Skip to main content

Posts

Showing posts from July 13, 2008

TUNAY NA KALALAGAYAN NG LUNSOD, INILARAWAN NI MAYOR VIC AMANTE (SOCA : State Of the City Address)

Sa state-of-the-city address na binigkas ni Alkalde Vicente B. Amante noong Lunes ng umaga, sa flag ceremony sa City Hall bilang pormal na pag-uulat sa tunay na kalalagaylan ng Lunsod ng San Pablo matapos ang unang taon ng kanyang ika-limang termino bilang punonglunsod, ay ipinaaabot niya ang mataas na pagpapahalaga at pasasalamat sa Sangguniang Panglunsod sa pangunguna ni Vice Mayor Frederick Martin A. Ilagan bilang pagtanggap sa katotohanang ang lahat ng hiniling niyang pagtibaying kautusang lunsod ay napagtitibay, na ang tuwiran namang nakikinabang dito ay ang nakararami sa mamamayan ng lunsod, na dito ay kasama na ang mga kawani ng pangasiwaang lunsod na simula sa Buwan ng Hulyo ay pinagkalooban ng taas ng sahod na katumbas ng 10 porsyento ng kanilang taunang kita, at ang pagpapatibay sa paglalaan ng sapat na pondo upang maipatupad ang mga palatuntunang pangkalusugan at panglipunan na ang tuwirang makikinabang ay ang mga mahihirap na kagawad ng lipunang lunsod.l

PALATUNTUNANG PANGKALUSUGAN NI MAYOR MAGAMPON

ALAMINOS, Laguna – Nanawagan si Mayor Eladio M. Magampon sa mga punong barangay na paalalahanan ang kanilang mga pinangungunahang mamamayan na sa darating na Linggo, Agosto 3, 2008, ay may 20 manggagamot, at ganoon ding bilang ng dentista na magsasagawa ng medical and dental mission sa bayang ito, na gaganapin sa Municipal Covered Court sa likuran ng municipal hall.simula sa ganap na ika-8:00 ng umaga. Ginawa ng punumbayan ang pahayag bilang tagapagsalita sa flag ceremony noong Lunes ng umaga. Dating isang rural health doctor, ipinaaalaala ni Mayor Magampon na may sapat na angkop na gamot na ipamamahagi sa nabanggit na medical mission na ipagkakaloob na walang bayad, na batay sa kanyang pakikipagtalastasan sa tagapagtaguyod ng medical and dental mission, ay dapat na umabot sa 1,500 may karamdaman ang handang paglingkuran ng palatuntunan. Ang mga may kaanak na dumaraing na sila ay may katarata, ay pinapayuhang makipagkita kay Mayor Magampon para sila ay maituloy sa Nagcarlan District H

LLDA MAY KAPANGYARIHANG MAGSAGAWA NG DEMOLISYON

SAN PABLO CITY – May kagalakang ibinalita ni General Manager Edgardo C. Manda na ang kapasiyahan ng Manila Regional Trial Court na nagbibigay ng kapangyarihan ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) na maipagiba ang mga fishpen na itinayong walang kapahintulutan, o pag-aari ng mga operator na hindi nagsisipagbayad ang karampatang kaupahan para sila ay makapagkultura ng isda sa Laguna de Bay, ay kinatigan ng Court of Appeals sa pamamagitan ng isang kapasiyahang inihanda ni Justice Magdangal de Leon. Magugunitang ang LLDA ay ipinagsumbong sa hukuman ng Federation of Fishpens and Fishcages Operators Association of Laguna de Bay, Inc. upang pigilin ang LLDA na ipagiba ang mga palaisdaang hindi naipagbabayad ng kaupahan o rental, sa katuwirang ang sinisingil na P6,000-bawa’t ektarya bawa’t taon ay walang kapahintulutan ng Pangulo ng Bansa. Paninindigang pinawalang kabuluhan ng hukuman sa ilalim ng kaisipang ito ay bahagi ng kapangyarihang ipinagkakaloob sa LLDA ng