging seryoso sa paghahanda nng kanilang Local Development Plan, at dapat maging seryoso sa paghahanda ng Municipal at Barangay Development Plan, dahil sa ito ang kinakailangang kasulatan na batayan sa pagpapatibay sa inihahandang Annual Budget ng mga yunit ng pangasiwaang lokal.
Sa mga punong barangay at iba pang mga pinunong nayon na nahalal noon lamang nakaraang Oktubre 25, 2010, sila ay pinaaalalahanan ni Atty. Karen C. Agapay na maaaring samantalahin nila ang nalalapit na long school vacation para ang mga estudyante na naninirahan sa kanilang barangay ay maanyayahang makatulong sa pagkuha ng mga datus na kinakailangn para mabago o marebisa ang kanilang Barangay Socio-Economic Profile, at sa beripikasyon ng talaan ng lahat ng mga residente sa barangay na itinatagubilin ng Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160.
Kung isasaalang-alang ang alituntuning iminumungkahi ng
Regional Development Council (RDC) sa tagubilin ng National Economic and Development Authority (NEDA), ang kaayaayang City/Municipal Development Plan ay ang pinagsamasamang Barangay Development Plan sa isang lunsod o munisipyo, upang ito ay maituloy sa pangasiwaang panglalawigan at maging bahagi ng Provincial Development Plan, kaya ang mga nagsisipaghanda ng Barangay Development Plan ay dapat maging seryoso sapagka’t ang kanilang binabalangkas na palatuntunan ay magiging bahagi ng panglalawigan palatuntunan.

Kung isasaalang-alang ang tagubilin ng Local Government Code of 1991, walang pondo ang dapat palabasin o ma-release liban na lamang kung ang proyekto o palatuntunan ay nakatadhana sa Local Development Plan ng Yunit ng Pamahalaang Lokal. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment