Dating isang rural health doctor, ipinaaalaala ni Mayor Magampon na may sapat na angkop na gamot na ipamamahagi sa nabanggit na medical mission na ipagkakaloob na walang bayad, na batay sa kanyang pakikipagtalastasan sa tagapagtaguyod ng medical and dental mission, ay dapat na umabot sa 1,500 may karamdaman ang handang paglingkuran ng palatuntunan.
Ang mga may kaanak na dumaraing na sila ay may katarata, ay pinapayuhang makipagkita kay Mayor Magampon para sila ay maituloy sa Nagcarlan District Hospital kung saan sa darating araw ng Huwebes, Hulyo 24, 2008 ay may isasagawang screening, upang ang mga dapat operahin ay ooperahin sa susunod na mga araw ng Biyernes at Sabado, Hulyo 25 at 26, 2008 bilang isang proyektong itinataguyod ng Tanggapan ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago.
Ang mga may anak na may pilas sa labi (bingot) o suliranin sa ngalangala (cleft palates) na makipagkita sa kanya upang ang mga batang nagtataglay ng ganitong kapansanan ay kanyang masuri para mairekomenda sa isang organisasyon sa paglilingkod na handing magtaguyod na sila ay maipaopera.
Comments
Post a Comment